"Kanina pa hindi nagre-reply ni Monique,"
"Baka kasama na naman nya ang boyfriend nya. Alam mo naman iyon, hindi mapaghihiwalay,"
"Duh! I bet nag-shopping na naman sila ng grandmother niya. Galante kasi iyon,"
"Girls, enough. Malay naman natin di'ba tulog lang or baka naman nagre-review for the finals,"
"Teka, itong si Hera kanina pa walang kibo,"
Nakikinig lang ako sa usapan nila sa aming video call. Dahil nga sa pandemic ay hindi namin magawang magkita kita at mag-bonding kaya hanggang video calls lang muna kame sa messenger.
"Nakikinig naman ako sa inyo. I just don't want to talk about Monique, we all know how busy she is right now," ani ko.
Napansin ko naman ang pabirong irap ni Ulodia. "I know right. Ipagtatanggol na naman ni Hera the Hero ang kaniyang best friend,"
Sumang-ayon naman ang iba sa kanila pero alam ko na nagbibiruan lang ang mga ito. Alam kong alam din nila na busy ngayon si Monique sa pag-aayos ng documents niya for her scholarship.
"Mas mabuti pang mag-review na lang tayo, girls. Next week na ang finals, kailangan din nating mag-aral kung gusto pa nating maka-graduate next year," patawa tawa kong paliwanag sa kanila.
"Maya na tayo ulit mag-usap. I really need to focus. Goodbye, girls!" dagdag ko pa at hindi ko na sila pinagsalita dahil agad ko na pinindot ang end button ng video call.
Kailangan ko na mag-focus ngayon dahil after this semester 4th year college na ako. I have to do my best.
**********
Nagising ako bigla sa ingay na nagmumula sa labas ng bahay.
Nakatulog na pala ako. Teka, anong oras na?
2:00 am.
"Oh, shit," mahina kong sambit.
Bakit hindi ko man lang namalayang nakatulog na pala ako? Hindi pa nga ako nangangalahati sa librong kailangan kong pag-aralan.
"Tulong! Buksan mo to! Tulong, please!"
Nabaling ang tingin ko sa glass window sa aking kuwarto nang marinig ko ang malakas na sigaw at kalampag na iyon. Galing iyon sa katabing bahay namin.
Unti-unti kong hinawi ang kurtina na nakaharang sa aking bintana at nakita ko ang patuloy na pagkalampag ng pinto ng isang babaeng sa tingin ko ay ka-edad ko lamang. Umiiyak sya at nagmamakaawa.
May nakita rin akong isa pang taong tumatakbo, mabilis na tumatakbo papalapit sa kaniya.
"Tulong! Please, papasukin ninyo ako!" patuloy na sigaw nito.
Anong ginagawa nila sa ganitong oras?
Tatawag na dapat ako ng pulis dahil sa desperado nitong paghingi nang tulong. Ngunit nang aabutin ko na ang aking cellphone at bigla kong nasagi ang lampshade ko na sanhi ng malakas na ingay.
Nakuha nito ang atensyon ng babae sa labas at gumawi ang tingin niya sa akin sa bintana kaya agad kong isinara ang kurtina.
Ngayon ay malakas na niyang kinakatok ang bintana ng kuwarto ko. Humihingi ng tulong.
Ano bang gagawin ko? Hindi ko naman sya kilala.
Mabuti nalang ay may mga riles ng bakal na nakaharang sa aking glass window at hindi siya maaaring makapasok.
"Tulungan mo ako! Paki-usap, papatayin nila ako. Malapit na sila. Nakiki-usap ako sa iyo!" naririnig ko ang pagmamakaawa nito.
Marahan akong pumikit. Bumibigat na rin ang paghinga ko.
Naguguluhan ako sa pangyayari. Ano ba ang nangyayari?
"Miss, miss alam kong nandiyan ka. Pagbuksan mo ako paki-usap. Ayoko pang mamatay!" umiiyak na sya. Halos basag na ang boses nya sa kakasigaw.
Minulat ko ang mga mata ko. At hinawi ng kaunti ang kurtina para buksan ang bintana.
"Bubuksan ko ang pinto," pabulong kong sabi sa kaniya.
Agad kong ni-lock ang bintana at dali-daling binuksan ang pinto ng apartment na tinitirhan ko.
Ngayon ay nakapasok na siya. Tuliro ito at kitang-kita ang panginginig ng mga kamay niya.
"S-salamat sa iyo. Tatanawin ko itong utang na loob," umiiyak niyang sabi habang pilit na inaabot ang kamay ko pero patuloy lang ako umaatras palayo sa kaniya.
"Hindi, ayos lang iyo---"
"Maraming humahabol sa akin, mga halimaw!" natataranta niyang pagputol sa sasabihin ko.
Napakunot ang noo ko sa narinig, "Halimaw?"
"Oo, mga halimaw sila. N-nakapalibot sila sa kahit saang lugar. W-wala akong matakasan, walang ibang daan. Kahit s-saan ako magpunta---"
"Teka, kumalma ka muna," mahinahon kong tugon dahil nahahalata kong lalo lang siyang nanginginig habang pinagpapatuloy ang salita.
Doon ko lang napansin ang benda sa kanang braso nya. Tumutulo ang dugo mula doon at nang mapansin ay agad niya itong tinakpan gamit ang kaliwa nyang kamay.
Lalo akong napaatras dahil dito. Nakakapagtaka, nag-iiba ang kulay ng balat niya. Unti-unti itong nagiging lila at lumalalim rin ang kaniyang mga mata.
"A-anong nangyayari sa iyo, miss?" kinakabahan kong tanong. Wala akong ka-ide-ideya sa nangyayari.
"P-please, 'wag mo akong paaalisin. Normal ako!" pagmamakaawa pa nito.
Patuloy itong naglalakad palapit sa akin habang unti-unting nagbabago ang katauhan.
Napaatras ako hanggang sa bumangga na ako sa lababo. Wala na akong aatrasan pa. Nilalamon na rin ako ng takot dahil sa nakikita ko.
Unti-unting nawala ang itim sa kaniyang mata. Napaltan ito ng puti na may ugat na kulay pula.
Ikinapa ko ang kamay ko sa lababo hanggang sa makuha ko ang kutsilyo dito.
"N-normal akoo," lumalalim na ang boses nya hanggang sa malalim na pag-ungol na lang ang ginagawa nito.
Nakiramdam ako sa nangyayari sa kaniya.
Bigla siyang natahimik, walang kibo. Nakatingin lang sa direksyon ko. Hanggang sa...
"Ahh!"
Kusang gumalaw ang kamay ko at pilit na nilalabanan ang nilalang na ito.
Bigla na lang siyang tumakbo ng napakabilis papunta sa akin. Ibinuka niya ang bibig at pilit akong kinakagat pero agad kong nadepensahan ang sarili.
Napakalakas niya at kahit na maliit na babae lamang ay napakabigat nito.
"U-malis ka sa akin!"
Hirap na hirap akong labanan siya. Napakalakas. Naririndi na rin ako sa ingay na ginagawa niya.
Dahil sa lakas nito ay unti-unting nanghina ang mga braso ko dahilan para mabitawan ko ang mga kamay niya.
"Shit!"
Napasigaw ako nang mas lumapit ang bibig nya sa leeg ko. Nakasalag lang ang kutsilyo at iyon ang kagat-kagat niya ngayon. Dahil sa naka-liyad ako sa lababo ay napakahirap sa akin na gumalaw at makaalis.
"Aaahh! Pakshet ka!" buong lakas ko itong itinulak. Nahiwa rin ang bibig nito ngunit tila ba hindi ito nasasaktan.
"What the hell?!"
Nakatingin pa ito sa akin at akmang susugod na naman.
Bago pa man ito makalapit ay ibinuwelo ko na ang kanang kamay ko at saktong isinaksak ito sa sintido niya nang makalapit ito sa akin dahilan ng tuluyan nitong pagbagsak.
"A-ano itong ginawa ko. Hera, nakapatay ka ng tao, gaga ka talaga,"
Napatakip na ako ng bibig. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko na maiwasang umiyak dahil sa nagawa ko.
Dahan-dahan akong humakbang sa walang buhay na nasaksak ko. Sobrang daming dugo na ngayon ang nagkalat sa buong kusina dahil sa kaniya.
Anong ginawa ko. Nakapatay ako.