Hndi na ako mapakali, hindi ko alam ang gagawin ko. Nakapatay ako at hindi ito biro!
Ano na ba kasi ang nangyayari? Bakit biglang may ganitong scenario? Bakit may.. may kung anong nilalang dito?!
Nabaling ang tingin ko sa sahig at doon nakita ko ang phone ko. Nag-vibrate ito.
Pagkabukas na pagkabukas ko ng WiFi ay agad na bumungad sa akin ang napakaraming chat mula sa iba't ibang tao. Sa mga kaklase ko, kaibigan, kakilala, at kila papa. Sila papa.
"Anak, kamusta ka diyan? Nasa ligtas ka ba? Kung maaari lang kitang sunduin gagawin ko pero hindi ko magawa dahil kahit kame ay hindi makalabas dito,"
Ito ang chat ni papa. Napakarami na ring missed calls and texts mula sa kaniya at sa kapatid kong si Ced.
Hindi online si papa kaya hindi na muna ako nag-reply at binuksan ang iba pang chats. Sa group chat naming magkakaibigan. Naka-tag ako. Lahat sila hinahanap ako.
Andami nilang usapan. Takot na takot sila.
Ako na lang ba ang walang kaalam-alam sa nangyayari?
"Oh my God! What's happening?!"
"Nasaan na ba si Hera? Bakit hindi siya nagpaparamdam?"
"Guys, ayos lang ba kayo? Ang sabi sa balita, 'wag daw lalabas at manatili muna sa loob ng mga bahay,"
"Paanong manatili? Kinakalampag na nila ang pinto namin! Please help us!"
"Riven, calm down! Darating din ang mga sundalo. Ang sabi nila, paparating na ang rescue sa bawat lugar,"
"How can I calm myself?! Shit, this bitch outside is breaking my windows!"
"Riven! 'Wag kang lalabas! Hindi ligtas ngayon. Hintayin mo ang mga rescue!"
"Hera!"
"Bakit hindi sumasagot si Hera? May nangyari na kaya sa kaniya?"
"Guys, listen. Kailangan natin makarating sa daungan ng barko. Ang sabi sa balita doon daw dadalhin ang mga rescue at survivors. Nandoon na din ang base ng militar"
"Ligtas kaya doon?"
"Oo, hinarangan na ng lahat. Pero hindi rin sigurado. Naputol na ang lahat ng balita sa tv. Sa social media na lang talaga tayo magre-rely,"
"Girls, this bitch is really something! Hindi niya ako tinitigilan!"
There's a video call at the end of the conversation. Mukhang nag-video call sila bago mag-offline.
Ano itong nababasa ko sa group chat namin? Rescue? Nag-e-evacuate ba sila? Bakit? Saan?
Litong lito na ako. Ano ang dapat kong gawin?
Muli akong sumilip sa labas ng pinto ng aking kuwarto. Nandoon pa rin yung bangkay.
Gusto ko lumabas pero pinangunahan ako ng takot kaya agad kong ini-lock ulit ang pinto ng kuwarto. Sumilip ako sa bintana at sobrang tahimik na ngayon sa labas. Anong rescue ang sinasabi nila? Bakit walang dumarating pa dito?
4 hours ago na noong nag-usap sila sa group chat pero bakit dito walang nadating na rescue?
*riinnnggg ringgggg*
"H-Hello," bungad ko
"Hello, Hera!"
Kuya?
"Kuya Ced! Kuya, ano ba talaga ang nangyayari? Bakit mayroong kakaibang nilalang dito? Hindi ko na alam ang gagawin ko---"
"Kumalma ka lang, Hera. Makinig ka sa lahat ng sasabihin ko. Hindi ko alam kung bakit hindi mo agad ito nalaman pero ang mahalaga ay ligtas ka ngayon,"