the dance

0 0 0
                                    

Nanlumo ako sa narinig ko at napatungo.
Hindi ako ang magiging first dance niya.

Nagsimula ng tumugtog, inialok ni Collin ang kaniyang kamay at kinuha naman ito ni Gail ng nakangiti. Inilagay niya ang kamay niya sa bewang ni Gail at nakalapat naman ang mga kamay ni Gail sa balikat niya at nagsimula silang magsayaw. Mukhang masaya si Gail at minsan pa'y natawa ito dahil sa sinasabi ni Collin. Iniiwas ko na ang tingin ko sa kanila dahil medyo nasasaktan akong makita ito.

"Pano yan dre! Di na ikaw ang first dance?!" Pang aasar na tanong ni Mark ngunit di ko na sila pinansin at inabot ang tubig sa lamesa.

Natapos na silang magsayaw sa entablado at inalalayan ni Collin si Gail sa pagbaba at inihatid pa ito sa kaniyang upuan.

"Thanks" sambit ni Gail at binigyan niya ng matamis na ngiti si Collin.

"Yeah, thank you din" sagot ni Collin at nagpaalam na.

"Oh, dre isayaw mo na!" Sabi ni Mark sa akin at tinutulak tulak pa ako.

"Hindi na, mamaya na lang, hindi man ako ang first dance eh baka sa last dance na lang niya." Mahina kong sambit at pinukol ang paningin ko sa dance floor.

"Tss. Bahala ka nga dre!" Sambit ng dalawa at tumayo upang isayaw ang mga napupusuan nila.

Naupo na lamang ako habang pasulyap sulyap kay Gail na nakaupo at masayang nakikipagkuwentuhan sa kaniyang mga kaibigan.

Napakaganda niya lalo na kapag tumatawa, kaya madalas kong patawanin at biruin siya noong junior high school kami at kaklase ko pa siya. Nakapadali niyang patawanin at napakabait pa, matalino din pero mapagpakumbaba. Medyo mahiyain pa siya noon at ako ang unang nagapproach sa kanya kahit nahihiya ako dahil kung titignan mo noon ay mataray siya pero yun pala ay nahihiya lamang siya.

Noon pa man ay gusto ko na siya, lagi akong nagpapansin at kunyari pang nagpapaturo sa kanya sa kunyaring hindi ko maintindihang lesson, para lang marining siyang magsalita. Lagi ko siya pinapatawa at halos lagi ko ding kasabay magsnack sa break time.

Gustong gusto ko na siyang ligawan noon kaya naman kunyaring pinahagingan ko siya at tinanong,

---

"May crush ka ba?" Tanong ko sa kanya habang nakain kami.

"Ha! Meron naman! Pero wala ako ganong interes sa ganan eh, tamang paghanga lang." Sagot niya sa akin.

"Ahh... B-bakit n-naman?" Pagusisa ko sa kanya.

"Mahirap na, hahahaha, ni hindi ko pa nga maintindihan ang mga gusto ko para sa sarili ko eh" sagot niya habang tumatawa.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko sa kanya.

"I mean, hindi pa ako handa. Ni hindi pa sumagi sa isip ko yung mga ganan eh" ani niya at tumingin sa akin.

"Ahh... Okay" sagot ko na lamang at tumigil na at baka makahalata pa siya.

---

Siguro naman ngayon ay handa ka na? Tanong ko sa isip ko at tumingin sa kanya, sakto namang paglingon niya at nagtama ang aming mga mata, ngumiti siya at tila may sinasabi ang kaniyang mga mata. Nag-iwas din agad ito ng tingin ng may lumapit sa kaniya upang isayaw siya at pumayag naman ito.

Napayuko muli ako at nanood na lamang sa mga sumasayaw.

Kinukumbinsi ko rin ang sarili na lakasan na ang loob at magtapat na sa kaniya. Sa tingin ko ay yun ang dapat kong gawin upang makalaya na sa hirap na ganito.

Nasasaktan akong makita siya na may kasayaw na iba kahit na wala naman akong karapatan sa kaniya.

Buo na ang loob ko, isasayaw ko siya sa huling kanta, at aamin na ako sa kanya.

Naghintay lamang ako sa kinauupuan ko hanggang sa makabalik siya sa inuupuan niya.

"Ladies ang Gents! This is the last song for tonight! Now get up at ask the one you want to dance with!" Anunsiyo ng emcee at bumaba ng entablado.

Agad na ibinalik ko ang tingin ko kay Gail na nakakunot ngayon ang noo at may kausap sa kaniyang telepono. Agad itong tumayo at lumapit sa kaniyang adviser at tila nagpapaalam na lalabas siya. Pinayagan siya nito at agad naman siyang tumakbo palabas.

Wala sa sariling tumayo ako, kailagang masundan ko siya, nagaalala ako at kinakabahan sa dahilan kung bakit kelangan niyang lumabas.

Mabilis akong naglakas palabas ng gymnasium at hinanap siya. Nakita ko siyang naglalakad patungo sa back gate ng school at sinundan siya. Nagtago ako sa may gilid at tinignan ko sino ang pupuntahan nito.

"Gail!" Wika ng isang lalaki na tila hindi tagarito dahil sa ganda ng pagkakbigkas nito sa pangalan ni Gail.

"What are you doing here?" Noon ko lamang narinig ang ganoong accent ni Gail. Napakasopistikadang pakinggan, kala mo ay ibang lahi.

"I told you I will come" sagot ng lalaki, kung titignang maigi at tila may lahi ito, pangahan, makapal ang kilay at napakaganda ng mata, at isa pa ay ang accent nito.

"You don't need to" matigas na sagot ni Gail

"Come on Gail! I haven't seen you for a long time!" Sagot ng lalaki.

"You can just stay at home! You can wait for me there! What if someone saw you in here?!" Galit na wika ni Gail sa lalaki at nagpalinga linga kaya napatago ako sa may pader.

"Go home!" Wika muli ni Gail kaya napasilip muli ako.

"Fine, I will." Sagot ng lalaki na tila natalo sa laban at muling tumingin kay Gail.

"I'll wait for you, 'kay? I love you" Ani nito at ikinagulat ko ang ginawa niya.

Hinalikan niya sa Gail at tila hindi naman niya ito ikinagulat. Ilang segundong magkalapat ang kanilang labi ngunit para sa akin ay napakatagal, parang nahati ang puso ko sa sakit. Nangingilid ang luha ko at iniiwas ang tingin ant humakbang palayo ngunit natigilan ako,

"I love you, take care, just wait for me" usal ni Gail na lalong ikinadurog ng puso ko.

Mukhang handa ka na nga Gail, ngunit hindi nga lang para sa akin.
Masyado atang natagalan ang pagtatago ko ng nararamdaman ko, nahuli na tuloy ako.
Masyado na atang maraming sayaw ang pinalipas ko, iba na tuloy ang nakakuha ng tyempo. 

Ni hindi man lang kita naisayaw, kahit huling sayaw man lang.

Sana pala ay isinayaw na kita sa lahat ng kanta, para kahit hindi ako ang nauna, naranasan ko namang isayaw ka kahit huli na pala.

A Dance With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon