Bata pa lang kami mag bestfriends na kami ni angela, malapit kasi ang parents namin sa isa't isa, marami na kaming pinagdaanan ni angela, sa panahon ng kasiyahan, kalungkutan, galit o kung ano pa man iyan lagi kong kasama si angela.
Naka-graduate na kami ng highschool may usapan kami na parehas kami ng school para walang iwanan. Pumayag naman si angela, sa manila kami nakatira, magkatabi lang kwarto namin sa dorm, kaya sabay na kami pumapasok ng eskwela.
First day of school.
wow nabighani ako na ang ganda pala ng school ng napasukan ko, nabighani din ako kasi hindi ako makapaniwala na naka- abot ako ng college dahil akala ko noon mamamatay na ako dahil sa sakit ko sa utak, pero hindi, naagapan naman ito.
"Ui john nakuha mo na schedule mo?" tanong ni angela. "Oo, nakuha ko na. Parehas tayo diba?" sabi ko naman. "Oo parehas tayo. Exciting ang college. Tara punta na tayo sa unang class natin." Dagdag niya.
Natapos ang buong maghapon namin sa unang araw namin sa eskwela. Napakasaya kahit super pagod. Masaya ang college kahit mahirap. Pero atleast promise namin sa isa't isa na magtutulungan kami hanggang makatapos kami.
BINABASA MO ANG
Okay lang ako. Okay na Okay
RomanceMay mga bagay sa mundo na hindi mo makukuha o madadaan sa pera, tulad ng kaligayahan, kaibigan, magulang, higit sa lahat pagmamahal. Kung mahal talaga natin ang isang tao malalaman natin kasi sigaw ng puso natin ito. Hindi ka man mayaman, hindi mo k...