Untitled

2 1 0
                                    

"H'wag po kayong umalis huwag niyo kaming iwan" rinig ko sigaw ng isang tinig na pamilyar sa akin pero hindi makilala kung kanino.

"Ano ba? Bitiwan mo nga ako, sinabi ko naman na maiwan kayo rito." sagot ng isang babae na mahahalata mo sa kaniyang boses na siya ay galit.

"Ahhhhhh!!! Masakit po tama na po!!" sigaw ulit ng lalaking bata na umiiyak na sa sakit na nararamdaman niya dahil sa higpit at baon ng mga kuko ng babae.

"T-tama n-na p-po T-tama naaa!!" sigaw ng isang batang babae ngunit hindi pa siya nakakalapit ay itinulak ng babae 'yong batang lalaki sa kaniya na nahing dahilan para mauntog ang bata sa sahig.

"Okay ka lang ba?" tanong ng batang lalaki sa kawawang duguan na bata at unti-unting paglabo ng kaniyang nakikita ay kasabay ng unti-unti paglayo ng babae sa kanila.

__________________________________________________

Yona POV

"Waaaaaahhhh!!" sigaw ko dahil bigla akong may narinig na ingay. Tsk. Ang pangit na nga ng panaginip ko pero mas pangit pa rin itong nasa harapan ko.

"Lakas mo makasira ng umaga. Alam mo ba na natulog ako na parang prinsesa tapos gigisingin mo lang ako kasing pangit ng iyong itsura." sigaw ko ro'n sa may harapan ko na halatang nababadtrip na sa akin.

"Hoy baka nakakalimutan mo unang araw natin ito sa school tapos ikaw hihiga lang diyan. Bahala ka kung ayaw mo bumangon at huwag ka sa akin sumabay." sigaw rin sa akin ng pangit na 'to.

"Ah, talaga ba? Kaya mo ba na iwan ang isang katulad ko na nakatanga lang dito. Bahala ka konsensya mo rin ako." sabi ko sa kaniya at dumeritso sa banyo.

Wala na akong narinig na sagot mula kay Kuya Kiyo siguro nabadtrip na at tuluyan na ngang umalis.

Umalis.

Umalis.

Umalis.

Umalis.

"Bwakanangshems nakabihis na siya no'ng nakita ko baka nga umalis na siya. Hindi ko pa naman masiyadong alam 'yong Oxford University" bulong ko sa sarili ko at binilisan ang pagligo ko at pagbihis.

Pagbaba ko sa kusina wala talaga siya ibig sabihin magtatanong-tanong ako dahil sa kaniya.

Lagot ka talaga sa akin (TT) naiiyak ako, shems

Pagsakay ko ng jeep ay may nakita akong dalawang babaeng nagtatawanan sa loob ng jeep tapos iiwas ng tingin kapag titingin ako sa kanila.

Siguro kala nila artista ako dahil hindi naman sa pagmamayabang ang daming pumupuri sa akin tapos nadagdagan rin ni Kuya Kiyo dahil sikay si Kuya sa school kaya mas lalo akong nakikilala sa dati ko na school.

Pagbaba ko sa jeep nakita ko si Kuya Kiyo na nakatayo sa harap ng kotse niyang mahal na mahal niya. Ampotchi parang hindi kapatid.

"Yona." tawag sa akin ni Kuya Kiyo pero hindi ko pinansin.

"Yona." wala akong naririnig

"Yonaa!" may diin niyang sabi BWHAHAHAHAHA bahala ka diyan suyuin mo ako

"Yona." nilampasan ko siya at hinila ako sa loob ng kotse.

"Ano ba?" sigaw ko sa kaniya "Ang sakit kaya." pahinang-pahinang sabi ko. Ang sakit naman talaga nauntog pa 'yong paa ko lupa pagkahila niya sa akin.

"Tsk. Tignan mo me





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 14, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UntitledWhere stories live. Discover now