Aking sinta....
Di ko alam kong kelan pa ako muling ngumiti,
Ito'y napawi ng aking malamang
Ako'y may malubhang karamdaman.
Nagsimula ito ng sumakit ang aking ulo,
Ang aking mundo'y unti unting gumuho.
Saan ako kakapit? Ako ba'y malapit ng kunin ng langit?
Ako'y gulong gulo
Hindi alam kong ano pang dahilan para manatili sa mundong ito.
Kadilima'y gusto na akong agawin,
Walang liwanag ang gustong sumagip sa akin.Ospital ang aking kinatatakotan
Malalaking panturok na sa karawan ko'y nanunuot,
Ako'y gustong magpahinga
At lumimot sinta.
Ng biglang nahagilap ng aking mata ang ngiti mong kay sigla
Mga oras at gusto ko ng tumigil sinta.Hindi ko na alam kong kelan kita muling makikita
Ang taong bumuo ng aking ngiti,o makikita pa kaya kita?
Ako'y nagulat, ng aking pag mulat
Ika'y aking nahagilap
Nakahiya sa kaparehang kama, pasyente karin pala?
Ako'y nagulantang sapagkat ngiti mo'y aking nasilayan oh sinta ika'y nakakangiti pa sa Kabila ng ng iyong problema.
Salamat sa ngiti mong nagbibigay ligaya sa aking sistema.Ako'y napaisip, kay lupit pala talaga ng tadhana
Sa milyo milyong tao są mundo
Bakit, bakit tayo pa ang napili nito?
Napangiti ng mapait
Sobrang lupit talaga satin ng langit.Bakit ang tao pang nagbigay sakin ng ngiti,
Ay inagaw at pinagkaitan ng pagkakataon?
Ang sakit isipin na kung kelan may dahilan na ako para ngumiti at kumapit muli
Inagaw lang din pala ito, at pinaranas sakin ang panandaliang ligaya.
Ang sakit naman talaga,
Hindi ba ako pwedeng maging masaya?Unti unti na akong nababasag ng mawala ang kaunting liwanag
Na nagpapailaw sakin ng kay banaag
Siguro ito'y mensahe na ng panginoon
Ako'y unti unti ng nabibigyang linaw
Na dapat na akong bumitaw
Siguro dito na titigil ang oras ko
Mahal kita, sana iyong madama
Naging konti man ang oras natin sinta.
Tandaan mong mahal na mahal naman kita.
Tayo'y muling magkita
Sa paraiso ng mahal na maykapal......❣ Saraffina Santos
BINABASA MO ANG
Ngiti
Short StoryThis is the work of fiction . Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a ficticious kind of manner. PLAGIARISM IS A CRIME This book is unedited so expect typo graphica...