I have a kuya named Josh, lagi niya kong inaasar at binubully pero kahit ganun alam ko namang mahal niya ko. Sabi ko pa nga, ako na ata ang pinaka-masuwerteng tao sa mundo. Kasi nabigyan ako ng isang tulad niya na hindi ako iniwan kahit parang magkakaroon ng world war 3 kapag nag-aasaran kami.
"Hoy Jash, Ikaw maghugas ng plato. Tutal, Ikaw na rin naman ang naghugas kanina." Sabi ni kuya habang inuubos ang laman ng plato niya.
"Hoy Josh, Ikaw ang maghugas ng plato. Ano ka sinuswerte? Tse!" Nagmamadali akong kumain at saka pumunta sa kwarto at saka nilock 'yun.
'Bakit ba kasi ang tamad ng kuya ko? Puro Mobile Legends lang naman ang inaatupag.
Habang nakatingin sa kisame ay unti-unting pumikit ang mata ko at natulog na.
K I N A B U K A S A N
"JASH! PUMASOK KA NA! LATE KA NA!" Sigaw ni mama.
"Opo!" Kumilos na ko at saka bumaba na at kumain.
"Ma? Si kuya?" Tanong ko habang kinakagat pa ang hotdog na hawak ko.
"Ah, umuwi na siya. Hindi mo ba alam?" Mabilis na lumukot ang Mukha ko at saka pumasok na.
Mabilis na natapos ang klase at lumabas na ako ng school. Nakita ko si kuya sa isang accesories store malapit dito kaya agad-agad ko namang tinawag ito.
"Kuya!" Tinawag ko sya at agad itong lumingon sa akin. Napangiti pa ito at agad na kumaway sa akin.
Tatakbo na sana ako patawid ng may nakita akong Isang malaking truck na mabilis na papalapit sa kinaroroonan ko.
"Kuya Josh!" Binigyan ko sya ng Isang malungkot na ngiti at saka dahang-dahang pumikit habang nararamdaman ko ang malakas na pagbusina ng driver.
Ito na ata ang katapusan ko
Nagulat nlng ako ng biglang may tumulak sa'kin at mabilis na nabangga ng truck na ako ang dapat na natamaan.
Agad akong lumapit sa nagkumpulang mga tao at agad akong napaupo sa Nakita ko.
"KUYA!" Unti-unting tumulo ang luha ko habang nakatingin kay kuyang naliligo na sa kanyang sariling dugo.
"Tulong! Tulungan nyo kami!" Sigaw ko ngunit nag-iwas lang ng tingin ang iba at ang iba naman at busy sa pag-video sa nangyari. Napahagulgol naman ako at saka lumapit sa duguang katawan ni kuya.
"Kuya! Wag mo kong Iiwan... Please tulungan nyo kami! Wag mo kong Iiwan hindi ko kaya, bumangon ka na diyan. Please!"Gumagaralgal na saad ko habang nakatingin pa rin kay kuya na halatang wala ng buhay.
'Bakit mo ako Iniwan?
A Few Months Later...
Ilang buwan na ang nakakalipas simula nung mawala si kuya, pero hanggang ngayon iyak pa rin ng iyak si mama. ako ang sinisisi niya sa lahat, kung di daw siguro ako tumawid ay malamang buhay pa siya.
Ilang beses niya akong tinawag na tatanga tanga, malas, at ano-ano pang masasakit na salita. pero hindi ko iyon dinamdam, dahil patuloy pa rin sa paghihinagpis ang puso ko.
Siguro nga ay tama si mama, kung di sana ako tumawid ay siguradong hanggang ngayon ay buhay pa si kuya---
KNOCK! KNOCK! KNOCK!
"Sino yan!?"Tanong ko habang lumalapit sa may pintuan.
"Ako 'to, si ate Ash mo."Si ate Ash, girl bestfriend ni kuya.
Dali-dali kong binuksan ang pinto at saka pinaupo sya.
"Ate Ash, bakit nga pala nandito ka?"Nagsisiyasat kong tanong.
"Jash, Ang totoo kasi kaya ako pumunta dito para iaabot sayo ng personal ito at kausapin ka."Inaabot nya sa'kin ang isang maliit na box na may lamang kwintas? Na may initial ng pangalan ko? "Papasok na sana kami nun ng bigla nyang maalala ang birthday mo..." Napapailing na aniya at saka bumuntong hininga. "Sabi niya, pagkauwi niya ay dadaan siya dun sa Accessories Store bago umuwi dahil bibili siya ng ireregalo sayo at 'yan na nga 'yun."turo nya pa dun sa kwintas na hawak-hawak ko pa din. Nagsimula ng mangilid ang luha niya pero umiling siya ng umiling para di matuloy ang pagtulo nito. Bumuntong hininga ulit siya at saka pinagpatuloy ang kwento.
"Noong uwian na namin ay nagpaalam na siya at sinabi niyang umuwi na daw ako dahil kakatapos lang ng klase namin nun. at talagang napagod ako sa mga ginagawa namin. Tinanguan ko na lang siya at saka umalis na. Yung oras na yun ay yung aksidenteng nangyari sa inyo..."tumulo na ng tumulo ang luha niya at saka patuloy na pinupunasan ito. Nangilid na rin ang luha ko at nagsimula na ding humagulgol.
"Nung mga oras na yun ay nandun ako sa bahay at nag-aaral para sa paparating na Quarterly Exam, bigla namang tumawag si mama at saka sinabi yung nangyari. Nung una ay di ako naniwala pero nung marinig ko yung hikbi ni mama ay nagsimula na 'kong umiyak. alam mo namang close na close si mama at kuya Josh mo. Nung mga oras na yun parang mababaliw na ako, parang ayoko na magpatuloy. Alam mo namang gusto ko yung kuya mo diba?"Lumuluhang aniya pa at tumungo naman ako.
"Hindi kita sinisisi dahil alam kong hindi mo naman ginusto yung nangyari, pero nung mga oras na yun binibili niya yang kuwintas kasi magiging sobrang saya niya daw pag nakita ka daw niyang masaya."Pinunasan nya ang mga luha niya at saka nagpaalam na.
Napatulala naman ako at unti-unting nandilim ang paningin ko ng may naramdaman ako sa puso ko na sobrang sakit.
THE END.
BINABASA MO ANG
BAKA PWEDENG ISA PANG IKAW
Short StoryA Short Story The background cover came from the Pinterest and was just edited by the Author.