Prologue

343 23 1
                                    

Amy's POV

Pinanganak ako taong 1974. Magdedesiotso nako sa susunod na linggo, December 18.

Namatay yung tatay ko nung tatlong taong gulang palang ako dahil sa sakit sa puso at iniiwan nya ko lagi nun sa suki nyang barbero na si Mama Barbs, sa pinagmamay-ari nitong barber shop sa tuwing pumapasok sya sa trabaho. 

Inatake sya dun sa pinagtatrabahuhan nyang construction site sa isang bagong building na ipinapatayo ng isang Chinese na negosyante.

Bakla si Mama Barbs. Magkasama nila akong pinalaki ng boyfriend nyang si Papa Pabs na minsan ding naging suki nya. Isa syang highschool teacher. Sila na ang tumayong magulang ko hanggang sa nagdalaga nako. 

Walang nakakaalam kung san ang nanay ko. Yung totoo kong nanay. 

Walang nakakaalam kung anong nangyari sa kanila ng tatay ko, kung bakit mag-isa nalang akong binuhay ni Tatay nun. Basta ang alam lang nina Mama Barbs ay nakwento dati ng Tatay ko na nag-aaral ng abogasya ang nanay ko sa UP. 

Gustong gusto daw ng nanay ko yung gupit ng tatay ko kaya pabalik balik si tatay dun sa barbershop ni Mama Barbs. At sa tuwing nagpapagupit siya ay kinukwento niya yung mga pangyayari, but he never mentioned my mother's name for some odd reason. 

So, lahat ng alam nila tungkol sa nanay ko ay base lang sa mga ikinuwento ng tatay ko. 

Isang hapon masayang sinabi sakin ni Mama Barbs na may balita na raw sila kung saan namin pwedeng makita ang nanay ko.

FF

Nakasakay na kami ngayon ng bus papuntang probinsya.

"Sigurado po ba kayo dito Mama Barbs?. Kung wag nalang kaya." Nag-aalangan kong sabi rito.

"Kinakabahan ka lang. Pero diba ito yung pangarap mo?. Yung makilala ang nanay mo. Sabi mo pa nga dati yun na yung best gift na matatanggap mo sa birthday mo. Ngayon may pagkakataon ka na, ngayon ka pa ba aatras?." Sabi ni Mama Barbs.

"Pano kung di nya ko magustuhan?. Pano kung--"

"Walang magulang ang kayang tiisin ang sarili nitong anak. Nung nakilala ko nga yung tatay ko huli na ang lahat. Kaya anak, magpasalamat ka nalang kasi at least may pagkakataon ka pang makasama at makausap siya." Sabi ni Papa Pabs. 

"Di nyo naman po siguro ako ipapamigay diba?." Sabi ko.

Biglang nagkatinginan ang dalawa kaya naiyak ako na parang batang inagawan ng kendi.

"Biro lang. To naman, parang di na nasanay." Sabi ni Papa Pabs.

"Kayo naman kasi eh. Alam nyo namang ayokong binibiro ng ganun."

"Sige na, hindi na. Sorry." sabi ni Mama Barbs sabay akbay sakin.  

Hindi ko siguro kakayaning malayo sa kanila. Kahit matanda nako't ugod ugod, gusto ko andyan pa rin sila. 

December 19 pa ang Christmas break namin pero nagrequest ako ng special project at advance exam sa mga subject teachers sa tulong narin ni Papa Pabs since teacher sya dun sa pinapasukan kong skwelahan para makapunta ako dito. 

Siguro pinagpala akong manahin yung talino ng nanay ko, at isa yun sa mga ipinagpapasalamat ko. Kasama narin sa mga ipinagpapasalamat ko ay napunta ako kina Mama Barbs at Papa Pabs. Mahal na mahal ko sila. 

Di sila nagkulang sa pangangaral sakin kaya lumaki akong masunurin at magaling sa lahat ng ginagawa ko, hindi lang sa academics kundi sa mga extra-curricular activities narin na sinasalihan ko. Pinalaki nila akong mabuting anak at tao. At dahil dun ay naging madali sakin makakuha ng mga totoong kaibigan, sina Yssa, Jennifer at Frances. Preschool palang magkakakilala na kami. 

Hindi sila mapanghusga gaya ng ibang tao. Andyan sila lagi para ipagtanggol ako sa tuwing tinutukso ako ng ibang bata dahil kakaiba ang pamilya ko. 

First time kong mahihiwalay sa kanila kaya for sure mamimiss ko sila ng sobra. Hanggang ngayon dala dala ko parin sa pitaka ko yung litrato namin sa booth nung nakaraang taon. They're like the sisters I never had. 

"Malapit ka nang magdeseotso, pwede ka nang bumoto." Sabi ni Mama Barbs.

"Kung pwede ka nang bumoto nung nakaraang election nak, iboboto mo rin ba si President Fidel V. Ramos?." Sabi ni Papa Pabs.  

"Hindi po." Sabi ko.

"Talaga? Bakit naman?." Sabi ni Papa Pabs.

"Eh sino bang gusto mo?." Sabi ni Mama Barbs. 

"You mean sino po yung kailangan ng Pilipinas?."

Napaisip sila saglit.

"Si Senator Miriam Defensor-Santiago po."

"Wag ka nang magtaka." Sabi ni Papa Pabs kay Mama Barbs. 

Well, Senator Miriam Defensor-Santiago is somehow like the mother I never had. Bata palang ako idol ko na sya. Siya yung nakikita kong nanay sa imagination ko. Ginugupit ko pa nga yung pictures and articles na nakikita ko tungkol sa kanya sa mga diyaryo at tabloids. 

Andun yun lahat sa photo album ko na nasa bahay. Yung photo album na yun natanggap ko lang rin bilang regalo nung nakaraang taon sa birthday ko. Bigay yun ng kaibigan kong si Yssa. 

Isa si Sen. Miriam sa mga inspirasyon ko sa pag-aaral. Gusto ko kasing maging katulad niya balang araw. 

"Mama Barbs, Papa Pabs, favorite song nyo." Sabi ko nang mapansin kong ito ang ipinapatugtog sa bus. Agad naman silang naexcite nang marinig ito. Intro palang alam na alam ko na yan. 

Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka Makasama ka
Yan ang panalangin ko

Naalala ko nung bata pako yan yung palaging pinapatugtog nila sa radyo tuwing hapon kapag umuuwi kami ni Papa Pabs galing skwela habang sumasayaw sila sa bakuran ng bahay namin kahit pinagtitinginan na sila ng mga chismosa naming kapit-bahay. Pero wala kaming paki. What matters to me is masaya sila. Kung masaya sila, masaya narin ako.

Anim na taong gulang ako nung narelease at sumikat ang kantang yan nung 1980. Simula nun naging paborito ko narin yung kantang yun. Yan nga yung madalas na kinakanta ko sa tuwing sumasali ako ng mga pacontest sa school at sa mga barangay. 

Syempre di naman lagi panalo pero para kina Mama Barbs at  Papa Pabs, ako parin ang pinakamagaling. Naiiyak kasi sila sa tuwing kinakanta ko yun. Hindi sa lungkot kundi sa tuwa dahil dumating ako sa buhay nila.

At hindi papayag ang pusong ito
Mawala ka sa 'king piling
Mahal ko iyong dinggin

Wala nang iba pang mas mahalaga
Sa tamis na dulot ng pag-ibig natin dal'wa
At sana nama'y makikinig ka
Kapag aking sabihing minamahal kita

Napapangiti nalang ako habang inaalala ang mga nangyari nun. Pero ngayon ay nakuha ng napakagandang view ng mga bukirin at malalawak na taniman ang paningin ko. It's breathtaking. Ibang iba sa Maynila. Dito kasi sobrang payapa at parang laging nakangiti yung mga tao. Walang pollution, walang traffic. 

Good thing kasi andito ako nakaupo malapit sa bintana. I took a couple of pictures with my digicam so I could save memories for later. This is the best break ever. 

Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka Makasama ka
Yan ang panalangin ko

At hindi papayag ang pusong ito
Mawala ka sa 'king piling
Mahal ko iyong dinggin

Wala nang iba pang mas mahalaga
Sa tamis na dulot ng pag-ibig natin dal'wa
At sana nama'y makikinig ka
Kapag aking sabihing minamahal kita

WITH YOU IN 1992 (COCOTYANG)Where stories live. Discover now