Chapter 1

246 24 9
                                    

Coleen's POV

Andito ngayon ako sa principal's office, again. But this time for smoking inside the classroom. Sobrang boring kasi ng klase ni Miss Lopez. Mas mabuti na yun kaysa lumabas nalang ako bigla ng classroom without explanation right?. Tsk. 

"I'm really sorry for the inconvenience Mrs. Santos. I swear, panghuli na to. Right Coleen?." Sabi ni Dad na sinamaan naman ako ng tingin.

"Whatever." Irap ko.

"Anyways, pwede na siguro kaming umalis?." Sabi ni Dad.

"O-of course Mayor. Pasensya na rin, I'm sure medyo marami kayong ginagawa ngayon sa munisipyo. Saka ang ganda po nung pinatayo nyong gymnasium. In fact, kayo din. Ang pogi nyo ngayon. Bago po ba pabango nyo?." Yuck, is she seriously flirting?.

Goodness, you're freaking 64 years old, lady. 

60 is supposed to be the average retirement age at compulsory retirement age naman ang 65, pero parang gusto pa atang lumampas dun ni Mrs. Santos. Simula nung namatay yung husband niya 2 years ago, she started acting like a teenager. 

"M-maraming salamat po Mrs. Santos." Dad said uncomfortably at lumabas na kami sa office nya. 

Mrs. Santos is obviously attracted to my Dad just like some of my schoolmates' moms. Ipupusta ko pa kidney ko. Well, he wasn't lying when he said he used to be a heart-breaker.  

Pagdating sa bahay. Dad just dropped me since babalik din sya agad sa City Hall. Hindi nya ko kinausap sa buong biyahe. He left for work without even saying a single thing, I can see that he's really disappointed with me. Well, kung di lang sila nagsinungaling sakin ni Mommy this wouldn't happen. I wouldn't be the person I am today. Gosh, I can't wait to get out of this place.

We only have one phone in the house and it's Motorola DynaTAC 8000X. It was introduced in the market 9 years ago (1983). Dad bought it when he went abroad last year and only 3 families in town has it. 

My cousin Ate Abby has it. Yun yung ginagamit niya para kausapin ako at balitaan ako sa mga nangyayari sa kanila dun sa Maynila. She's the coolest. She's 5 years older than me. 

Lumuwas siya ng Maynila 2 years ago para makahanap ng mas malaking oportunidad. Kaya nung may pumunta dito at kinuha siya bilang modelo sa isang magasin ay agad syang sumama.

Naging maganda naman ang kinalabasan ng buhay niya. At base sa mga kwento niya mukhang masaya naman siya. 

Sa kwarto ko. 

Tinawagan ko agad si Ate Abby. 

Hello Ate Abby.

Oh Coleen, napatawag ka. May problema ba?.

W-wala naman po. May trabaho ka po ngayon?.

Oo, may photoshoot kami. Pero break pa naman.

Ate gusto ko na talagang umalis dito. 

Well, konting tiis nalang. Next year pwede mo nang gawin ang gusto mo. Pero make sure na tatapusin mo ng masaya ang taong to. Sabi mo nga last year mo na to dyan. Para kahit sa mga huling sandali may maiwan ka ring good memories kahit papano.

Naku, alam mo namang dati palang di nako naging masaya dito.

Wuy, alam natin pareho na di totoo yan. 

I don't even have friends here. 

Probably because you don't even try to make one.

People here are just too conservative and old fashioned Ate.

No two people in the world are exactly alike Coleen, even twins. Besides, true friendship is earned by learning how to compromise.

Compromise? Ano yun?.

Well, malalaman mo lang yun pag nagkaroon ka ng niisang kaibigan bago ka umalis dyan. 

No thanks. I mean who needs friends?. 

Hay naku Coleen, ewan ko sayo. Sige na, our break's over. Talk to you later.

Sige Ate Abby, bye.

Bye.

..

Amy's POV

Nakarating narin kami sa wakas. Malapit na rin palang dumilim.

Nagsimula na kaming maglakad. Sumunod lang kami kay Papa Pabs at nang makarating na kami dun ay inapasok na kami agad nung kakilala ni Papa Pabs na nagsabing dito daw namin makikita yung nanay ko. 

Si Manay Lorna ay dating kapit-bahay nina Papa Pabs. Nag-asawa syang muli at tagarito yung napangasawa niya pero namatay din kalaunan nung sinaksak sya ng kainuman nya isang gabi dahil sa hindi nito pagbayad ng utang. 

Nagsisimula nang hanapin nina Papa Pabs at Mama Barbs ang nanay ko nung nagpakasal si Manay Lorna kaya alam nya. Saka personal ding magkakilala ang tatay ko at si Manay Lorna. Kapag kasi umaalis para magtrabaho ang tatay ko ay iniiwan nya ko lagi sa barber shop at madalas na mapadaan dun si Manay. 

Ngayon ay mag-isa nalang siya sa buhay pero dinadalaw naman siya rito ng mga anak nya sa una nitong asawa every weekend, kung di nila nakakalimutan dahil na rin sa sobrang hectic ng schedule nila.

6PM na sa orasan niya sa wall. Kumakain na kami ngayon ng inihandang hapunan ni Manay Lorna.

"..Mia ang pangalan niya. Isa syang abogado na galing Maynila. Nung nakaraang buwan lang siya lumipat dito."

"Marami pong abogado sa mundo Manay, di kaya--" Sabi ni Papa Pabs.

"Sigurado akong siya yun. Gaya nga ng sabi ko nabanggit nya minsan na kilala niya si Apollo Isidto (tatay ko) nung minsang tinanong ko siya tungkol sa gupit niya. Inspirasyon nya daw si Apollo sa buhok na yun. May ipinakita pa nga sya saking litrato nila na magkasama. Kaya nga agad kitang sinulatan ukol dun kasi alam kong matagal tagal nyo rin syang hinanap. Yun nga lang--" Sabi ni Manay Lorna. Alam ko na ang ibig sabihin nun. Kitang kita ko naman sa expression ng mga mata niya. Pinagkaila nyang nagkaanak sila, na nabuhay ako. 

"P-pero hindi pa naman huli ang lahat. Maaari pang magbago ang isip niya." Sabi pa ni Manay Lorna.

"Baka nasabi nya lang yun kung ano man yun dahil di ka pa nya nakikilala. Sigurado ako pag nakita ka na nya mararamdaman nya yung lukso ng dugo gaya nung sa teleseryeng pinapanood natin yung yung--" Sabi ni Mama Barbs, trying to lift the mood.

"Mama Barbs, sa teleserye lang kasi yun nangyayari."

"Wuy, nangyayari din kaya yun sa totoong buhay. Naalala mo yung batang yagit na si Bonoy, yung madalas magswimming sa putikan kasama nung kalaro mo dati nung bata na nasa Dubai na ngayon--" Sabi ni Mama Barbs.

"Si Jerick." Sabi ko.

"Oo, si Jerick. Ang yayagit ng mga batang yun. Pero si Bonoy. Si Bonoy na nangongolekta lang ng kalakal satin nun anak pala ng mayaman. Tapos pano nila nalaman? Lukso ng dugo. Sinasabi ko sayo totoo yan. Oh, tumango si Papa Pabs. Nag-agree sya." Sabi ni Mama Barbs. Napapangiti nalang ako. Kilalang kilala talaga ako ni Mama Barbs. S/he knows exactly how to distract me.

"Oo nalang." Biro ni Papa Pabs.

At ayun, panay banter nalang sila para patawanin kami. Pero sa totoo lang, andito na sila bilang magulang ko. Ba't ko pa kailangan ng nanay?. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 08, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WITH YOU IN 1992 (COCOTYANG)Where stories live. Discover now