Chapter One

287 19 4
                                    


Chapter One:

"A wise man once said...there is only one happiness in life, to love and be loved. But for Iya, it's the latter she thinks she lacks of..."

Parang mali yata grammar. Wait, tama naman medyo? Hindi lang talaga tama pakinggan?

"But for Iya-shuta naman Iya"

"Hindi ko na alam," frustrated kong inexit ang onenote ko sa cellphone. "Mula nung masimulan kong magsulat, hanggang prologue lang ako. Ano ba kasing secret ng mga authors at nakaaabot sila ng epilogue?!"

Tinanggal ko ang salamin ko at dahan-dahan itong inilagay sa kandungan ko habang sandaling tiniklop ang braso ko para maging unan ko sa lamesa ng armchair ko. Pumikit ako at nagsimulang kwestyunin ang existence ko sa mundong 'to.

Charot.

May ilang minutes pa naman bago umakyat mga classmates ko galing sa canteen. Gusto ko muna umidlip. Kasalanan 'to ng pinsan kong nakatulog sa kapit-bahay.

Napaka-walanghiya lang ni Edward!

Pinaghintay ako ng alas-tres ng madaling araw para magbukas ng gate. Maya't maya pa naman ang gising sa akin ni Tita Edna para tanungin kung nakauwi na ba siya.

Minsan nalilimutan niyang may bahay pa siya, eh.

"Hoy! Villaluna!" Kamuntikan ko nang maibagsak ang salamin ko dahil sa lintik na sigaw na nagmumula sa doorway.

Mariin kong ipinikit ang mata ko sa bwisit. Eto na naman nga po siya, Lord.

"Ano? Balak mo pang ma-part two kay Sir Bless? Baba na," Nang-uutos na aniya.

Ampochi. Dinaig pa ang guard ng school.

"Ano na naman 'yon, del Rosario? Ako na naman nabunot mo, crush mo ba 'ko?" Matalim ang ipinukol kong tingin sa kanya.

Ang walang ibang SSC Grade Representative ng level namin, si Dos del Rosario. Ang dakilang shuta sa buhay ko. Kulang na lang maging tanod siya at pati sa bahay namin, hulihin ako.

Siya lang ang kilala kong officer ng SSC na sobrang ilag sa mga tao pero ang kinaganda naman sa kanya, makikita mong invested at passionate siya sa ginagawa niya.

No offense sa mga sumali lang kasi magiging famous sila.

Charot uleeeet!

It's an amazing sight whenever I'll see someone being passionate over the things they are doing, kasi alam mong kahit pagod sila, nag-eenjoy sila.

"Alam mo namang recess hours bakit nasa classroom ka? Sa guidance mo na naman kukuhanin 'yang ID mo," doon na ako napabalikwas ng tayo, masama pa rin ang tingin sa kanya.

Pero may isa pa yatang passionate si Dos bukod sa pagiging repre, ang bwisitin ako.

"Lah! Last warning na sa'kin ni Madam Hani yung ID ko kahapon, Dos naman, parang walang pinagsamahan ah! Ganyanan na-"

"ID mo," Seryoso niyang inilahad ang palad niya sa'kin. Hindi ko siya makapaniwalang tinapunan ng tingin. Shuta?! "Ta's bumaba ka na rin. Lagot ka na talaga kay Miss Hani, gagi."

Malalim ang buntong hiningang pinakawalan ko habang kalmadong tinanggal ang ID ko sa pagkakasuot sa collar ng uniporme ko. Nakita ko ang gulat sa mukha niya pero tinanggap niya naman na kaagad.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 18, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

It Takes TwoWhere stories live. Discover now