TMS 2

4.2K 173 110
                                    

Mula sa kinauupuan ko ay malinaw kong nakikita ang mga kalalakihan na nag lalaro ng basketball, maraming din ang kapwa ko estudyante ang nanunuod dahil sa umugong na balita na mag lalaro ang grupo nila Tyron ngayon. Si Tyron James Dela Fuente III at ang mga kaibigan nya ay pinaka sikat sa loob o labas man ng campus . Madami din mga babae ang nag kakandarapa sa kanya, hindi nga lang mga babae pati na rin nga mga binabae

Hindi ko rin naman kasi sila masisisi, napakagwapo nya sa totoo lang na kahit saan mo sya dalhin ay mangingibabaw ang napakagwapo nyang mukha. Ang balita ko ay matalino din sya ayon sa mga nakakakilala sa kanya pero sya yung tipo ng tao na ginagawa lang nyang tambayan ang campus at walang balak mag seryoso sa pag aaral. Mayaman din sya, halata iyon sa mga mamahalin nyang gamit at damit na laging sinusuot, may roon din syang sports car na laging pinapaharurot tuwing papasok or lalabas ng school. Ayon kay Maricar ay mayaman talaga ang angkan nila Tyron both side, haciendera ang kanyang Ina na mula sa angkan ng mga Acuzar, mayaman ang mga Acuzar marami silang lupain, mga resort at malls at isa rin itong doctor, may pag aari rin silang ospital . Ang kanyang ama naman ay galing sa angkan ng mga politician madami rin itong negosyo katulad ng angkan ng kanyang asawa at higit sa lahat ito ay Mayor ng lungsod na ito. Nag iisang anak din ito ng mga Dela Fuente, kaya siguro inispoiled nila ito na halos lahat lahat ng gusto nito ay nakukuha nito.

Isa ako sa muntik ng mapahiyaw ng maishot ni Tyron ang bola, three point shot iyon na naging dahilan upang mas lumaki ang lamang nilang puntos sa kalaban. Napatingin ako sa mga babae na patuloy na sumisigaw para sa grupo ni Tyron. Sa totoo lang din ay hindi ko alam kung bakit ako nandito, wala din akong hilig sa sport na ito pero eto ako ay pinpigilan sumigaw upang mag bigay suporta sa binata. Napahinga ako ng malalim, hindi ako tanga para hindi malaman kung bakit ako ganito,na tuwing nakikita ko ang binata ay bumibilis ang tibok ng puso ko dahil katulad ng mga babae na halos sumakit na ang lalamunan kakasigaw ay isa ako sa mga taga hanga ni Tyron pero hindi katulad nila ay hindi ko kayang iexpress iyon. Isipin ko palang na mag kakagusto ako sa isang lalaki ay pakiramdam ko ay tinatraydor ko si Mama, pinayagan nya kasi akong mag aral ditto dahil umaasa sya na makakapag tapos ako at makakapag hanap ng magandang trabaho nang sa ganoon ay maihon ko sila sa hirap, ayokong biguin si Mama sya nalang ang nag iisang tao na nag titiwala sakin.

"Car" tawag ko sa kaibigan ko na syang nag dala sakin dito, sya kasi ang nag dala sakin dito, ayoko sana pumunta dito dahil mas gusto kong hindi nakikita si Tyron dahil mas lalo ko lang kasi napapatunayan na may pag hanga ako sa kanya.

"Library lang ako" usal ko sa kaibigan ko.

"Hindi mo na tatapusin ang laro" tanong nya, umiling ako bilang sagot. Hindi alam ni Maricar ang pag kakaroon ko ng pag hanga kay Tyron, para saan pa malamang ay tutuksuhin nya lang ako. Tumango si Maricar sa naging pag tango ko.

"Puntahan nalang kita after nitong game" aniya, tumango ako at kinuha ko ang bag ko na inilapag ko sa katabing bleacher. Tumayo ako at bago linasin ang lugar na ito ay muli ako bumaling sa mga nag lalaro, nahigit ko ang hininga ko ng hindi sinasadya ay nag tama ang mga mata naming ni Tyron. Nakatingin sya sa akin, sa unang pag kakataon ay nag tagpo ang mga mata namin.

***

Katulad ng sinabi ng mga magulang ni Tyron ay nag padala sila ng susundo sakin upang dalhin ako sa Bahay nila, maganda at malaki ang Bahay ng mga Dela Fuente bakas dito ang karangyaan. Hinatid ako ng kasambahay ng mga Dela Fuente sa isang bakanteng kwarto, ito daw ang magiging kwarto ko habang nasa poder nila ako. Malaki ang kwarto halos doble o triple ito ng tinitirhan ko. Ibinaba ng naghatid sakin na kasambahay mga gamit sa ibabaw ng kama.

"Uhm, si Tyron po?" tanong ko sa ginang, hindi ko pa nakikita si Tyron simula ng umapak ako dito sa mansion nila. pinigilan ko ang ginang ng tangkang may balak pa ata sya na ayusin ang mga gamit ko. tumiginin sya sakin at ngumiti, ginantihan ko naman sya ng ngiti hindi ko alam pero bigla kong namiss si Mama ng Makita ko ang ngiti nya. Muli ay nakaramdam ako ng guilt ng naisip si mama, hindi nya pa alam ang sitwasyon ko at hindi ko alam kung kaya ko ipaalam sa kanya ngayon.

"Ako na po ang bahalang mag ayos" sabi ko sa kanya, tumango sya at hinarap ako.

"Sa kabilang kwarto ang kwarto ni Tyron, pero tingin ko ay hindi sya umuwi kagabi dahil wala ang kotse nya sa garahe" aniya, huming ako ng malalim at tumango. Siguro ay nagagalit sya sa mga magulang nya dahil sa nangyari, di ko rin naman inaasahan ang naging pasya ni Mayor Dela Fuente.

"Ayos ka lang ba dito hija?" tanong ng ginang

"Ayos lang po, kaya ko na pong ayusin ang mga ito." sagot ko

" Kung ganoon ay maiwan na kita" tumango ako bilang pag sang ayon.

Nang makaalis ang ginang ay napaupo ako sa kama, iniisip ang mag nagyari. Umalis ako sa Bahay na tinutuluyan ko at ngayon ay nandito sa mansion ng mga Dela Fuente, hindi ko alam kung anong mang yayari sakin dito. At si Mama, hindi ko alam kung paano ko mapapaliwanag sa kanya ito, naramdama ko ang pangingilid ng mga luha ko nnag muli ay naalala si Mama. Nabigo ko si Mama, yun ang ulit ulit na sinisigaw ng utak ko. Hindi ko alam kung ilang minute ako nakatulala,

Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito, iniluwa noon si Tyron. Mukang bagong ligo ito dahit medyo basa pa ang buhok nito amoy ko rin ang mabangong amoy ng binata na hindi ko alam kung natural na ba nitong amoy o ano pero nagugustuhan ko iyon. mukang ka uuwi nya lamng dahil sabi ng ginang kanina ay wala ito.

"So you're really here huh" aniya na may pang iinsulto sa mga mata, napaka baba kong tignan sa klase ng mga tingin na ibinibigay nya.

Huminga ako ng malalim at sinalubong ng tingin ang mga mata nya, hindi na sya ang Tyron na nakilala at nakasama ko. Ang Tyron na nakilala ko ay hindi ganitong tumingin na para bang napakababa kong babae, ang Tyron na nakilala ko ay puno ng pag iingat ang mga mata.

"Anong kailangan mo? Pera? kaya nga bigla biglang sumusulpot dito?" may panunuyang sabi nya, nanginginig man ang mga tuhod ay pinili kong tumayo ng tuwid dahil sa sinabi nya.

"Hindi ko kilangan ng pera mo" madiin kong sabi na ikinangisi nya.

"Ano pang kailangan mo para lang umalis ka dito?" ngayon ay mas galit nya nang tanong, inilang hakbang nya ang pagitan namin at mahigpit akong hinawakan sa braso.

"Kilala ko ang mga katulad mong mahihirap, lumalapit kayo sa mga mayayaman para mag kapera!" gigil na sabi nyan na mag hinigpitan ang pag hawak sa braso ko na ikinangiwi ko dahil sa sakit.

"Bitawan mo ako!" sabi ko na pilit binabawa ang braso mula sa pag kakahawak nya. Hindi ko naman din sya masisisi kung nagagalit sya sakin, pero sana isipin din nya ang sitwasyon ko'

"Hindi ko nga alam kung ako talaga ang ama ng batang sinababi mo, malay ko kung lumalapit kapa sa mas mayaman kaysa sakin!." aniya, sa sinabi nyang iyon ay parang may bomba na sumabog sa tenga ko. Nanginginig ako sa galit dahil sa sinabi nya, nangingilid na din ang mga luha ko dahil sa galit na nararamdaman ko. Gamit ang natitirang lakas ay tinulak ko sya at walang pag dadalawang isip na pinadapo ang palad sa kanyang pisngi.

"Wala kang karapatan na husgahan ako at ang anak ko!." puno nag galit na sabi ko

"Alam mo na ikaw ang una at pinag bigyan ko ng sarili ko, kaya wag na wag mong kwesyunin ang magiging anak ko- natin. At oo mahirap lang ako! na nag bubukid lang ang nanay ko para lang may pang tustuos sa pag aaral ko, pero may dignidad din kami." hilam sa luhang sabi ko, sari sarina ang mga emosyon na nararamdaman ko na kinimkim ko nitong mga nakaraan na araw. nahihirapan ay muli akong nag patuloy

"Pero kinalimutan ko lahat yon, kinalimutan ko yung sakripisyo ni Mama, kinalimutan ko panandalian yung pangarap ko para sayo. para makasama ka, kasi naniwala ako na mahal mo ako" puno ng hinanakit na sabi ko, nakatingin lang sya sakin. Unti unti ay naramdaman ko ang pang hihina ng mga tuhod ko, napaupo ako sa sahid at hindi na naawat sa pag iyak.

"Niminsan hindi kita minahal Yrina"

Mas lalo akong napahangulgol sa narinig ko.

The Mayor's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon