#13
Nakatitig ako sa lawak ng paligid ng apartment. Sobrang lawak talaga ng space pwede ka ding mahiga sa sahig..
"Saan ko ilalagay tong mga frames?" Napalingon naman ako kay Mingyu na abala sa paglalabas sa box ng mga frames.. Inaayos namin ang bago naming apartment.. Isang malawak na apartment para saming dalawa at sa bagong dadagdag sa pamilya..
"Hmmm.. Malapit kaya sa TV set?"
"Sige wait kukunin ko lang yung martilyo sa kotse"
"Okay!" Lumapit sya sakin at hinalikan sa noo bago sya tuluyang lumabas para pumunta sa kotse nya... Nilibot ko naman ang apartment at pumasok sa isang kwarto na may laman na mga gamit para sa baby.. Para sa Baby namin ni Mingyu.. Hanggang ngayon kinikilig pa din ako habang iniisip na ikinasal ako sa isang katulad nya
"Honey halika dito" Naglakad naman ako pabalik sa sala at lumapit kay Mingyu
"Yes po?" Bigla naman syang lumapit sa may pwesto ng TV at tinuro ang pader
"Ikaw magsabi kung saan ilalagay" Tumango naman ako at tinuro ang mga pwesto kung saan ilalagay ang mga frames.. Mga wedding pictures namin kasi ang ilalagay..
Ilang oras lang naman ang itinagal ng pag aayos namin.. Last week pa naman namin inunti unti ang mga gamit para dalhin dito pero ito ang unang araw na titirhan na namin itong bahay na toh.. Sobrang excited ako sa paglipat dito sa bago naming apartment
"Gutom ka na ba Honey?" Tanong ko habang pinupunasan ang pawis nya..
"Hmmm.. Medyo.. Kayo ba ni Baby gutom na?" Ngumuso naman ako kasabay ng pagtango.. Ngumiti naman sya at hinalikan ako sa labi
"Hmm.. Okay tara na po kain na tayo" Malawak naman akong ngumiti sa sinabi nya..
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Natapos kaming kumain ng lunch at muling nagsimula sa pag aayos ng apartment.. Inabot kami ng 6 pm para mag ayos.. At hindi naman nasayang ang effort naming dalawa dahil sa magandang outcome.. 7 PM ng mag decide kaming kumain ng dinner at pagtapos ay nanood ng movie sa Sala.. Nakayakap sya sa likuran ko habang tahimik kaming nanonood ng movie..
"Honey.." tawag ko sa kanya habang busy na busy sya sa panonood ng TV.. Naramdaman ko naman ang pagtingin nya sakin
"Hmmm? Why?"
"Kung sakaling hindi kita kinuha sa kumpol ng aso nung inaaway ka noon magtatagpo pa din kaya tayo?" Sinilip ko ang reaksyon sya
"Oo.. Magtatagpo pa din tayo" Confident nyang sagot sakin
"Bakit ang confident mo yata sa sagot mo?"
"Dahil nga itinadhana tayo.. Gagawa at gagawa ang kapalaran ng paraan para magtagpo tayo.. Malay mo sa ibang paraan tayo pagtagpuin di ba?" Ngumiti naman ako at muling tumingin sa TV
"So you mean tayo talaga ang nakatadhana?"
"Oo nga po.. Kaya wag mo ng isipin ang past.. Isipin mo na lang ang future natin.. Ikaw at ng magiging anak natin"
"Future natin? Paano natin mape predict ang future? Sige nga anong nakikita mo sa future natin"
"Hmmm.. Nakikita kong magkakaroon tayo ng 17 na anak" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya
"Honey!"
"Malay mo kambal yung iba" Bigla naman syang tumawa kaya napailing na lang ako
"Tsk.. Hindi ko kakayanin yun Honey"
"Kakayanin ko yun Honey tiwala lang" Kinurot ko naman ang tagiliran nya sa sinabi nya..
"Kim Mingyu!"
"Joke lang po.. Pero nakikita ko ang future.. Ikaw at ako magkasamang tatanda kasama ang mga anak natin.." Nag init naman ang magkabila kong pisngi sa sinabi nya
"Talaga nakikita mo yun?"
"Oo tapos magkakaroon daw ako ng kabit" Binatukan ko sya ng hawak kong unan
"KIM MINGYU.."
"Joke lang Honey.. Ikaw lang babae ko.. Ang babaeng gusto kong makasama habang buhay" Bigla naman nya akong niyakap ng mahigpit at hinalikan sa noo.. Masyadong sweet pero kinikilig talaga ako..
"Mahal kita.." Malambing kong sabi sa kanya
"Mas mahal kita.. Mahal ko kayo ng baby natin" Ngumiti naman sya at ginulo ang buhok ko..
Unexpected things comes with Unexpected Joy.. The Joy that will last forever~
~END~
----------------------------------
DON'T FORGET TO VOTE 🌟 AND LEAVE COMMENT 📜
YOU ARE READING
SEVENTEEN IMAGINES II
RandomTHIS IS THE BOOK 2 OF MY SEVENTEEN IMAGINES! THIS IS A COMPILATION OF IMAGINES THAT I MADE FROM FACEBOOK HOPE YOU ENJOY READING IT! ♥