Prologue

13 1 0
                                    

Prologue

"Para kang mayaman umasta! Bakit ha!? Anong tingin mo sa sarili mo? Mayaman pa rin? Gumising ka, Vanessa! Kahit anong gawin mo para mapantayan ang mga kasosyalan mo, imposible na 'yon!" My father yelled angrily.

My mother, who was the target of his words, equalled the anger in his eyes." Oo hindi na ako mayaman! Iyon ay dahil pinili kita! Baka nakakalimutan mo! Itinapon ako ng magulang ko dahil sa akala kong pagmamahal. Alam na alam mo sana iyan, Dan! Dahil sa putanginang mga salita mo at mga bahaw na pangako, eto ako ngayon. Tapos eto?! Ipagkakait mo pa?" Halos pumutok ang mga litid ni Mamà nang ipagbabalibag niya ang mga mamahaling damit sa mukha ni Papà.

"Limang libo ang isa niyan, Vannesa! Bakit, ha! Kapag kumalam ba ang tiyan mo maisasaing mo ba iyan?" galit na bawi ni Papà sa kay Mama.

Ilang mga mura at hiyaw pa ang narinig ko mula sa pintuan kung saan ako nakasungaw bago ko tuluyang tinulak upang tuluyang bumukas. They both looked at my direction when the door opened. Ngumiti ako sa kanila na parang wala akong nakita at narinig.

Right, my talent. Ignore every fucking thing.

They both reciprocate my smile. After notifying them I was home, I hurriedly took my exit and opened the door for my room. Pagod kong ibinalibag ang sarili sa kama.

I manipulated my phone to check any notification. My facebook messenger was bombarded with chats from my classmates, group chats, my boyfriend and some random guys. I replied to those whom I think were worthy of my reply.

Felicite Cabral:
"Iyong mga part niyo sa research. Isend niyo na ASAP. Para hindi tayo maghabol. Bawal dito ang pabuhat. Lol"

I reacted to her chat in our group chat. I did my part so that message was not for me.

I opened Chares', my boyfriend, messages.

Chares Balmores:
"Nakauwi ka na?"
"Sunduin kita?
" Movie marathon tayo. Wala akong kasama. :>

I immediately replied to his offer.

"Sige. Anong oras?"
"Gayak lang ako."

I ran to my closet and search for any clothes to wear. In the end, a black cropped top and a beige sweatpants won among all the choices. Hindi na kailangang magsapatos pa dahil paniguradong movie marathon, food trip o kaya'y mag swimming lang ang gagawin namin. That's why I took a comfortable sandals.

I put my hair in half ponytail and put on some powder and tint. Iyon lang at lumabas ako. Doon ay natagpuan kong naghihintay si Chares.

In his maroon shirt and white jersey shorts, he looked one of those guys everyone have a crush on. Maputi siya, bagay na nagpalinis lalo sa itsura niya. He got the hair like that of those badboys. Iyong may guhit ba sa gilid. Iyong kaniya naman ay kaya niyang dalhin. Hindi nagmumukhang addict. His eyes are bit chinky paired with cute eyelashes. His nose was high. Overall, he looked like a typical campush crush.

"Hi!" I greeted as he handed me a helmet. He smirked boyishly and planted a kiss on my cheek. Humagikhik ako at isinuot ang helmet na binigay niya.

"Hello there, beautiful lady!" biro niya saka maliksing sumakay sa mapormang motorsiklo. Pagsakay ko ay bumagsak ako sa likuran niya nang bigla nitong pinahagibis taliwas sa hangin ang motor. Napakapit ako sa bewang niya. I heard how he laughed despite the noise.

" Kapit kang mabuti. Baka mahulog ka at masaktan." aniya.

Sinunod ko sa takot na mahulog nga lalo at napakabilis niyang magpatakbo.

Just after five minutes, he's parking his motorcycle on their huge garage. Katabi noon ang tatlong kotse, all has foreign logo. May espasyo pa na tingin ko'y para sa kotseng ginamit ng magulang niya sa pinuntahan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AFTERGLOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon