"S-sino ka? A-anong kailangan mo? H-huwag kang lalapit! L-lumayo ka sakin! Ahhhhhhhhh!"
"Angela! Angela! Gising! Nananaginip ka!" – malakas na pag-alog ni Amira sa nagsisisigaw na si Angela.
"Ahhh! Lumayo kaaa!" – malakas na tabig ni Angela kay Amira habang sumisigaw.
Pawisan ang buong katawan ni Angela nang mapagtantong nananaginip nga ito at mabilis na napayakap ng mahigpit sa katabi niyang si Amira.
Kasalukuyan silang nasa probinsya para magbakasyon sa bahay ng kanilang lolo at lola. Tatlong araw na simula nung umuwi sila, kasabay ng masasamang panaginip ni Angela na tila ba mas lalong lumalala at para bang sinusundan siya.
"Tubig. Uminom ka muna" – alok ni Amira. Kinuha naman yon ni Angela. Sunod-sunod ang lagok nito sa tubig na tila ba uhaw na uhaw ito at pagod na pagod.
Napabuntong-hininga na lamang si Amira sa mga kinikilos ng kanyang pinsan. Ni hindi niya malaman ang gagawin dahil ayaw naman itong ipaalam ni Angela sa kanilang lolo at lola.
Mag a-alas 6 na ng umaga nang mapag-isipan nilang bumaba na para makapag-almusal at makatulong sa mga gawaing bahay. Nadatnan naman nila ang kanilang lolo na nagkakape habang ang lola naman nila ay nagluluto ng sinangag at itlog.
"Mga apo, halina kayo't mag-almusal. Naku masarap itong niluluto ko. Talagang magugustuhan niyo at paniguradong mabubusog kayo" – masiglang sabi ni Lola Lena.
Umupo naman sa hapag-kainan ang mag pinsan at sabay-sabay na silang kumain ng almusal. Napansin naman ni Lolo Gabo na kanina pa tulala si Angela na tila ba may malalim na iniisip.
"Angela. Apo! Apo!" – tawag nito na agad namang napansin nina Lola Lena at Amira.
"Angela! Ano bang nangyayari sayo?!" – nag-aalalang tanong ni Lolo Gabo
Bigla namang naiyak si Angela na tila ba takot na takot ito habang nakatingin sa malayo. "L-lumayo kaa! H-huwag kang lalapit sakin! Lumayo ka! Ahhhh!" – walang tigil na sigaw ni Angela.
"Lolo, tatlong araw na po siyang nagkakaganyan! Hindi ko po malaman ang gagawin dahil pinipigilan po niya ako na masabi sa inyo!!" – umaapaw ang takot at pangangamba sa mga mata ni Amira.
"Bakit ngayon mo lang sinabi! *galit na sabi ni Lolo Gabo* Angela, apo ko!" – yakap na mahigpit ni ng kanyang lolo kay Angela.
Maya't – maya pa ay kumalma na si Angela. Hindi naman inaksaya ng kanyang lolo at lola ang pagkakataon na tanungin siya sa mga nangyayari.
"May isang anino, hindi ko malaman kung sino ito at kung anong pakay niya. Nakakatakot. Kahit pa siya ay isang anino lamang, makikita mo kung papaano ito ngumiti, nakakakilabot. May hawak siyang patalim, simula nung umalis kami ng syudad hanggang dito ay nakasunod siya sa akin. Lolo, lola. Natatakot ako! Hindi ko alam ang gagawin ko! Natatakot akong sabihin ito sa inyo dahil ayokong madamay kayo. Binalaan niya ako, na kapag sinabi ko, papatayin niya kayo. Ayokong mangyari yon! Huhuhu" – mahabang kwento ni Angela at kumawala ang isang malakas na iyak.
*BOOGSH! BOOGSH!*
Isang malakas na kalampag ang bumasag ng katahimikan sa loob ng bahay. Aakalain mong gabi na dahil sa biglaang pagdilim ng buong kapaligiran. Nababalot ito ng isang malakas na hangin na dahilan ng pagkasira ng iilang kagamitan.
"Aaaaahhhhhhhhhhh!" – sigaw ni Angela sa isang sulok. Pilit niyang hinahanap ang kanyang pinsan, lolo at lola na animo boses at yapak ay hindi niya maramdaman.
Muli namang nagpakita ang isang anino sa kanya na tila ba papalapit ito ng papalapit hanggang sa makarating ito sa kanyang harapan at marahas na ginapos ang kanyang mukha.
"Hindi ka nila makukuha sakin, Angela! Akin ka lang. AKIN ka! Bwahahaha!" – saad ng Anino na may tinig ng isang demonyo.
"Hinding-hindi ako sasama sayo! Umalis ka rito. Wag mo silang idamay! Kailanman ay hindi mananaig ang kasamaan sa kabutihan!" – buong tapang na pagkakasabi ni Angela sa anino.
Hindi panaginip lang ang aninong nagpapakita sa kanya. Totoo ito! at pilit na kinukuha ang kaluluwa ni Angela upang sumama sa kanya. Ngunit hindi niya ito magawa dahil malakas ito at protektado ng kanyang agimat na nagmula pa sa kanyang Lolo Gabo. Isang kwintas na hugis krus na may bindisyon ng isang pari na nagmula sa Roma.
"Mamili ka. Sasama ka, o papatayin ko sila? Hihigupin ko ang kanilang kaluluwa at isasama sa impyerno. At kapag nangyari yon, wala nang matitira sayo. Maiiwan kang mag-isa! Malulungkot at mamamatay! Bwahahaha!" – pagbabanta nito kay Angela.
Bigla namang lumiwanag ang paligid dahil sa ilaw na nagmula sa gasera na dala ng kanyang lolo at kasama ang isang kilalang pari sa kanilang bayan. Nakita nitong naka angat ang katawan ni Angela na tila ba sadyang inangat nito pataas at nagmistulang paralisado ang kanyang katawan at bigla namang bumagsak at napaupo sa sahig kasabay ng paglaho ng anino.
Pawisan at hingal na hingal si Angela na animo'y mauubusan na ng hininga dahil sa mga nangyayari. Nawalan ito ng malay at bumagsak ng tuluyan ang kanyang katawan kaya agad itong dinaluhan ng kanyang lolo.
Agad namang isinagawa ang pagbasbas ng holy water at pag-alay ng dasal sa buong bahay lalong lalo na kay Angela at sa buong pamilya niya. Inialay ni Angela ang buong pagkatao nito sa Diyos na siyang nagbibigay ng lakas at proteksyon sa kanya at pasasalamat sa pagsagip nito sa kanya upang makawala sa malagim na bangungot.
"Apo, sa susunod mag-iingat ka na. Huwag kang mag-alala. Ligtas ka na at hindi na siya babalik pa." – paalala ni Lola Lena kasabay ng pag yakap ng mahigpit kay Angela.
Muli naman nitong nakita ang anino na nakatayo sa malayo. Buong tapang itong tiningnan ni Angela hanggang sa naglaho na lamang ito na parang bula.
Lumipas ang ilang araw ay nanatiling tahimik ang tahanan ng lolo at lola nila. Nakakatulog na ng maayos si Angela at hindi na ginambala pang muli ng Anino sa panaginip niya.
-end
BINABASA MO ANG
ANINO
Horror"S-sino ka? A-anong kailangan mo? H-huwag kang lalapit! L-lumayo ka sakin! Ahhhhhhhhh!"