Last published by G.I. Jane on 02/14/2015 in SHORT STORIES EDITED VERSION

184 5 4
                                    

Matagal ng nakatira si Katrina sa bahay na ito, minana niya pa ito sa Papa niya na minana rin nito sa mga magulang nya.

Medyo napapabayaan na nga niya ito eh! Paano naman e, napakalaki ng bahay na ito para sa isang tulad niyang "single" pa rin hanggang ngayon.

Napakaluwag ng sala sa ibaba, tanging T.V. at sala set lang naman ang naroon.

May isang kwarto na malapit sa kusina, naging kwarto ito ni Yaya Linda noong mga bata pa sila ng kuya niya.

May tatlo pang kwarto sa itaas, iyong master's bedroom na dating kwarto ng mga magulang niya ang pinakamalaki sa lahat.

Iyong isa sa may bandang kaliwa ang dating kwarto ng kuya niya bago ito manirahan sa ibang bansa kasama ng pamilya niya, at yung isang kwarto sa may kanan ang siyang ginagamit niya ngayon.

Bawat silid ay may kani-kaniyang banyo.

Bumaba si Katrina mula sa ikalawang palapag ng bahay.

Naglinis sandali at lumabas na ito ng hardin upang diligan ang mga halamang kasalukuyang namumulaklak.

Nang matapos ay ipinaghanda ang sarili ng almusal.

Wala naman akong gagawin, mabuti pa ay mamasyal ako sa may ilog para makalanghap ng sariwang hangin."

Lagi nya itong ginagawa lalo na noong bata pa siya, iyon kasi ang payo ng doktor na tumitingin sa kanya, mabuti daw iyon para sa tulad nyang may hika.

Magdidilim na ng makabalik siya sa bahay. Umakyat na sya taas at naglinis ng katawan, nagpalit ng pantulog at humiga na sa kanyang kama.

"Napagod yata ako sa pamamasyal ko, pero o.k. lang naman kasi ay nakalanghap na naman ako ng sariwang hangin. Pero bakit wala akong nakitang kakilala? Wala tuloy akong nakausap kanina."

"Ah! Baka naman di ko lang sila nakita kasi maraming tao. Di bale sa susunod hahanapin ko yung mga kaibigan ko."

Sa pagod ay madali syang nakatulog.

"Blag!"... "Tog!"... "Splash!"

Nagising ng maiingay na kalabog si Katrina.

"Huh!...ano yun?"

Kinakabahan man ay dahan-dahan siyang tumayo mula sa pagkakahiga.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kanyang silid!

"kriiiikkkk!" ... lumalangitngit na ang pintuan dahil sa kalumaan......

"sshhhhhhh!"...."ssshhhhhh!"

May naririnig siyang mahihinang sutsot na tila ba nanggagaling sa master's bedroom.

Lumakad siya ng marahan hanggang sa sapitin niya ang ng pintuan ng dating silid ng kanyang mga magulang.

Dahan dahan niyang idinikit ang kanyang tenga sa may pinto, tama nga sya!

Dito sa loob nanggagaling ang mga sutsot na narinig niya kanina at di lang yun, may naririnig din syang tila nagbubulungan sa loob.

Hintakot na bumalik siya sa kanyang silid, sa sobrang takot ay naisara niya ng malakas ang pinto at ikinandado niya itong mabuti saka siya nagtalukbong ng kumot.

Ano ba ang nangyayari sa bahay na ito? Sa itinagal tagal kong nakatira dito ng nag-iisa ay di pa ito nangyari, sabi niya sa sarili.

Nakatulugan na niya ang pag-iisip.Mag-aalas nuebe na ng umaga ng magising sya.

"Sabado pala ngayon, walang pasok ang karamihan, siguradong maraming tao sa may ilog, mamaya ay pupunta ulit ako roon!"

Tila nakalimutan na niya ang nangyari kagabi, ng bigla ay narinig niyang tila may mga paang nagmamadaling bumaba sa hagdan.

Tumayo siya at dali-daling lumabas ng kanyang silid upang tingnan kung sino ang pangahas na pumasok sa kanyang bahay.

Wala syang nakita, di na niya inabot kung sino man iyon.

Naisipan niyang pumasok sa master's bedroom.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan bago tuluyang pumasok sa loob.

Panay ang lingon niya sa loob, taas-baba, kanan-kaliwa at pati ilalim ng kama ay kanyang tiningnan.

Aywan pero kanina pa tumitindig ang balahibo niya at tila ba anumang oras ay meron siyang makikita at matutuklasan.

" Medyo matagal tagal na rin ang panahong hindi ko nabibisita ang silid ng aking mga magulang."

Sumasama ang pakiramdam niya sa tuwing madadaanan ang silid ng kaniyang mga namayapang magulang. Nami-miss niya kasi ang mga ito.

Napakalaki ng ipinagbago!Wala na ang malaking portrait ng kaniyang mama at papa!

"Sa pagkakatanda ko ay nakasabit lang iyon sa ulunan ng kanilang kama".

At lalo siyang kinilabutan dahil iba na ang larawan na nakasabit doon!

Malaking portrait ng isang babae at lalake na sa pagkakatantya nya ay nasa pagitan ng 25-30 taong gulang ang mga iyon!

Nakadamit pangkasal ang mga ito.

"Huh!"..."may umaakyat!"...."Panginoon ko!"... " Kung magnanakaw ang isang ito ay baka gawan ako ng masama, huwag Mo pong ipahintulot!"

Dali-daling nagtago si Katrina sa gilid ng isang malaking aparador, tanda niya kabinet iyon ng kanyang mama!

Madalas ay doon siya sa loob nito nagtatago kapag naglalaro sila ng taguan ng kaniyang kuya.

"Tama!, doon ako sa loob!"

Bumukas ang pinto ng silid at iniluwa nito ang isang babaeng nakaputing damit na hanggang tuhod, nakayapak ito!

Mahaba ang kanyang buhok na hanggang beywang!

Paikot-ikot ang tingin nito na tila may hinahanap sa loob.

Kitang-kita ito ni Katrina mula sa loob ng aparador, may maliit na butas ito, binutasan nya ito noong bata pa siya habang nagtatago sa loob para makita niya ang kaniyang kuya habang hinahanap siya nito.

Nanlilisik ang malilikot na mga mata ng babae.

Tumigil sa
paghinga si Katrina ng mapatapat ito sa kinaroroonan nya!

"Wag sana nyang buksan ang aparador! Hiling ni Katrina.

Matalim ang pagkakatitig ng babae sa aparador, tila alam nito na nasa loob siya at nagtatago.

Marahan itong lumapit ng bigla ay makarinig si Katrina ng tinig na nagmumula sa ibaba ng bahay.

Tila narinig din ito ng babae, hindi na nito itinuloy ang paglapit sa aparador, bagkus ay nagmamadali itong bumaba upang marahil ay tingnan kung sino ang tumatawag.

Nang makaalis ang babae ay maingat na lumabas si Katrina mula sa loob ng aparador. Dahan dahan niyang tinungo ang kanyang silid.

Sandaling nagmuni-muni sa kanyang kama. Ilang sandali pa ay tumayo na siya at naalalang pupunta nga pala siya sa may ilog.

Tila nakalimutan na niya ang mga pangyayari kanina sa master's bedroom.

Okupado ang kanyang isip ng mga balak gawin mamaya.

Pumasok siya sa loob ng banyo, naghihilamos siya sa lavatory nang bigla syang makarinig ng kaluskos mula sa kanyang likuran.

Natigilan ito, bumalik yata ang babae, sabi niya sa isip.

Iniangat niya ang kanyang mukha at napatingin sa salamin na nasa itaas ng lavatory.

Tama siya. Naroon nga iyong babae at nakatayo sa kanyang likuran.

Kitang-kita ito ni Katrina mula sa salaming nasa kanyang harapan.

Nakarehistro sa mukha ng babae ang labis na takot at pagkagulat habang nakatingin ito sa nakabukas na gripo.

Ang ipinagtataka ni Katrina ay di niya makita ang sarili sa salamin!!!!

Nabalot ng malakas na tili ang buong kabahayan.

ANG MULTO SA BAHAY NI KATRINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon