Drawn To You

20 0 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, business, places, and events are either product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

No part of this book may be reproduced in any written, electronic, recording, or photocopying form without written permission of author. Plagiarism is a crime.

Drawn To You
Copyright ©
PajamaFic
All rights reserved 2020

Note: This story is also published in another group account, @TeumeUniversity. We have a compilation of oneshot fanfiction for each of the members of Treasure written by different Teume authors. It would be highly appreciated if you read the compilation. As for me, I just wanted to put this story on my main account. This is a oneshot fanfiction for Treasure's Park Jihoon.

✒️✒️✒️

Written: July 28, 2020

Written: July 28, 2020

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Pangoooo!"

Agad akong napasimangot nang marinig ko ang tawag sa akin ng pamilyar na boses. Hindi pa ako nakakalingon ay may braso nang umakbay sa akin.

"Tigilan mo ako, ha. Ganda-ganda ng pangalan ko tapos pango itatawag mo sa'kin," sabi ko sa kanya at tinanggal ang braso niyang nakaakbay sa'kin. Tinawanan niya naman ako kaya napaikot ako ng mata. "Ano na namang kailangan mo, Junjun," pang-aasar ko rin sa kanya.

Aba, akala ba niya siya lang puwedeng mang-asar sa akin? Hindi puwede 'yon noh.

Mas lalo lang siyang natawa dahil doon. Palibhasa alam niyang wala na akong ibang maasar o malait sa kanya.

Gwapo kasi, kahit hindi ko sinasabi sa kanya kasi lalaki ang ulo, matalino kahit maloko, matangkad, tapos talented pa.

Egul ako. Sana all.

Nagtanong na rin siya pagkatapos ng pagtawa niya, "Birthday ng mommy mo bukas diba? Nakabili ka na ba ng regalo?"

Oo nga pala! Bukas na birthday ni mommy, nawala sa isip ko kasi naging busy ako this week.

"Okay, so base sa itsura mo ngayon, wala ka pang regalo. Makakalimutin ka talaga kahit kailan," sabi niya sa akin at kinatok pa ang noo ko kaya agad akong lumayo sa kanya. "Tara, punta tayo mall. Bibili na rin ako ng regalo para kay tita."

Pumayag na rin ako dahil kahit lagi akong inaasar ni Jihoon, masaya naman siyang kasama, palagi kasing nanlilibre, 'yun lang yon.

Tulad ngayon...

"Spicy sa'yo diba?" tanong niya sa akin habang umoorder siya ng noodles, libre niya, syempre. Nagutom kasi kami bigla kaya kakain muna kaming dalawa bago bumili ng regalo kasi siguradong maglilibot pa kami.

Drawn To You | OneshotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon