What We Chose

23 0 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, business, places, and events are either product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

No part of this book may be reproduced in any written, electronic, recording, or photocopying form without written permission of author. Plagiarism is a crime.

What We Chose
Copyright ©
PajamaFic
All rights reserved 2020

Note: This story is also published in another group account, @TeumeUniversity. We have a compilation of oneshot fanfiction for each of the members of Treasure written by different Teume authors. It would be highly appreciated if you read the compilation. As for me, I just wanted to put this story on my main account. This was a oneshot fanfiction for Treasure's Yoon Jaehyuk.

✒️✒️✒️

Written: September 14, 2020

"Kevin, ready ka na ba? Marami kang batang makikilala, makipagkaibigan ka sa kanila, okay?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Kevin, ready ka na ba? Marami kang batang makikilala, makipagkaibigan ka sa kanila, okay?"

Ngumiti ako nang malaki at mabilis na tumango pagkatapos 'yun sabihin ni yaya. Napangiti naman siya sa naging reaksyon ko at ginulo ang buhok ko.

Grade 3 na ako ngayong taon, hindi ko mapigilang ma-excite dahil makakapasok na rin ako sa totoong school sa wakas. Home schooled lang kasi ako simula nursery hanggang grade 2.

Si kuya nakikita ko lagi na masaya pagkagaling niya ng school. Nagkukuwento siya madalas sa'min lalo na kapag nandito sina mommy. Nakikinig sina mommy sa kanya nang mabuti at nakikita ko na natutuwa sila sa kuwento ni kuya.

Gusto ko ring magkuwento kina mommy na meron na akong mga kaibigan, para hindi lang si kuya ang pinapansin nila lagi.

Si kuya na lang lagi nilang pinipili, gusto kong maging ako naman minsan.

"Magkakaroon ako ng maraming kaibigan, yaya! Tapos makikipaglaro ako sa kanila!"

'Yun ang sabi ko.

Akala ko madali makipagkaibigan, hindi pala.

"Dun ka nga, nakakainis ka. Ayaw naming makipaglaro sa'yo."

Pagkatapos 'yon sabihin ni Vince ay tinulak niya ako kaya napaupo ako sa sahig. Tinalikuran niya ako kasama 'yung mga kaibigan niya at naglakad na sila papalayo sa'kin.

Naramdaman kong nag-iinit na ang gilid ng mata ko kaya niyakap ko ang tuhod ko at hinayaan na lang na tumulo ang luha ko na kanina pa gustong kumawala.

Ilang buwan ko ring sinubukang makipaglaro at makipagkaibigan sa kanila pero tinataboy na lang nila ako lagi.

"Kevin, how's school?" sinalubong ako ni mommy pagkadating niya galing trabaho.

I faked a smile. Bata pa lang ako pero nagsisimula na akong matuto na itago ang nangyayari sa'kin. "Okay lang, mommy! Masaya naman po!"

What We Chose | OneshotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon