THE PLAYER
"Caspher, anong sayo?" Napatingin siya sa kaibigan niyang nagoorder ng drinks. "Any will do?" Aniya ng may ngisi sa labi.
This is it! Time to have fun, and live our lives to the fullest.
Ito ngayon si Caspher, si Caspher na good boy noon, iba na ngayon. Si Caspher na masunurin noon, but not now. The opposite side of the old Caspher now exist.
"Hiiii!!" A sexy club girl greeted him. He smiled seductively, sakto sa taste niya ngayon.
"Goodeve, sexy..." Saka siya kumindat. Habang iyong babae ay naglakad na tila isang pusa papalayo sa kanya.
Ito ang kailangan niya ngayon, makapagpawala ng init ng katawan. Kailangan niya ito para mas mabawasan ang halo halong emosyon niya ngayon.
He smirked and followed the lady towards her direction. Nagtungo ang babae sa isang grupo ng magkakaibigan saka naman siya sumunod. What he wants he gets. "Hi ladies..." bati niya sa mga ito habang may mapang-akit na ngiti sa kanyang mukha.
"Hi..." sabay sabay na bati ng mga ito sa kanya. Habang may mga ngiti sa labi at pag-asa sa mga mata na sila ang pipiliin niyang makasama sa VIP room niya mamaya.VIP room sa isang bar? Well common naman na iyan lalo na ang tanong na anong gagawin nila doon ay common na din ang sagot. Simple, pleasure. Pleasure...
Sa dami ng mga nagseseksihan at naggagandahang babaeng nakahelera sa harap niya, kahit lahat sila pwede niyang hatakin. Ngunit may isang babae lamang ang humagip sa paningin at atensyon niya.
A familiar woman in her formal attire and glasses. Last week pa lang sila ulit nagkita at wala siyang interes na makipagkwentuhan sa kahit isa sa mga kababata niya. Dahil para sa kanya bahagi lamang sila ng past, and past is past. Happiness or sadness, unforgetable or not they will be soon forgotten. Mga tao man o pangyayari para sa kanya ay mga walang kwenta na iyon. Lumipas na ang mga taon at tapos na ang mga yun, sayang lamang ang panahon kung babalikan mo iyon.
Napahigop siya sa alak na iniinom niya habang mariin na nakatingin pa rin sa babaeng nasa kabilang table. Tanaw na tanaw niya sa mukha nito na ayaw niyang nandito siya. Tila naalibadbaran at hindi komportable sa lugar na kinalalagyan niya.
"Hmmm.." ungol ng babaeng katabi niya habang humahalik halik sa kanyang leeg pataas sa leeh niya. Habang sensual na hinahaplos ang kanyang mga hita.
"You are so fragrant... nakakaadik ang amoy mo handsome." Bulong nito sa kanya at nagpatuloy sa mga sensual na ginagawa nito sa kanya.
Pero siya wala na sa mood para sa bagay na iyo kaya tinabing niya ang babae at dahan dahang itinulak. Hindi pa rin niya magawang hindi makatingin kay Sunshine.
Si Sunshine na kababata niyang muntikan na niyang maging biktima last week.
Seryoso ang mukha ng dalaga, walang kahit ano pang bakas ng emosyon na makikita sa mukha nito. Napapaligiran ito ng mga kalalakihang nakacorporate attire. Ang katabi ni Sunshine ay ang pinakabata sa mga kalalakihan.
Nagtatawanan ang mga ito, pero hindu nakikisabay ang dalaga. Napansin niya ang pagigtad nito ng umakbay ang katabi niya sa kanya.
Walang ano- ano'y tumayo siya at lumapit sa kinaroroonan nila Sunshine. Kilala niya si Sunshine, at ang dalaga ang kilala niyang pinakahater ng alak at bars sa buong mundo.
Agad niyang hinawakan ang braso nito mula sa likod dahilan para mapaigtad ang dalaga. "Casper" bulong nito.
"Get your bag, ihahatid na kita." Diretsong saad niya sa dalaga, saka hinila ito patayo.
"Sandali! Sandali! Hoy! Ikaw saan mo siya dadalhin!" Pagalit na sita sa kanya ng kanina pang kaupo ni Sunshine.
"Sunshine, sino to?" Kalmadong tanong niya sa dalaga.
"Boss ko..." mahinang sagot sa kanya ni Sunshine saka yumuko.
"Boss mo?" Tumango ang dalaga.
"Itong! Putinginang to?! Boss mo?!" Sigaw niya saka sinapak ang lalaking pinagtaasan siya ng boses. Muli niya itong sinapak, "Hala! Caspher! Tama na yan..." awat sa kanya ni Sunshine habang pinipigilan ang mga braso nito mula sa likod.
"Wala kang galang!!!" Huli niyang sigaw sa lalaki matapos pabalang na binitawan ang kwelyo nito dahilan para madapa ito sa sahig.
Malalim na napabuntong si Sunshine. "Bakit mo ginawa iyon?" Tanong niya kay Caspher na nagdidrive na ngayon.
"Bastos eh! Bagay lang yun sa p****** iyon!" Galit na sabi ni Caspher sa kanya, gigil na gigil ito at hindi niya maintindihan.
"Bunganga mo, wala kang pinagiba sa kanya kung ganyan ka makapagsalita..." sita niya. Kahit alam niyang namamanyak na siya kailangan niyang makibagay kahit ganon basta ang importante hindi lumagpas sa limitasyon.
Iyong kanina kasi, nakipagmeet ang boss niyang may-ari ng skul sa mga opisyal nito. At hindi niya alam kung bakit kailangang kasama siya. Pinapagmalaki siya ng boss nila at nagsasalitang siya daw ang pinakaskilled sa mga guro sa skul nila. May paakba-akbay pang nalalaman, namboboso na pala.
"Wag mong sabihin sa kin na ganyan ka makapagsalita ay dahil gusto mo yung ginagawa niya sayo?" He bitterly said. Dahilan para mapatingin siya kay Caspher.
"Una sa lahat, meeting iyon Caspher. At akbay lang iyon, may isipan ako kung hanggang saan ang limitasyon niya sa paghawak sa akin. Ikalawa trabaho ko ang nakasalalay doon, kahit hindi ko gusto." Mahinahon niyang wika, dahil hindi niya maintindihan kung bakit nagagalit sa kanya ang binata. Eh sa lastweek pa lang sila ulit nagkita at hindi pa sila nagkausap ng maayos.
"Trabaho lang ba? Magresign ka sa skul na iyon, mga bastos lang din ang mga nandoon. Magapply ka sa CH kung ayaw mo mas mabuti na lang na magapply ka sa Dep-ed." Sagot nito na lalong nagpapikon sa kanya.
"Bakit ba? Ano bang pakealam mo?" Hindi na niya napigilan ang pagkairita. Sumosobra na kasi.
"May pakialam ako, kasi may pakialam ako." Maikling sagot lang ni Caspher sa kanya habang nagfofocus sa pagmamaneho. Napasimangot na lang ako.
Naiintindihan ko kung bakit niya ginawa iyon? Pero yung nanakit siya ng tao, iyon ang mali. Madali namang yung sitahin niya iyong tao saka niya ako hilahin hindi yung sasapakin niya iyon.
"Eh kasi naman, Caspher mali iyon..." Ani ko habang, "Bakit mali? Ngayon ako pa ang mali..."
Napabuntong hininga na lang ulit siya,"Kasi nanakit ka ng tao, Caspher... okay lang naman kung sinabi mo lang tas umalis na tayo. Pero yung nanakit ka iyon ang malaking mali, may pera iyon paano kung balikan ka o ako at samapahan ng kaso. " Sabi ng dalaga na dahilan para mapapreno siya.
Lumingon siya sa akin, pero hindi ko kita ang mukha niya dahil sa dilim at ang street light lang nagsisilbing ilaw sa kalsada. "Edi magsampa siya, sampahan din natin ng kaso...Madaling usapan naman iyan." He said coldly, now I see. Napakurap nalang si Sunshine dahil sa isang bagay na narealize, You are not the same Caspher anymore.
Hindi nagbago yung pakikipagkaibigan niya, pero ugali niya nagbago na. Pansin din niya kanina na napapaligiran siya ng mga babae. At hindi niya minsan inisip ang sarili niya na makita ang binata sa ganoong lugar at sitwasyon. Ganoon din na mas hindi niya maatim na maisip na papasok siya ganoong lugar.
Napabuntong hininga na lamang siya at tumahimik na. She closed her eyes, praying to God that everything is well.
God, sana all is well.
She silently prayed. Alam na niya ang ieexpect sa trabaho niya kinabukasan. At handa na siyang maready para sa resignation niya.
YOU ARE READING
PLEASURE (Happiness Series)
ActionPleasure can give you happiness for a while. Unpermanent satisfaction, that caused you to sin.