***Athena's POV
It's been hours since we set foot here in Italy. Kasalukuyan kaming nasa airport lounge. 8 years. 8 years na mula nung mamatay ang mga magulang namin ni Kuya Zac. Agad kong pinahid ang luhang tumulo mula sa mga mata ko upang hindi ito makita ng kahit sino.
Maya-maya pa ay naramdaman ko ang isang kamay na nasa balikat ko. Pagtingin ko ay si Mama Sabel pala na nakangiti sa akin. Ngumiti na lamang din ako rito.
"Kaya mo iyan, anak. Lagi lang kaming andito para sayo kaya wag kang panghihinaan ng loob." Sabi ni Mama Sabel sa akin.
"Opo. Salamat po Mama Sabel kasi andyan po kayo palagi para sa akin. Hindi nyo po ako iniiwan kahit na marami pong hindi magagandang nangyayari." Sagot ko rito at yumakap sa kanya.
"Halika na, iha. Kanina pa tayong iniintay nina Butler Christian." Kumalas ako mula sa pagkakayap at marahang tumango sa kanya.
Paglabas namin sa lounge ay agad kaming sinalubong ni Butler Christian kasama ang iba pang lalaki na nakablack suit, mga bodyguard? Agad silang nagbigay galang sa akin sa pamamagitan ng pagyukod.
"Welcome to Italy, Young Lady Athena and Madam Sabel," bati sa amin ni Butler Christian.
"Please follow me, Young Lady, Madam," sabi nito at naunang lumakad habang ang iba pang bodyguard ay nakapalibot sa amin.
Agad kaming ginabayan ni Butler Christian papasok ng limousine. Agad kaming umalis pagkasakay namin. This is real. I'm in Italy. Nakatingin lamang ako sa bintana habang inaalala lahat ng memories naming sa lugar na ito. Sobrang bigat pa rin sa pakiramdam na di ko na alam kung makakayanan ko bang malampasan ito.
"Butler Christian," tawag ko rito.
"What is it, Young Lady?"
"Can we...visit mom and dad for a while?"
"Of course, Young Lady,"
Agad din kaming nakarating sa sementeryo kung saan nakalibing ang mga magulang namin. It's been years since the last time I came to visit them. Agad akong pumunta sa harap ng dalawang puntod at biglang napaupo. Nakakaubos ng lakas tuwing maaalala ko ang sinapit ng aming pamilya.
"Ma. Pa. It's been eight years, isn't it? I missed you so much. Lolo is so unfair. Sumunod sya agad dyan sa inyo na hindi ko manlang sya nakikita na nakakaalala na ako. Hindi nya na naintay na maalala ko ang lahat. Iniwan na nya kami. Ma. Pa. Ang sakit sakit." Sabi ko habang patuloy na umiiyak. Kanina ko pa pinipigilan ang pagtulo ng luha ko pero heto sila at patuloy na bumabagsak.
"Thank you Ma. Pa. Salamat sa pagbabantay sa amin ni Kuya dyan sa langit. Sinakripisyo nyo pa ni Papa ang buhay nyo para lang mailigtas ako. I promise you. In front of your graves, I will find them. Hahanapin ko ang mga taong nasa likod ng lahat ng ito. I will not stop until I the day that I'll reach the justice I want. From now on, the powerless Athena is gone and I will get back at them for ruining our family. They messed with the wrong family, with the wrong person," sabi ko at pinahid ang luha ko. Hindi na ako papayag na may mawawala pa sakin. Not now that I will be back as the heiress.
"Ma. Pa. Lolo. Please guide us, kami ni Kuya Zac." Tumayo ako at umalis na. Dumiretso ako agad sa sasakyan at pinagbuksan ako ni Butler Christian ng pinto.
"Ayos ka lang anak?" tanong sa akin ni Mama Sabel. Agad akong tumango at ngumiti rito.
It took an hour for us to reach the Villamorsoza Mansion. Huminto ang sasakyan sa harap ng isang mala-Mediterranean na bahay. Agad kaming pinagbuksan ni Butler Christian ng pinto ng sasakyan. Tinitigan ko muna ito mula sa mga bintana, halaman, pinto pati na ang bubong at napangiti na lamang ako dahil wala pa rin itong pinagbago kahit sobrang tagal kong nawala.
![](https://img.wattpad.com/cover/273285537-288-k966383.jpg)
YOU ARE READING
The Return of the Heiress
Teen FictionDate Started: June 12, 2021 Date Finished: She's back. She's back with a revenge, not a Fontes, but a Villamorsoza. She came back stronger and smarter. Can they still outsmart her, now that she is the new head of the Villamorsoza Empire? Will she b...