Chapter 11: Feel at Home

7 0 0
                                    

I haven't really remembered anything yet but I'm slowly reminded of thing I knew, does it make sense? Now, I know na hindi ako marunong magluto but I have talent in it. Hindi ako marunong maghiwa properly or magsaing or what comes first in marinating and even yung pag-gisa ligwak ako but it still tastes good every single time. And it's very satisfying when I see people that are important to me enjoy ever meal I make.

Napagluto ko na sila ng Mechado, Sweet and Sour fish, Sarciado, Kadyos Baboy Langka, Menudo, Adobo pati na rin lahat ng klase ng sinigang. Pinage-eksperimentuhan ko din ng iba'ti bang klase ng luto ang mga huling isda nila Rafa at lahat ng yan galing lang sa Cookbook na bigay sakin ng mga matatanda dito. Welcoming naman sila sakin, lalo na si Aling Thelma, kahit newbie ako they've accepted me as if matagal na nila kong nakasama. Konti lang naman kasi ang ka-edaran namin nila Rafa sa San Ramon kaya parang anak ang turing ng lahat samin dito.

I believe na 23 years old na ko, hindi ako sure pero last time parang may nag-flashback sakin na nagc-celebrate daw ako ng birthday mag-isa at merong 23 na kandila sa cake. Hindi na naman ako pinilit nila Rafa na tandaan pa pero inassume na namin na baka nga 23 talaga ko, tapos marunong din pala ko mag-drawing. More on damit at portraits, naalala ko naman yang skill na yan noong nakita ko si Rafa na nagd-drawing sa tabi ng dagat kasi marunong din daw siya pero more on structures and portraits yung kanya kasi Architecture student daw siya nung college pero mas ginusto niya bumalik sa San Ramon rather than work in Manila. I kept asking him to draw me pero ayaw niya daw ng panget ng subject, mukha niya naman noh!

But so far yun pa lang naman ang meron akong details about myself, I know how to cook, draw, speak English and I'm 23 but people around me, where I live and what my name is are questions still unanswered. Nung unang mga araw ko dito halos 10 or after lunch na ko magising pero ngayon madalas nauunahan ko na si Rafa, kailangan kasi para makapag-breakfast naman siya. Ang sabi kasi ni Aling Thelma sinisikmura si Rafa dahil puro kape siya kahit wala pang kain kaya pinaghahanda ko muna siya ng pagkain bago magkape, nakakayanan ko na din yung lamig ng tubig pangligo dito at hindi ko na nasisira yung mga damit na nilalabhan ko. Masaya dito at mabilis akong nakaka-adjust sa pamumuhay nila.

Nandito ako ngayon sa tambayan nilang magka-kaibigan, oras na kasi ng tanghalian kaya nagdala ako na ng pagkain si Rafa. Tahimik akong naghahain ng pagkain ni Rafa ng tabihan ako ni Kiko "Tara, punta tayo sa bayan." Pagyaya niya sakin "Sama ka samin ni Nay Thelma"

"Kiko, gusto ko man sumama. Walang magbabantay sa bahay" sabi ko habang patuloy na pinaghahain si Rafa. Pagkaupo na pagkaupo niya inabutan ko agad siya ng panyo pangpunas sa pawis niya.

"Sumama ka na, ako na bahala sa bahay" Sabi niya sakin "Paguwi mo may pagkain na"

"Wag na Rafa, pagod ka pa sa pagaararo ng lupa eh"

"Kami din naman!" singit ni Oli "Grabe ka Gael, siya lang talaga dinalhan mo ng tanghalian."

"Ang daya, penge kami Rafa" sabi ni JR na kukuha sana ng ulam sa lalagyan ni Rafa pero agad niyang nilayo ang pagkain niya "Ang damot mo" pagmamaktol ni JR

"Sumama ka na, ayos lang talaga" Rafa convinced me again

"Pumayag na asawa mo oh," siraulo talaga to si Kiko hindi ko tuloy napigilan ngumiti at tumango na lang.

Sabi ni Rafa wala daw kasing internet, cellphones at signal sa San Ramon, pati ang hindi sementadong lupa at napakalayong klinik matagal na din daw nila nirereklamo pero hanggang ngayon wala pang aksyon. Kaya kung kailangan ko daw mag-internet o kung may kailangan ako bilhin gawin ko na daw sa bayan, binigyan din niya ko ng konting pera panggastos kahit hindi ko naman siguro kakailanganin dahil sasama lang ako kay Kiko at Nay Thelma.

###

Nung sinabi ni Rafa na nasa bayan daw lahat ng kakailanganin at hahanapin ko hindi naman niya nasabi na may mga asungot din pala dito. Kanina kasi namimili kami nila Kiko ng mga gamot kasama si Nay Thelma pero nung may nadaanan si Nay Thelma na bilihan ng libro sinabi niya sa amin na magikot-ikot muna. Dinala ako ni Kiko sa bilihan ng mga damit pero mas gusto kong bumili ng mga tupper ware para pag pinabaunan ko si Rafa ng pagkain may maayos na mapaglalagyan saktong malapit yun sa pinagiwanan namin kay Nay Thelma kaya bumalik din kami agad. Pero nakita namin si Nay Thelma na nasa labas na ng bookstore at dun ko nakita ang mga asungot

Found YouWhere stories live. Discover now