Verse 22

3.3K 87 37
                                    

"Pres! Uyy bili ka na ng macaroons napasobra pala kagabi yung gawa ko."

Napangiwi kaagad si Art nung nakita pa lang ako na papalapit sa kaniya, andami nanaman niyang bitbit na papel malamang papapirma nanaman sa faculty yan, yan naman laging pagod e si xochitl kasi na vp niya chill talaga. Pinakita ko agad yung ngiti ko na labas lahat ng gilagid.

Effective naman yon e.

"Brandy sawang sawa na ako, tatlong linggo na yata na macaroons yung merienda ko sa bahay hindi ko pa nauubos yung binenta mo noong isang araw."

Inirapan ko kaagad siya at saka flinip ko yung buhok ko sa kaniya, sindya kong ipakain ayun ubo-ubo siya

Karma bitch

"Ano ba yan brandy!" Saway niya pa pero naglakad na ako paalis.

"Kung hindi ka customer walang dahilan para maging mabait ako sayo."

Tuluyan ko siyang iniwan don, balak kong pumunta sa mga junior high sakto mabenta ako don, charot lang yung macaroons pala.

Bitbit ko yung mga books ko saka sa ibabaw eh dalawang kahon ng nacaroons na sumobra, siguro magbebenta ako ng tingi ngayon para lang maubos.

Pachill chill pa ako maglakad habang naghahanap ng target, kaso walang masyadong tao.

May meeting kasi mga facilitator ngayon kaya free ako gumala, bawal talaga dapat lumabas yung mga estudyante kasi nagbabantay yung mga officers ng ssg kaso wala e, malakas ako sa officers.

Kaibigan ko yung president saka vice.

Nakasalubong ko sa labas ng isang room si Xochitl, nasa labas habang bantay yung isang room para siyang warden doon kachikahan pa niya si Olivia.

Kumaway lang ako sa kanila dahil nga magbebenta ako sa junior high, habang papalapit sa room ng mga grade 10 nakita kong naglalakad si River bitbit niya sa likod yung gitara niya habang may iniinom.

"Reber ko!" Tumakbo kaagad ako papalapit sa kaniya para sabay kaming maglakad.

"Ano namaman?"

"Hi, ayaw mo bang bumili ng macaroons?"

"Di nga ako mahilig diyan, saka bakit ba nakasunod ka nanaman sakin."

"Sabi kasi ni mama sakin, follow my dreams daw."

"Kaya nakasunod ka sakin?"
Ha?

"Ha? Hindi, kaya nagbebenta ako ng macaroons kasi nag-iipon ako pangcollege pero kung yan gusto mo pwede naman.Saan ka pupunta niyan?"

"Music room?"

"Ay di siya sure, kami kakatapos lang namin magpretest sa math e, dapat talaga long quiz yun buti na lang nagpatawag ng meeting si sir." Kapag talaga magkatabi kami pag naglalakad parang lumulutang yung puso ko, yung presence niya, yung amoy sa tabi ko. Parang pwede na akong humimlay. Parang sobrang saya lang ng puso ko.

Kung pwede lang na ganto na lang kami lagi, titigan ko siya aaaahhhhhhh.

"Tamad ka lang talaga mag-aral."

"Hindi ka naman mali diyan, pero reber, 190 degree angle ka ba?"

"Huh?"

"Kasi you're a-cute-y."

"Tanga obtuse yon."
Ha? Hala?

Napatigil ako sa paglalakad saka napaisip, kaya napatingin naman siya sakin.

"Babanat ka na nga lang napaghahalataan ka pang di nag-aral ng maayos."

Hala question yun kanina sa test.

"Hala gago, oo nga pala 45 yung- shit napasa ko pa naman na yung papel ko HALA!" Kaya pala parang may mali kanina, confident pa naman ako sa acute acute na yan kanina.

Napatingin ako sa room namin, wala na yung mga officer ng ssg na kumuha ng papers namin sa math.

Bigla namang tumawa si River. Tawang-tawa?

Sabi na ako talaga kaligayahan nito e.

Habang nanlulumo ako don dahil pinagpalit ko ang obtuse at acute iniwan na ako ni reber ko natatawa pa din, binilisan pa yung lakad niya, hindi tuloy ako makasunod kasi naman yung mga bitbit ko mahirap ibalance. Iniwan ako.

Noong malapit na ako sa room ng mga grade 10 bigla na lang may kumuha ng mga hawak ko sa kamay, sisigawan ko na sana kaso si Kyohei pala.

Siya yung nagbitbit sa hawak kong book saka macaroons, taga Stem din ito e tapos ang bait bait sakin.

"Mukhang kanina ka pa nahihirapan, san ka ba pupunta? Samahan na kita."

"Uy baka busy ka wag na, magbebenta lang naman ako niyan kasi napasobra yung gawa ko."

"Ipapaubos mo lang ito?" Tanong niya saka tumingin sa macaroons, inalis niya yung pagkakasuot ng salamin niya saka sinabit sa bandang leeg niya.

Gago ang gwapo talaga nito kaso di ko type.

"A-Ah oo hehe."

"Ako na lang bibili para hindi ka na mapagod."
Kakabili lang niya sakin nung nakaraan di kaya magkadiabetes to?

"Sure ka?"

"Yes, saan ka na niyan?" Binayaran niya kaagad yung mga macaroons, shet yayamanin talaga.

"Don lang kila Xochitl." Turo ko sa puwesto nila xochitl saka via na nagchichikahan sa binabantayan nilang room, nandoon na rin pala sila Hana.

"Hatid na kita?"

"Eh ang lapit lang naman, ilang hakbang lang o, baka mamaya may pupuntahan ka pala."

"Hatid na kita, mabigat tong mga libro mo." Hindi na ako nakipagtalo, sabay kaming naglakad papunta kila xochitl. Umalis din naman siya kaagad pagkabigay sakin nung libro ko.

Hindi ako nakaligtas sa mapanghusgang mga mata ni Hana at saka Via.

"Ano, see the difference?" Pinagtaasan ako ni Hana ng kilay hindi ko sure kung ako ba yung kausap niya pero parang ako nga ata.

"Difference ng alin?"

"Ng trato sayo, kay River kanina halos madapa ka kakahabol pero kay Kyohei o diba kulang na lang korona parang prinsesa ka. Ayus-ayusin mo naman desisyon mo sa buhay." Si Via naman.

Tumawa lang si xochitl sa sinabi niya. Pinagtutulungan yata ako ng mga 'to.

"Ba't niyo pinagkukumpara yung dalawa?"

"Eh kasi gaga ka ba hindi mo pa ba halata may gusto sayo yung tao tapos ikaw hindi mo man lang pinapansin, bulag ka ba?"
Sabi ni Via ulit.

Hindi naman ako tanga para hindi malaman yon, grade 11 pa lang nahahalata ko na kaso ano namang gagawin ko?

Una sa lahat hindi naman umamin yung tao, hindi naman nanliligaw saka hindi ko alam kung papayagan ko kung sakali man.

"Hindi bulag yan si Brandy, alam niyo yung tunay na pinagkaiba kanina? Nung kay River kinikilig siya, kay kyohei hindi." Singit ni xochitl na nakangiti sa akin.

Yan, ganyan yan si xochitl nakakatakot, parang wala siyang hindi alam.

Hindi naman nakasagot si Hana saka si Via.

"Saka hindi ako bulag no, hindi naman ako si Hana."

Faded In Your Last SongWhere stories live. Discover now