Once Upon A Blue Rose
March 2015 © AyamiLu
All rights reserved.
_______________________
Naniniwala ka ba sa magic?
Ako? Hindi.
Siguro ganyan ang isasagot ko 2 seconds ago. Pero ngayon, habang nakatunganga ako sa lalaking nakasandal sa isang punong may dilaw na dahon, ang masasabi ko, lahat pala posible. Kahit gaano pa ka-imposible ng iniisip ng isang tao, posible.
Nagsimula ang lahat dahil sa simpleng-simpleng koryusidad.
Matagal na akong curious sa kapitbahay naming si ale—na tinatawag ng ibang kabaranggay naming ‘witch’ daw.
Hindi rin ako naniwala. Kasi mukha naman siyang normal sakin, well, minus the ‘loner’ aura na mayron siya. Mag-isa siya lagi, walang kasama at walang kaibigan.
Ngayon, natsempuhan kong wala si ale sa usual spot niya—sa garden. Lagi ko siyang nakikitang nagbubukal ng lupa at nagtatanim ng kung anu-anong buto ng bulaklak at puno. Kaya hindi na ako magtataka kung isang araw ay may biglang tumubong forest doon sa likod ng bahay niya.
Hinubad ko muna iyong tsinelas ko kasi hindi magkasya doon sa gitna ng bakod. Mabuti na lang mababa lang iyong bakod ng bahay ni ale kaya madali ko lang naakyat. Eighteen-year-old na ako pero umaakyat pa rin ako ng bakod ng may bakod. Nagmatyag muna ako kung may tao. Baka pagkamalan pa akong magnanakaw. Hindi naman ako magnanakaw, magtitingin-tingin lang.
Pagpasok ko, wala naman akong nakitang kakaiba sa garden ni ale—puwera lang doon sa isang bulaklak na nasa pinaka-center part ng garden. Bukod kasi sa nag-iisa lang ito at nasa gitna pa, may kakaiba itong kulay. Isa iyong Blue Rose.
May Blue Rose naman talaga, pero iba ang naging pakiramdam ko nang makita ko iyon. Ewan ko pero parang may bumabalot na hiwaga sa bulaklak na iyon. Para bang may tumatawag sa akin na lumapit doon.
Sa pagkahumaling ko, hindi ko na napansing nakalapit na pala ako at hawak ko na ang tangkay ng rosas. Tapos biglang nagsimulang gumalaw ang lupa.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari nung mga oras na iyon. Akala ko lumilindol kaya umupo ako at tinakpan ang ulo ko. Mariin akong napapikit ng mata at nagdasal na sana walang mahulog na mga paso o kung ano sa ulo ko. Baka mamaya mamatay pa ako, dito pa nila ako abutan sa ibang bahay. Nakakahiya naman iyon. Gusto ko kayang mamatay na may dignity.
Pagkaraan ng ilang segundo, naramdaman kong tumigil ang lindol. Dinilat ko ang isang mata ko para sumilip.
Ang linis. Puro damo na lang ang nakikita ko.
Pagdilat ko ng mata, doon ko lang nakita ang dalawang pares ng paa sa harap ko. Pagtingin ko, heto, nakatunganga na ako sa lalaking ito na may mahabang buhok at mukhanag ewan sa suot niyang.. ewan din. Kakaiba ang damit. Mahaba iyon, hanggang hita tapos nakapantalon sa loob. Parang iyong mga costume ng mga sinaunang tao. With matching sword pa.
Aba, kompleto. May taping ba dito?
“Sino ka?” tanong niya. Katulad ko, gulat din siya na makita ako.
Natuwa pa ako kasi kahit paano pareho kami ng salita kahit na mukha siyang ‘unexplainable’. Tumayo ako at saka ko napansin ang hawak ko—ang Blue Rose.
“Binibini, tinatanong kita kung ano ang iyong pangalan.” untag nung lalaki sakin.
Binibini? Seriously
BINABASA MO ANG
Once Upon A Blue Rose (One Shot)
Short StoryNaniniwala ka ba sa magic? Hindi? Paano kung nasa harapan mo na ang ebidensiya? Paano kung napunta ka sa ibang panahon at paano kung naramdaman mo sa lugar na iyon ang mga bagay na hindi mo pa naramdaman at nahanap mo ang taong handang magsakripisyo...