AGNELLA TELESE
Kagat ko ang kuko ko sa kamay habang hindi ako mapakali sa aking kinauupuan. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na sakluban ng kaba dahil mamaya lang ay makikita ko na ang magulang ni Alessandro. Nandito lang ako sa sala at hinihintay ko si Ales na makababa.
He's still upstairs dahil kararating lang ng tuxedo na pinakuha niya sa kanyang sekretarya. Naghihintay lang ako habang hindi ako mapakali sa pwesto ko. Umalis din naman agad ang secretary niya dahil marami pa raw siyang aasikasuhin at tatapusin na trabaho.
"Okay, relax. I-relax mo lang ang sarili mo, Agnella," I whispered to myself.
I took a deep breath. "Bakit ba ako kinakabahan na natatakot?" tanong ko pa sa aking sarili bago ako tumayo.
Nagsimula na akong hindi mapakali. Pabalik-balik ang lakad ko sa sala. Ales always tell me na huwag akong kabahan. Nandiyan lang naman daw siya sa tabi ko at hindi niya ako iiwan mamaya.
Pakiramdam ko ay para akong nasa sitwasyon na kakausapin ako ng terror teacher ko kasama ang parents dahil bumagsak ako sa isang subject. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito.
"Are you okay, baby?"
"My goodness, Ales! Ginulat mo naman ako!" asik ko nang biglang nagsalita si Ales. Tinapik pa niya ng mahina ang balikat ko.
Muntik na rin akong lumundag sa gulat at mawalan ng lakas ang tuhod ko. Tiningnan ko si Alessandro na nakasuot ng black tuxedo habang ang mukha niya ay nag-aalala.
Nawala ang kabang nararamdaman ko nang makita ko siya. Ang gwapo niya sa suot niya ngayon.
"Ang gwapo mo," bulalas ko.
Pinasadahan ko pa siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakaayos din ang buhok niya at pagtingin ko sa kanyang mukha ay nakangiti na siya. Nangingislap pa ang mata niyang nakatingin sa akin bago niya hinapit ang aking beywang palapit sa kanya.
"You are stunning and elegantly gorgeous. The red dress you're wearing suits you," puno ng pagkamangha niyang puri sa akin.
Napangiti ako dahil sa sinabi niya.
I wore an off shoulder red dress that was just above my knees and I just put light make up on my face. The heel of my red stilettos was five inches at naka-loose low bun naman ang aking buhok.
Buti na lang ay dumaan muna kami ni Ales sa Mall para makabili ako ng susuotin kong damit at make-up kit. Balak niya sanang dalhin ako sa parlor pero tumanggi ako. Kaya ko namang ayusan ang sarili ko.
"Are you okay? Your body is shaking." nag-aalala niyang tanong kaya huminga ako ng malalim.
"Kinakabahan talaga ako, Ales. I couldn't help myself to be nervous. What will I do?" pag-amin ko.
Sa sobrang nerbiyos ko ay talagang nanginginig na ang buong katawan ko. Ang daming naglalaro sa utak ko na what if hindi ako magustuhan ng magulang niya? Paano kung magalit sila sa relasyon na mayroon kami ni Alessandro? Paano kung paghiwalayin nila kami? Parang naiisip ko tuloy ang mga nangyayari sa teleserye.
"Kung gusto mo ay huwag na lang tayong tumuloy?" tanong niya ngunit mabilis akong umiling.
"No, tutuloy tayo."
Sayang ang oras na nilaan namin para mag-ayos ng sarili. At isa pa, gusto akong makausap at makilala ng magulang niya kaya kailangan naming magpunta sa dinner mamaya.
I'm just really starting to get paranoid or OA. First time ko ito. 'Yong ex-boyfriend ko nga sa Washington, kahit kailan ay hindi ako pinakilala sa magulang niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/267265260-288-k527975.jpg)
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 2: HIS SEDUCTRESS [UNEDITED]
General FictionIDLE DESIRE 2: ALESSANDRO OTTAVIO Agnella Telese has a reason why she wants to seduce Alessandro Ottavio --- her stepfather. Because first, she wants to destroy the relationship between her mother and her stepdad. Second, she will make him feel that...