Hello ♥,
Alam mo, Matagal na akong naghihintay sayo. Hindi ko alam kung single ka o meron kang Girlfriend ngayon kaya di pa tayo nagkakasama. Ni hindi ko nga rin alam kung nagkita na tayo, magkakilala ba tayo o magkikita palang. Basta ang alam ko ikaw yung magiging Boyfriend ko, di ko nga lang alam kung sino, kailan at saan kasi future nga diba? so ganun.
Hindi ko maipapangako sayo na magiging mabait at behave akong girlfriend basta pag-tayo nang dalawa, ikaw lang yung mamahalin ko kasi ako yung babaeng "One man, Woman", Kaya wag kang mag alala kung sakaling maraming lalaking nakapaligid sa akin (etchus), Ikaw naman ang magiging laman nitong puso ko ♥..
Ngayon palang humihingi na ako ng pasensya kung darating man yung panahon na di kita mareplyan sa mga text mo kapag kasama ko ang mga friends ko, wag kang magtatampo ha? Pinapamiss lang kita :)
Pagpasensyahan mo nadin ang pagiging selosa ko, takot lang siguro akong matuon ang atensyon mo sa iba. Pagpasensyahan mo na din kung minsan tatarayan kita, Gusto ko lang lambingin mo ako. Pagpasensyahan mo na din ang pagiging maingay ko, Sadyang ganito lang ako paghumihingi ng atensyon sa taong mahal ko, At higit sa lahat pagpasensyahan mo na yung Tupak ko, Sana intindihin mo na lang ako kasi kahit ako minsan di ko rin maintindihan ang sarili ko.
Hindi din ako hihingi ng anumang pangako sayo, Basta ba di ka lang mangchicks at magbabad sa dota, abay okay na! :) Iintindihin ko din yung ugali mo kahit ganu kapa kasira-ulo. Hindi mo din kailangan maging gwapo palagi kasi para sakin ikaw ang aking Prince Charming kahit maging kamukha mo pa si Shrek, Wag naman sana! HAHA binibiro lang kita.
Alam mo, Malakas akong kumain pero sana wag kang maturn off sa akin. Malakas din akong mag inum pero basta isang sabi mo lang na "wag kang iinum" ni tikim di ko gagawin. Malakas din akong magbisyo pero sana wag kang manibago kasi kaya ko naman bawas bawasan yun para sayo. Maraming bagay ang nakakaturn off sa akin pero sana isa isa mo itong tanggapin.
Hindi ko alam kung anong mga trials yung haharapin natin pero ang gusto ko harapin natin yung dalawa, yung magkahawak kamay ha? ♥ :)
P.S.
T'estim molt, Wo ai ni, Je t'aime, Ich liebe dich, Aloha wau ia 'oe, Saya cinta padamu, Ti amo, Kimi o ai shiteru, Tangsinul sarang ha yo, Es Tevi milu, Ya lyublyu tebya , Seni seviyorum!, Gwa ai lee , I love you, Padangaton taka, Gihigugma taka iisa lang ibig sabihin nyan tatagalogin ko para mas maunawaan mo - Mahal kita ♥ (Mamahalin kita sa mga darating na panahon)
Nagmamahal,
K ♥