CHAPTER TWO: THE GAME BEGINS

3 0 0
                                    


Max’s POV

Nandito na kami ni Christian sa Instruments Repair Shop malapit sa school. Diko kasi akalaing Masisira ko guitara ni Kenneth sana naman hindi na sya galit sakin.

“Baks? You okay? Kanina ka pa tulala dyan.” Napatingin naman ako bigla kay Christian.

“Oo baks okay lang ako, pero diko parin akalain na nasira ko Guitara ni Kenneth, alam mo naman yun kung gaano yun ka careful sa mga gamit nya.” Sabi ko kay Christian.

“Hayaan mo na baks, matatapos narin to oh! Masusuli na natin to kay Kenneth, kilala mo yun, tatanggapin nya rin to for sure.” Sabi ni Christian. At tinapik ang braso ko.

“Salamat nga pala Pres ha? Kasi kung wala ka dun diko alam kong saan ako kukuha ng pambayad, hayaan mo pres kapag nakaluwag luwag ako, babayaran kita.” Bigla nya naman ako Binatukan.

“Arayy! Bakit? May mali ba sa sinasabi ko?” Tanong ko sakanya.

“Alam mo Baks? Ang Oa mo sabi ko diba? Ako na magbabayad? Wag mo na bayaran no! Kaibigan kita at alam ko naman di mo sinasadya yun eh” Sabi niya,  ang bait talaga ng Taong to, swerte ng babaing mamahalin niya.

“Nakakahiya naman sayo Pres, subra subra na naitulong mo sakin, mga nasisira kung gamit ikaw nagbabayad, wag mo sana akong i spoil Pres” Sabi ko sakanya.

“Anong spoil pinagsasabi mo dyan? Alam kong dika spoil, pero sana tanggapin mo naman mga tulong ko sayo”

“Salamat talaga Christian ah! Diko talaga alam gagawin ko kung wala ka nun.”

“Ano kaba Max okay lang yun.”

“Tapos napo sir” bigla naman akong napatingin sa nag-ayos ng gitara at bumuntong hininga. Kinuha na namin at binayaran ang gitara ang mahal pala grabi.

Lumabas na kami ni Christian at pinuntahan na si Kenneth, nagtungo kami sa Music Club, pero wala dun ang gago, paikot-ikot lang kami ng school ni christian pero hindi namin mahanap si Kenneth, hayy nako tong taong talaga to, tinignan ko si Christian halatang pagod na ito.




****




“Christian, pawis na pawis kana, alam mo? Hayaan mo na akong maghanap kay Kenneth, pahinga ka mo na doon sa Classroom kasi may mga pupuntahan kapang Clubs Mamaya baka mapagod ka lalo”

“Salamat Max, pero? Sure kaba? Siguro tomorrow morning nalang natin to ibibigay” sabi ni Christian habang hingal na hingal.

“Alam mo? Hinihingal ka na lalo, una ka na duon hayaan mo na ako maghanap kay kenneth.” Sabi ko at kinuha ang Gitara.

“Sigurado kaba max?” Tanong ni Christian

“Yes Christian, ako na bahala dito.” Sabi ko.

“Sige salamat, meet me in the room ha? Hihintayin kita duon.” Sabi ni Christian at hinihimas buhok ko bago maglakad papalayo.

Sinimulan ko ng hanapin si Kenneth, mula sa 4th Floor ng College Campus, hanggang sa Men’s rest room, sa Garden, sa Cafeteria, sa gym at sa Rooftop, hmm wala din ang gago. Kaya bumalik ako sa Music Club baka sakaling andun na sya, pero wala parin! Hayss isang oras na ako naghahanap sayo kenneth ah.

“Kenneth! Leche ka talaga asan kaba?” Nagsisigaw sigaw na ako sa Room ng Music club.

“Are you looking for me?” Napatingin naman ako sa nagsalita, buti nalang nagpakita na tong gagong to.

“Oo actually kanina pa eh! Ito napo gitara mo seniorito!” Inis na sabi ko, nanggigigil ako sa mukha nya sarap sapakin.

“Haha! Buti nga sayo.” Ano daw? May pa smirk smirk pang nalalaman.

“May problema kaba sakin Kenneth?” Tanong ko sakanya.

“It’s not kenneth, I am Kenjo.” Sabi nya sabay abot sa kamay nya, ako pa niloloko nitong gago.

“Huy Garcia! Kung sino kaman, mapa Kenjo, oh ano pa man, Garcia ka parin, yan parin baho mo!”

“Hmm! Del Valle, Max Del Valle, wag moko simulan, baka di mo magustuhan gagawin ko sayo.” Sabi nya habang papalapit na papalapit sya sakin. Malapit ng magdikit mga mukha namin.

“Subukan mo lang Garcia! Alam mo wag mo ko hamunin kasi hindi ako natatakot sayo, at pwede ba? Last natong pagkikita natin baka ano magawa ko sayo” Sabi ko at nilagpasan sya. Bumalik ako paatras at inilagay ko bibig ko sa tenga nya sabay sabing.

“THE GAME BEGINS , GARCIA”. Sabi ko’t umalis na , hooooo kinabahan ako dun ah! Nakoooo poooo...




***

I will always Love you (So Connected)Where stories live. Discover now