AGNELLA TELESE
Sobrang saya ko sa mga sandaling ito. Hindi na rin importante sa akin kung mapunit man itong labi ko dahil sa lawak ng pagkakangiti ko. Wala na sigurong makakapantay pa sa nararamdaman kong saya sa mga oras na ito.
Tanging nandito ngayon sa puso ko ay ang happiness, love and contentment. Ganito pala talaga ang pakiramdam kapag nakabuo ka na ng sarili at masayang pamilya. Ito pala ang pakiramdam kapag alam mo sa sarili mong kuntento ka na.
Pinagkatitigan kong mabuti ang kanyang maamo at gwapong mukha. Nakatingin din sa akin ng diretso ang mapungay niyang mata na masasabi kong namana niya sa kanyang gwapong ama.
May mahaba rin siyang pilikmata at kilay na medyo may kanipisan pa. Matangos ang kanyang ilong, namumula pareho ang magkabila niyang pisngi. Maputi ang balat na nasisiguro kong sa akin niya namana, may maliit at namumulang labi.
"Good night, my baby boy," malambing at puno ng pagmamahal kong bulong sa kanya.
Masuyo ko pang hinalikan ang kanyang noo habang patuloy ko pa ring sinusuklay ang kanyang malambot na buhok gamit ang mga daliri ko sa kaliwa kong kamay.
Habang ang isa ko namang kamay ay marahang humahagod sa kanyang likod na lagi kong ginagawa kapag dumarating ang gabi para siya'y makatulog. Gustong-gusto talaga niya itong ginagawa kong paghagod sa likod niya, para sa gayon ay mabilis siyang antukin.
"Good night, Mom."
Kahit inaantok ay nagawa pa rin niya iyon sambitin. Natawa ako sa aking isipan nang makita kong unti-unti na siyang napapikit ng mata hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog..
Hininto ko ang ginagawa ko bago ako maingat na bumangon sa kama para hindi ko siya magising. Inayos ko rin ang kanyang kumot at muli ko siyang hinalikan sa kanyang noo.
Ang swerte ko. Sobrang swerte ko dahil dumating siya sa buhay ko. Siya ang kumumpleto sa akin at naging dahilan ko para magpatuloy ako sa buhay.
Nabaling ang atensyon ko sa pintuan nang bumukas ito at pumasok si Ales na halatang kauuwi lang galing sa kanyang trabaho.
Bahagya pang magulo ang suot niyang necktie habang hawak niya ang kanyang jacket. Sinusuot lang naman niya ang jacket na iyon dahil may kalamigan sa office niya.
Bakas ko rin sa gwapo niyang mukha ang matinding pagod dahil na rin siguro sa marami siyang inasikaso at tinapos na trabaho.
"Is he already asleep?" mahina niyang tanong sa akin.
Tiningnan ko muna saglit ang baby boy namin bago ako maingat na naglakad palapit sa gawi ni Ales.
"Oo, sobra kasi siyang na pagod sa paglalaro kanina. Dumating dito kanina sa bahay ang kaibigan mong si Jaeger para ipabantay muna saglit sina Kael at Sunneva sa akin. Wala raw kasi magbabantay sa dalawa nilang anak ni Seph kaya naisip na lang ng mag-asawa na iwan muna sila rito saglit," mahina kong sagot
Pagod pa naman siya dahil halos buong araw silang naglaro ng mga anak ni Jaeger at Seph dito sa bahay. Pati tuloy ako ay napagod dahil sa ang kukulit ng mga bata. Nilinis at niligpit ko pa ang mga kalat nila sa sala lalo na ang mga laruan nila.
"Halata sa mukha mo ang matinding pagod. Get some rest first," bulong niya sa tenga ko. Mabilis lang din niya akong binigyan ng smack kiss sa aking labi.
"You are also obviously tired," sagot ko habang nakatitig ako sa kanyang mukha. Bumuntong-hininga siya at hinapit palapit sa kanyang malaki at maskulado niyang katawan ang beywang ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/267265260-288-k527975.jpg)
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 2: HIS SEDUCTRESS [UNEDITED]
General FictionIDLE DESIRE 2: ALESSANDRO OTTAVIO Agnella Telese has a reason why she wants to seduce Alessandro Ottavio --- her stepfather. Because first, she wants to destroy the relationship between her mother and her stepdad. Second, she will make him feel that...