Kunwari

8 0 0
                                    

Pinalaking punong-puno sa pagmamahal kahit na nag-iisang anak. Simple ang pamumuhay kasama ang pamilya, di man marangya natuto namang makuntento sa kung ano ang ibinibiyaya. Sabi pa ni inay, ang taong marunong makuntento ay tiyak na mapagmahal. Totoo, ang pag-ibig ay hindi lamang nakatuon sa paraang romantiko, dahil ang pamilya, hobbies, kaibigan, at iba pang iyong itinuring na parte sa iyong buhay o kabanata na syang nagbibigay galak sa iyong minsang pagkalungkot ay isa ng pag-ibig. Akala ko noon napakadali lang ng pag-ibig, mahirap pala ito kapag pag-ibig para sa isang taong nagustuhan mo.

Nagsimula ang kakambal ng pag-ibig na kung tawagin ay pighati noong nag kolehiyo ako. Isa ako sa dalagang ang hangad lamang ay mag focus sa pag-aaral at nang makamit ang pangarap para sa sarili at pamilya. Tunay ngang hindi mo malalaman kung kailan ka tatamaan ng pag-ibig. May nakilala akong lalaki na nag-aaral sa ibang kolehiyo. Sa pagkakaibigan namin ay sumibol ang aming pag-iibigan. Sa bawat araw na pagkikita naming dalawa ay tuluyan nga kaming nahulog sa isa't-isa.

Isa sa hindi ko makakalimutan sa kanya ay ang sabay naming paglalakad sa gabi kapag nadatnan kaming gabihin sa aming klase. Napakasarap nyang pakisamahan at maituturing kong masaya ako kapag nakita ko syang ngumingiti at tunay na masaya. Naging kami sa ilang buwan lang naming pagpapakilala. Iba sya sa mga lalaki kong nakilala, sa isip ko talagang iba sya dahil lubos akong napaibig sa kanya. Bago pa man naging kami, bukas na kami sa isa't-isa. Inalam ang pamilya, ambisyon, kagustuhan, bisyo (kung meron man) at past relationships. Namangha ako dahil perpekto na sya para sa akin dahil wala syang bisyo na nakakadulot nang permanenting sakit sa katawan. Dota player sya at wala akong problema diyan.

Nagsimula ang aming relasyon na maligaya. Ang relasyon namin ay may basbas mula sa aming mga magulang kaya naman walang taguan ang nagaganap sapagkat kaming dalawa'y walang sawang bumibisita sa aming mga bahay. Ngiting tagumpay ang naranasan ko noong nalaman ko na ako lang pala ang babaeng dinala at ipinakilala sa kanyang pamilya bilang kasintahan niya. May selosan at hindi pagkakaintindihan pero mauuwi rin naman sa pagkakabati. Isa lang ang masisiguro ko, tapat ako sa aming relasyon at pinaiiral ko ang transparency para maipakita sa kanya na di ako katulad ng dati niyang kasintahan na pinaglalaruan lamang siya. Wala sa isipan na paglalaruan lamang sya sapagkat alam ko kung paano sya nasaktan noong labis sya nag mahal. Masaya akong umabot kami ng aming anibersaryo. Walang nagbago sa kanya, ngunit may kakaiba akong pakiramdam na para bang may mali.

A Painful FlashbackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon