Transparency

4 0 0
                                    

Palagi kong pinaalala sa kanya na lahat ng sinasabi ko sa kanya ay totoo. Willing akong magpaka transparent para sa kanya para maisip nyang hindi ako kagaya ng ex niya na maraming tinatago. Mahirap makipag-relasyon sa may trust issues, ako rin ay may trust issues pero ipinagkaloob ko ang tiwala ko sa kanya na di niya ako sasaktan. Sa mismong anibersaryo namin, hindi kami nagkita. Nagtampo man ako ngunit inintindi ko nalang iyon at isiniwalang bahala.

Kampante ako. At iyon ang pagkakamali ko.

Ilang buwan pa ang lumipas hindi mapanatag ang loob ko. Hindi ko alam kung bakit. Ang alam ko may mali. Pansin ko rin na napakatahimik ng kanyang social media, at di gaanong nag popost ng picture niya pang profile. Napagdesisyonan kong gumawa ng dummy account at nag stalk sa kanyang mga kaklase. Dinala ako ng aking kamay sa friends list ng kanyang kaklase.

Napakabigat ng aking pakiramdam sa panahong iyon. Tahimik akong umiyak at pinipilit iniwasan ang paghagulhol. Kompirmadong may iba syang active account. Nalaman kong mas active siya doon sabi nang kanyang governor. Masakit. Dahil puro ang intensyon ko sa kanya. Lahat ng pinagseselosan niya ay iniiwasan ko para panatag ang kalooban niya. Ngunit, ang mga pinagseselosan ko ay sa ibang account niya pala pinapansin. Hindi ako nanggagago sa kanya pero nagawa pa rin niyang magloko at alam niyang ikakasira ito ng tiwala ko sa kanya. Tumatak din sa akin isipan kung paano sya nagmura at nagalit nang dahil sa nalaman ko ang sekretong itinago niya sa akin.

Nabawi ko ang account ngunit burado na ang mga chat. Naawa ako sa sarili ko sa pagkakataong iyon. Iba na ata ang mindset ng taong ito. Noon, siya any niloko. Ngayon, siya na ang nangloko't nadamay pa ako.

Nasaktan ako. Sobra. Kinimkim ko ang nalaman ko sa aking mga magulang. Ayokong mag-iba ang tingin nila sa kanya. Inisip ko pa rin ang imahe niya kaya pinag-usapan namin kung paano sya nahantong sa ganoong gawain. Suspetsa ko ganoon din ang ginawa ng kanyang ex sa kanya. At sa akin niya gustong iparanas ang ganti niya. Gago lang kung ganoon diba. Di ko maisip paano niya pinagsabay ang magkaroon ng dalawang account nang hindi ko nahalata na may iba syang hinawakan. Napakagaling magtago. Napakagaling magsinungaling. Bilib ako sa kanya dahil di man lang sya nakonsensya na nakakasakit na sya ng tao, umabot pa talaga ng isang taon.

Sa totoo lang, noong nasaksihan ko iyon napadpad ako sa reyalisasyong mahirap talaga pala ang umibig kapag ang tao'y hindi sigurado sa iyo. Hindi makapaniwalang, pekeng pagmamahal ang ipinakita sa bawat masarap na salita't aksyon na ipinaramdam may hatid pala itong pait na tiyak hinding-hindi mo makakalimutan.

Trust your guts. It saves me from being tanga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Painful FlashbackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon