"Hi, my name is Neonella Dayan Villanueva. If my is name's too long, you can call me N or Neon or....Dayan" simpleng pagpapakilala ko sa aking sarili at umupo na.
Dayan...
napangiti ako sa naisip. hay erase. erase. erase
"Your name's kinda unique neon" wika ng aking propesor
Ngumiti lamang ako sakanya at pinakinggan na ang mga pagpapakilala ng aking mga kaklase.
Nasa college na ako. First year and i'm taking BSMT. Di ako makapaniwala na college na ako. Akala ko mauudlot dahil sa nangyaring pandemic. Pwede ng mag face-to-face class ang college pero dapat pa ding sumunod sa mga health protocols.
Simpleng introduce yourself lang ang nangyari sa unang subject na pinasukan ko at sa mga sumunod naman ay wala ng ginawa. Syempre anong aasahan mo e first day of school. Grabe ngayon nalang ulit ako nakatapak sa school at maka harap ang mga teacher at mga kaklase. Ang saya lang sa pakiramdam.
Naninibago pa din ako sa bago kong school. Malaki ito kumpara sa dati kong school na pinapasukan at feeling ko maliligaw ako buti nalang hindi ako mag isang maliligaw HAHAHA kasama ko kasi ang mga kaibigan ko na kaklase ko pa din ngayon sa ibang subject. Tatag namin ano.
"Uyy N..." sigaw ng kaibigan kong si Charity
Ngumiti ako sakanya at sinalubong siya. Kakalabas ko lang kasi sa room at papunta na sa canteen kasi lunch break na. Nagugutom na ako.
"Buti Nakita kita, akala ko mawawala na ako sa next subject ko buti nalang may napagtanungan akong lalaki at shuta kaklase ko pala." kwento niya habang naglalakad kami papuntang canteen.
" Buti nga di ka nawala pagtatawanan talaga kita.."
"ikaw ang sama mo" sabay tulak niya sakin sa balikat, natawa lang ako sa ginawa niya
"ikaw nawala ka ba?Nawala ka no? HAHAAAHAH"
Umiling nalang ako sakanya. Loka
Nakapasok na kami sa canteen at umorder ng kakainin. Nang maka order ay naghanap na kami ng mauupuan. Sakto naman nang maka upo kami ay dumating ang isa ko pang kaibigan.
"Gagi nawala ako. Ang layo kasi ng sinundang class ko" sabi niya sabay upo.
Tawang tawa naman kami ni Charity sa itsura ni Jenzen. Wala lang natawa lang kami sa itsura niya
" Umorder ka na dun ng pagkain mo. Di ka na namin inantay kasi nagugutom na kami" sabi ko sabay tulak kay Jenzen.
Tumayo na siya at pumunta dun sa may orderan. Kami naman ni Charity kumain na habang nagchichikan. Nakisali naman saamin si Jenzen na agad nakabalik at kumakain na nagayon.
Pagkatapos kumain ay pumunta muna kami sa mya park dito sa loob ng school. Mahangin dito at masarap magpahinga. Si Jenzen as usual natutulog, ang antukin nito e.
Nagkukwentuhan lang kami Charity hanggang sa mapdpad ang topic namin sa kung ano anong mga bagay.
"Ang sama sama mo bat mo ginawa yun? demonyo ka talaga.." narinig kong sabi nung babae sa kasama niyang lalaki nung dumaan sila.
tinignan ko sila at napangiti. Nakita kong tumawa yung lalaki habang yung babae naman ay hinahampas hampas sa balikat yung lalaki.
Demonyo...Demonyito..
Napabuntong hininga nalang ako sa naisip ko. Aish ito nanaman e
"Uy may pantext ka N? Kailangan ko palang itext si mama."
Mula sa bag ay kinuha ko yung phone ko at inabot sa kanya.
Ipinikit ko ang mata ko para maka idlip ng kahit saglit lang pero agad ding napamulat ng magsalita ang kaibigan ko.
"Di mo pa din pala dinedelet tong walkie talkie?"
Napatingin ako sakanya
"Akala ko dinelete mo na. Gumagamit ka pa din N?" dagdag niya.
"Hindi na ako gumagamit niyan, naka tambak nalang yan dyan"
nagkibit balikat nalang sya at napatingin ulit sakin ng mapaisip ng tanong.
"Nakalimutan mo na ba sya?"
"I mean naiisip mo pa din ba sya? " "...sila" dugtong niya
napaiwas ako ng tingin kay Charity at nagkibit balikat
Naiisip ko pa din ba sya? Ewan siguro minsan.
Sinong makakalimot dun?
Tsaka naiisip ko pa ba sila? Minsan din suguro HAHAHA ewan.
May mga bagay na nakapag papaalala sa kanila. sa kanya
saglit lang nangyari ang lahat pero ang hirap kalimutan.
Kamusta na kaya sila?
---------------------------------------------
So what do you think guys? Comment your reaction
Ang hindi magcomment mababaog. char..
Keep on reading evryone!
YOU ARE READING
89.82
Novela JuvenilNagbago lahat ang kinamulatang buhay ni Neon dahil sa pandemyang nangyayari sa buong mundo. Dahil dito naging sunod sunod ang naging problema nila. Ngunit nang madiskubre niya ang isang app ay naging daan niya ito upang makaalis siya sa realidad at...