chapter 1

8 1 0
                                    

      ohhh............ sinong baba sa bukidnon? maghanda na kayo.... next na bus stop bukidnon na... rinig kong hiyaw ng kondoktor sa may pinto ng bus...... kaya dahan-dahan akong nag-ayos ng sarili at dala ko... sabay haplos ng tiyan ko at bumulong   ("baby kapit kalang dyan hah, mamaya lang makikita na natin ang lolo't lola mo") at dinama nya rin ang dibdib nyang parang tambol sa subrang lakas ng kabog......         pagkalipas ng sampung minuto nakababa narin sya sa wakas... at bakas na bakas sa mukha ang nadaramang lungkot at pighati...

            nagpahinga lang siya ng kaunti at pumara na sya ng masasakyan  pauwi sa bahay ng mga magulang niya.... habang nasa sasakyan sya mas lalong palakas ng palakas ang kabog ng kanyang dibdib. dahil hindi nya alam kung papa'no sasabihin sa mga magulang niya ang kanyang sitwasyon.... natatakot man ay palihim siyang nananalangin na sana matanggap siya ng mga ito... makalipas lang ang ilang minuto ay bumungad na sa kanya ang pamilyar na bahay at pamilyar na mga imahe, habang palapit sya palapit, lalo nmang palakas ng palakas ang kabog ng kanyang dibdib... at sa wakas huminto na rin ang sinasakyan niya at bumaba na siya at halos patakbong lumapit at yumakap sa ina nyang si Elsa at di na napigilang humagulgul... ang tuwa ng mga magulang niya ay napalitan ng pagtataka... nagtataka man ay di na muna sila nagtanong bagkos inalalayan nalang nila itong  makapasok sa loob ng kanilang tahanan.... at nang napagod na sa kakaiyak ay tumahan na rin siya, at hinanda ang sarili dahil alam niya sa sarili niya na kailangan niyang sabihin ang lahat na nangyari sa mga ito..........

            maya-maya lang ay tinawag na sya ng kanyang kapatid, para maghapunan...... pagpasok palang niya sa loob ramdam na niya ang maraming katanungan sa mga mata ng mga ito.... halika na, upo ka na dito. aya sa kanya ng kanyang mama........

tahimik ang lahat at nakikiramdam lamang ang mga ito habang sumusubo.... tanging tunog lamang ng mga kobyertos na nagbabanggaan ang maririnig sa loob... hanggang sa matapos na sila , halos sabay-sabay silang lahat na pumuntang sala...


*************************************************************************************

                          anak! may problema ka ba? di na nakatiis si mama elsa na tanungin ang anak.... lahat sila nakaabang sa isasagot ni reina......         tumayo si reina at lumapit sa kanyang mama at lumuhod sa harapan nito, na ikinagulat ng lahat.... nagtataka man ang mga kapatid at magulang ni reina, ni isa sa kanila walang may gustong magsalita... bukas ang mga tenga na handang makinig sa sasabihin ni reina.....

              mama, papa, patawarin nyo po ako... alam ko po na malaking kahihiyan ang dala ko sa inyo.... sabay haplos sa maliit na umbok  na tyan... at patuloy ang paghagulhol....  tumayo si elsa at lumapit sa kawawang anak at niyakap niya ito habang di na rin nya napigilan ang pag patak ng kangyang mga luha,  sabay sabing 'di lang ikaw ang may ganyang sitwasyon.... anak  magpakatatag ka at maging positibo, tumayo ka sa pagkakadapa mo at taas noong ipagpatuloy na harapin ang buhay mo. para sa sarili at sa anak mo.... tandaan mo lahat ng pangyayari sa buhay natin ay may dahilan.... 

         makalipas ang ilang buwan, di maipaliwanag ni reina at ng buong pamilya  ang nadaramang saya at excitement dahil sa napaka healthy,at napa cute ng bagong miyembro ng pamilya... at yan ay walang iba kundi ang bebong si jc.... ang nagbigay saya sa kanyang ina at pamilya.....         (welcome to the world and my life anak..and i'm so sorry dahil hindi kita nabigyan ng buong pamilya) pabulong niyang sabi....................

at lumipas ang isang taon, at lumalaki na jc at dahil narin sa kahirapan ng buhay at dagdag pa  napakaliit kong sahod..... nakapag isip-isip akong mangibang bansa...  na aprobado naman nila mama. kahit alam kong mahihirapan ako, dahil malalayo ako sa anak ko ng matagal-tagal... pero okay lang kakayanin ko para sa kinabukasan ng anak ko... at para narin sa araw-araw na pangangailangan ng mga magulang ko................

      makalipas ang ilang buwan pagkatapos kong kausapin ang mga magulang ko tungkol nga sa abroad thing.... nakalipad na ako patungong gitnang silangan.... 

bago ako nakaalis napakaraming nakakapaghinanag loob akong naririnig tungkol sa bansang nais kung puntahan... pero positibo ako lagi at hindi nagpatalo sa takot... sa posible kung danasin doon..ang tanging pamilya't anak ko ang ginawa kong inspirasyon at nagpapalakas ng loob ko para lalo kung ipush ang sarili ko na umalis ng bansa....



********************************************************************************************


at sa susunod na chapter ay ng kwento ng buhay abroad..........

thank you so much dear readers sana samahan nyo po ako hanggang s dulo ng kwento.....


sorry sa mga errors pwede po kayong mag komento.....

stay safe po tayong lahat....


BUHAY ABROADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon