Prologue

16 6 0
                                    

Habang tinatanaw ko ang papaalis na si Jax ang matalik kong kaibigan na nangangako sa'kin na papakasalan niya ako kapag nakabalik siya dito sa Pilipinas.

Mugto man ang mga mata ay masaya akong makitang masaya siya kasama ang kaniyang pangalawang pamilya ang nag ampon sa kaniya.

Kinakaway ko ang dalawa kong kamay kahit siya'y nakatalikod na at naglalakad papunta sa kanilang sasakyan.

Mayaman ang nag ampon kay Jax. Dadalhin siya ata sa labas ng bansa upang doon sila manirahan. Naalala ko tuloy ang ipinangako naming dalawa sa harap ng puno na may naka ukit na pangalan naming dalawa at may hugis puso pang nakalagay.

"Huwag kana nang umiyak, Sachi. Pangako ko pagbalik ko dito sa Pilipinas ikaw agad ang hahanapin ko at sa pagkakataong mahanap kita ay hinding hindi ako magdadalawang isip na pakasalan ka agad. Pangako, Sachi." Seryosong saad niya habang pinupunasan niya ang luha ko na nag uunahan sa pagpatak.

Tanging tango lang ang sagot ko sa kaniya dahil hindi ko pa matanggap na bukas na agad ng umaga ang alis niya.

"Dinala kita dito sa puno na ito upang maalala mo ako palagi. Dahil sa puno na ito nagkakilala tayo, inukit ko dito ang pangalan nating dalawa bilang tanda ng pagkakaibigan natin. Magkaibigan tayo pero alam kong alam mo na mahal kita. Hintayin mo ako ha? After 6 years siguro makakabalik na ako dito sa Pilipinas at kung sakali man pwede bang puntahan mo ang punong ito? Dito kita pupuntahan at hihintayin. Pangako." Saad niya bago ako hinalikan sa noo, kasabay naman nito ang pagbagsak ng mga luha ko.

"I will wait for you, I promise. I hope if we part ways you will never forget me. Ikaw ang ka isa isang taong tumanggap sa akin ng buo kahit ang dami kong pagkukulang. Kung para ito sa pangarap mo handa kitang bitawan, Jax. Hahayaan kitang tuparin mo lahat ng iyon kahit hindi ako ang kasama mo dahil ayaw kong maging selfish sayo. I want the best for you." Nilagay ko ang aking mga kamay sa kaniyang pisngi at dahan dahan itong hinaplos habang ang mga luha ay nag uunahan sa pag patak.

"Mahal na mahal kita, Sashi. Sana mahintay mo pa ako. Dahil babalikan pa kita kapag successful na ako. Once naging successful na ako kaya na kitang buhayin sa pamamagitan ng pagsisikap ko sa trabaho. Kaya ko ng bilhin lahat ng gusto mo at marami pang iba. Hintayin mo lang ako mahal, pangako babalik ako sayo."

"Mahal na mahal din kita, Jax. I promised I will wait for you."

Iyon ang last naming pag-uusap bago na siyang tuluyan na maalam. Lahat ng alaala naming dalawa ay bumabalik sa aking isipan. Masaya o malungkot ay inaalala ko at sabay na iiyak at tatawa sa isang sulok.

Nasasaktan ako dahil may isa na namang tao na aalis sa buhay ko. Maraming katanungan ang gumugulo sa aking isipan. Paano kung sa kaniyang pag alis ay makahanap siya ng panibagong mamahalin? Paano ako na naghihintay dito? Takot ako na baka ang lalaking mahal ko ay may makilalang iba at makalimutan ako.

Ngunit kalaunan ay ipinagsawalang bahala ko na lamang ito dahil may tiwala ako sa kung ano yung ipinangako niya. Kilalang kilala ko na si Jax, alam kong may isang salita lamang ito. Kapag sinabi niyang gagawin niya ay gagawin niya talaga ito.

To be continueee....


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Finally Got You (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon