Chapter Three

457 26 5
                                    



September 2024.



"Aubrey!" Malakas na pag tawag ni kuya na para siyang fire truck siren. "Ano ba! Mala-late ka na! Napakakupad mo talaga!" Dugtong na sigaw niya mula sa ibaba ng bahay. Agang-aga tuloy ay napasimangot ako habang inaayos ang kumot at unan na ginamit ko sa pag tulog. Kaagad din akong bumaba dahil kapag tumawag pa siya ng isa ay siguradong sermon ang magiging almusal ko.

"Here I am! I'm going down in the ladder." Sagot ko habang pababa na ng hagdan.

Nakarating ako sa dining table na nandito mismo sa kusina. Naabutan ko silang dalawa ni kuya Bano na nag a-almusal. "Ikaw naman, Urbano, pagkatapos mong kumain, matuto kang mag hugas ng mga pinggan mo." Sita ni kuya Sese kay kuya Bano bago siya tumayo at nag toothbrush. Si kuya Ulysses o Sese ay eldest brother namin at tumatayong magulang namin sa ngayon. Nasa ibang bansa kasi si Mama para mag trabaho. Si Papa naman ay kinuha na sa amin ni Papa God. Isang chef sa isang restaurant sa kabilang bayan si kuya Sese. Si kuya Bano naman ay tambay dahil tamad itong mag aral. Mas gusto pa niyang mag audition sa kung anu-anong talent search dahil pangarap niyang maging artista. If I know, gusto lang niya talagang pagkaguluhan ng mga babae.

"Oo nga naman, kuya Bano. I'm always wash the dishes so you too come along." Sagot ko saka naghilamos at nagmumog bago dumulog sa hapag.

"Kailan mo ba ako titigilan ng 'Bano' na 'yan huh, Aubrey? My name is Urbano not Bano! Ginagawa mo akong abnormal n'yan, eh." Nagrereklamo niyang sabi saka itinaas ang isang paa niya sa inuupuan at prenteng muling bumalik sa pag kain.

"Hindi ba kuya?" Pang a-asar ko sa kanya saka ako naupo sa katapat na upuan.

"Eh kung ubusan kita ng almusal ngayon?" Sarcastic niyang pananakot sa akin.

"Heto naman. I'm just joking." Sagot ko saka kumuha ng pandesal at isinubo ito. Nag timpla na rin ako ng gatas at kumuha ng itlog at hotdog na siyang almusal namin ngayon. Napansin ko na wala si kuya Uri. Siguro ay maaga itong nag punta ng gym. Isa naman siyang gym instructor.

"Bilisan mong kumain dyan, Bano at..."

"Urbano!" Angil na sagot ni kuya Bano kay kuya Sese.

"Urbano na kung Urbano. Bano ka pa rin naman kahit anong itawag sayo." Muntik ko ng maibuga ang laman ng bibig ko dahil sa isinagot na iyon ni kuya Sese. Pang-asar din talaga! Lalo naman akong natawa sa itsura ngayon ni kuya Bano. "Pagkatapos mo dyan, i-tsek mo ang pickup. Ikaw ang maghahatid kay Aubrey ngayon." Utos pa niya saka lumabas ng kitchen para siguro magpalit ng uniform niya sa trabaho.

Naiwan kaming dalawa ni kuya Bano sa kusina habang patuloy sa pag kain.

"Kuya, Ur-Ur, si ate pala?" Tanong ko ng maalala si ate Jem. Hindi pa siya bumababa sa room niya. Nag aalala ako na baka maubos na ni kuya Bano 'tong almusal. Lakas pa naman nitong lumamon.

"Brother of tinapa ka talaga, Aubrey! Wina-walangya mo talaga ang pangalan ko, ah!" Busangot ang mukha na sagot niya kaya lalo ko siyang inasar.

"So, sino 'yung tinapa?" Pangungulit ko na sarcastic niyang sinagot.

"Sige, ako na rin! Ako na lahat!" Sagot niya saka padabog na tumayo na ikina-tawa ko ng malakas. Inambaan pa niya ako ng suntok bago maglinis ng pinagkainan namin.



"Nakaalis na ba ang, ate?" Tanong ko matapos tumayo para mag toothbrush.

"Oo, nag commute na lang siya. Marami raw gagawin sa school niyo." Sagot ni kuya Bano habang naglilinis ng mga pinggan.

"Gano'n talaga kapag officer, kuya." Maikling sagot ko saka ipinagpatuloy ang pag too-toothbrush.

"Eh ikaw? Ayos ba naman ang pagiging assistant librarian mo? Baka may nambu-bully sayo huh, sabihin mo kaagad sa akin." Tanong niya na ikina-ngiti ko. Napaka protective talaga ng mga big bro's ko sa amin ni ate.

Beauty And The Beast (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon