The Past of a Bratinella

637 20 8
                                    

The Past of a Bratinella
Olivia Concepcion

Taas noo akong naglakad papasok sa classroom ko, marami ang nakatigin saakin pero inirapan ko lang sila. As if I care? I'm sure naiinggit at nahuhumaling lang sila saakin! Sino ba ang hindi maiingit sa ganda at ka-sexy-han ko? Kahit nga salamin, naiingit saakin eh!

"You're late again, Ms. Concepcion. Gusto mo bang i-FA na kita?" Mataray na sabi ng professor ko sa economics. Tinaasan ko lang siya ng kilay atsaka ako umupo sa aking upuan.

Nakaupo ako sa sulok, katabi ng bintana. At dahil wala naman talaga akong pakielam sa class ko na ito ay nag-earphones na lang ako.

Nakatingin ako sa labas habang nakikinig ng music sa earphones ko.

Now Playing : Back to December by Taylor Swift

♪ I'm so glad, You made time to see me. How's life? Tell me how's your family.. I haven't seen them in a while

Kamusta ka na kaya? Kamusta na kaya ang kapatid niyang si Queenie? Musta na kaya si Tita at Tito?

Flashback

"Waaah, Bryan! Ayaw ko! Wag mo nga kong hilahin, dito na lang ako sa car. Nakakahiya sa Family mo!" Hinihila kasi ako ni Bryan eh! Nandito kami sa loob ng kotse, Nasa bahay niya kami at ipakikilala niya ako.

"Eh. Arte mo! Di wag." Tumahimik siya at umupo na lang.

Napa-pout ako. Hala, nagselos siya!

"Bryan ko... wag na tampo~ Sige na nga mahal ko, sasama na 'ko sayo!" Sabi ko at hinalikan siya sa cheeks.

First year college pa lang ako noon pero talando na ako. Tatlong taon na kami, oo na! Grade 10 pa lang kumekerengkeng na ako! Pero the heart wants what it wants nga daw diba? Ayie!

Si Caleb Bryan Joaquin ang boyfriend slash best friend slash ka-forever ko. Landi! Matagal na kami pero hindi padin nawawala yung spark na meron kami noong dati pa lang.

"Oo na nga, baby ko! Tara na!" Sabi niya, pinagbuksan niya ako ng pinto at lumabas na ako.

Pagpasok ko sa bahay nila, pinagmasdan ko yung mga naka-display sa kanilang "wall of achievements." Nandoon yung trophies nung daddy niya noong sumasali siya sa international math competition, chess and other academic stuff niya noon. Sa mommy naman niya, may pictures siya kung saan iba't ibang celebrities ang bumili sa mga paintings niya. At sa little sister naman niya ay trophies niya sa pagsali niya sa mga hip-hop competition. At syempre, hindi papatalo ang boyfie ko, meron naman siyang awards like honorable mentions and best in science pero never sa best in deportment... charot!

Nakaka-amaze naman ang family ni Bryan! Lahat sila may sari-sariling achievements. Ang swerte ko talaga sakanya.

Pumunta na kaming dalawa sa dining room, kakain daw kasi kami ng lunch at hinihintay na lang namin yung family niya na makauwi galing work, at si Queenie nag-aayos pa ata sa room niya. Nag-order lang kasi sila ng food for lunch, hindi na sila nag-home cook.

"Waah! Ikaw po ba si Olivia?" Napatingin ako sa babaeng sumisigaw. Kumikinang ang mata niya habang tinititigan ako.

Hala! Ang cute! Kamukhang kamukha din ng love ko 'tong kapatid niya ah! Kaso mukhang mas cheerful and lively 'tong lil sis niya hihi.

"Hinaan mo naman boses mo, Queenie! Maririnig ka na niyan sa ibang continent!" Pang-asar ni Bryan. Nag-pout lang si Queenie. Cute!

A Collection of One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon