Chapter 2
Adrianne POV
Katatapos lang ng Practice sa Basketball. Kaya naisipan kong pumunta sa Cafeteria. Kaso baka pag kaguluhan nananaman ako dun kaya wag nalang.
Triny kong pumunta sa Hallway kaso may nakita akong babaeng ngaun ko lang nakita sa School. At para matitigan ko sya binunggo ko sya.
Kaso dahil dun sa ginawa ko sa Clinic ang bagsak ko. Paano ba naman kasi binato ako ng libro ng babaeng yun.
Kaya eto para kong tangang nag hahawak ng yelo sa ulo ko. Tss. Bwisit papatayin ko talaga yung babaeng yun kapag nakita ko sya ulit.
Kanina ko pa napapansin na kanina pa nag papacute ang Nurse dito. May katandaan narin sya. Tss. Kadiri!
"Ok kana ba baby boy?" Tanong nurse sa akin.
"Tss." Yan lang ang nasagot ko sa kanya.
Ayoko makipag usap sa mga taong ayaw ko. Tss.
"Oh! Bad boy! You know I love bad boys, like you" Sabi nung matandang nurse sa akin.
Tinarayan ko lang sya.Yuck! Hindi ba sya nandidiri sa mga pinag sasasabi nya?
Napansin kong palapit sya ng palapit sa akin.. Huhu! Lord bata po ako. Ilayo nyo ko sa Tukso!
Tumayo ako sa kamang inuupuan ko. At patuloy parin ang paglapit sa akin. Habang ako humahakbang patalikod.
*Hakbang*
*Antras*
*Hakbang*
*Atras*
*hakbang*
*Atra.......*
Uh-oh
Wala na kong pag aatrasan pa.
"Baby boy!? Come to Mama." Pangaakit nya sa akin. Eww!
Kadiri sya kulubot kulubot na nga... Lumalandi pa!
"Wag kang lalapit sa akin Tanda!" Banta ko sa kanya.
Pero ayaw nyang makinig. Patuloy parin ang hakbang nya.
Inikot ko ang mata ko. Para makatakas ako dito. Nakakita ako ng way na pwede akong makatakas.
Binato ko ang unan sa kanya. Sabay takbo palabas.
"Baby Boy!" Rinig ko habang tumatakbo ako..
Phew!
Muntikan na kong magahasa doon ah! Akala ko mawawala na ang Virginity ko. Pwe!
Kasalanan to ng babaeng to ee. Edi sana wala ako sa Clinic at sana nag papahinga ako ngaun.. Grrrrr!
Humanda ka talaga sa akin babae ka!!!! Kahit di kita kilala.... Kikilalanin kita!
Pero bago ang lahat ako si Adrianne Shin, 18 years old. Varsity ako ng School at Captain ng Basketball. Bale tito ko ang may ari ng school na to. Wala kasi syang anak kaya gusto nya pag igihan ko daw ang pag aaral ko. Dahil sa akin nya daw ipapamana tong school na to.
By the way ang name pala ng School nato ay 'Shin Heinz University' Shin is from our Last name ang Heinz is from my Tito's name. Oh diba ang Cool?
*Kring* *Kring*
Next subject... Academics...
Tss. My hate subject ever! Kaya di muna ako papasok. Mas mabuti pang tumambay sa Secret garden ko.
Hindi ako gumawa ng secret garden ko dun. Kasi nakita ko lang yun na Malinis, Mahangin at mabango kaya doon na ko laging tumatambay.
*Garden*
Nakahiga ako ngaun dito.Nang biglang may tumawag sa pangalan ko.
"Adrianny!!!" Tawag nya sa pangalan ko.
Haist! Lagi nalang binababoy ang pangalan ko.
Kaya lumabas ako sa Secret garden ko.
"Problema mo harry?"Pagmamaktol ko.
Sya si Harry Reid. Kaibigan ko since High School palang. Ka batch at ka team mates ko sya sa Basketball.
"Oh? Bakit may bukol ka?" Tanong nya. Lumapit sya sa akin at susubukang hawakan kaso napigilan ni ko.
"Pag eto hinawakan mo! Mag kakamatayan tayo!!!
"Hehe. Joke lang" Nag peace sign syA. At lumayo ng konti.
"Ano ba pinunta mo dito?"
"Tawag ka ni Couch! Importante daw ee." Sabi nya.
"Huh? Bakit daw?"
"Hindi sinabi ee"
"Galit?"
"Huh? Si couch magagalit sayo? Kailan ba nangyari yun?" Sabi nya. Oo nga naman.. Ni minsan hindi ako pinagalitan ni Couch. Hehe. Sana pag patuloy nya lang yun. ^_^