''Sino ang gusto mong kontrolin?'' Tanong ng babae kay Chane. Kabado parin siya at hindi parin buo ang kanyang loob hanggang sa mga sandaling iyon. Nagtatalo parin ang isip niya kung itutuloy niya ito o hindi. Iniisip kasi niya ang payo sa kanya ng kaibigan niyang si Hope. Hindi nito aprobado ang pagpunta niya rito. Aniya ay kasalanan raw ang pumunta dito dahil para na rin daw niyang kinalaban ang Panginoon kapag pumunta siya rito. Pero gusto parin niyang ituloy. Ito lang kasi ang naiisip niyang paraan para mahalin siya ni Waren, ang bestfriend niya na kahit kailan ay hindi siya tinignan ng higit pa sa kaibigan.''Chane.'' Ngumiti ang babae sa kanya. ''Chane S. Valdecania.'' Anito habang nakatingin sa ID niya.
Bigla siyang pinangilabutan. Pakiramdam kasi niya ay sinusuyod ng babaeng iyon ang pagkatao niya habang binibigkas nito ang pangalan niya. Pakiramdam niya ay hindi naman nito binasa ang pangalan niya mula doon, kundi ay sinusuri lamang siya nito mula ulo hanggang paa.
''Hindi naman kami namimilit rito. Kung hindi pa buo ang loob mo, huwag ka na munang magparehistro.'' Ngumiti sa kanya ang babae, pero may kakaiba siyang pakiramdam sa ngiti nito. Ang malalim nitong mata ay tila nangungusap sa kanya.
''Hindi po. Papa-rehistro na ako.'' Aniya.
''Sigurado ka ba?'' Tanong ng babae.
Tumango siya. Kasunod noon ay ang pag abot sa kanya ng babae ng isang form. Mabilis niyang finill up-an iyon at pinirmahan. Ni hindi niya binasa ang nakasulat na terms and conditions.
''Magkano ang bayad?'' Tanong niya.
''Fifty thousand bawat tao, bawat taon.'' Ani ng babae.
''Ho? Fifty thousand? Tapos isang taon lang 'yon? Akala ko, once na registered kana, wala ng limit?''
''One million, kung gusto mo ng unlimited. Kahit ilang tao, kahit ilang taon.'' Nakangiting wika ng babae.
Isang milyon? Saan siya kukuha ng ganon kalaking halaga? At sino namang gagastos ng isang milyon para lang ma-kontrol ng walang katapusan ang mga taong gusto nilang kontrolin? Siguro ay wala siya sa lugar para magtanong. Siya nga ay narito ngayon dahil pinatulan niya ang ideya.
''Pwede po bang installment?'' Aniya. Sa ngayon ay wala kasi siyang fifty thousand para ibayad sa babaeng kaharap niya. Masyado iyong malaki para sa kanya na nagta-trabaho lang sa Opisina bilang sekretarya. Idagdag pa ang katotohanan na siya ang bumubuhay sa kanilang pamilya at pinapaaral pa niya ang dalawang nakababatang kapatid.
''Pwede naman. Pero atleast 10% dapat ang down payment.'' Sagot ng babae. 10% ng P50,00 ibig sabihin ay P5,000 ang kakailanganin niya. Aabot kaya sa ganoong halaga ang perang nasa bulsa niya?
''Sige, paki fill up-an nalang ito. Kailangan mong isulat diyan ang pangalan ng taong gusto mong kontrolin.''
Bago pa siya makaalma ay binigay na ng babae ang form sa kanya. Kaya wala na siyang nagawa kundi fill up-an ito. Sinulat niya sa pinakataas ang pangalan ni Waren tapos ay sinagot niya ang iilang tanong doon.
How many hours in a day would you want to take control of him?
- 13 to 24 hours
- 12 hours or lessAt what time of the day would you like to take control of him?
- Any time
- Specific time: Specify___What aspect would you want to take control of him?
- Intellectual
- Physical
- Emotional
- Spiritual
- AllMariin siyang napapikit habang binabasa ang huling tanong. Kinikilabutan siya kapag nababasa niya ang salitang control. Parang ang sama ng dating ng salitang iyon sa kanya. Ngunit hindi rin niya maintindihan kung bakit hindi pa siya umaatras gayong ayaw na niya itong ituloy.
What weapon would you want to use to control him?
________________________Bracelet ang naisip niyang isulat sa huling tanong. Mas madali kasi iyong dalhin, hindi nila pagdududahan at hindi pa niya makakalimutan. Matapos fill up-an ang huling form ay pumirma ulit siya sa isang contrata. Hindi na niya binasa ang laman nito dahil gusto na niyang umuwi. Nagbayad siya ng down payment sa babae pagkatapos noon. Saka na ibinigay ng babae ang itim na bracelet sa kanya. Anito ay maari na raw niya itong gamitin dahil activated na raw agad iyon. Ganoon kabilis ang teknolohiya doon.
Daig pa ni Chane ang lantang gulay nang umuwi ito sa kanila. Sa isang iglap kasi ay nawala ang natitirang 5,000 sa bulsa niya. Ngayon ay wala na siyang pera bukod sa pamasahe. Malayo pa siya sa gate ay tanaw na niya si Waren. Nakangiti ito sa kanya.
''Saan ka galing, Boss?'' Tanong nito.
'Kung alam mo lang! Nawalan ako ng five thousand dahil sa'yo!' Gusto niya itong isigaw sa kanya ngunit wala siyang lakas ng loob.
''Bago 'yang bracelet natin ah.'' Puna pa ng kanyang mahal na best friend habang nakatingin sa kamay niya.
''A-ah, e-eto? Wala. Nabili ko lang doon sa bangketa. Mura kasi.''
Tinaasan siya ng kilay ni Waren. ''Kailan ka pa nahilig sa murang bracelet, ha? Anyway. Akala mo, ikaw lang ang meron ah.'' Tinaas nito ang kanyang kamay at pinagmalaki ang bracelet na nakasuot rin sa pulso niya. Kulay luntian ito at halos kapareho ng disenyo nung kanya.
''S-saan mo naman nakuha 'yan?'' Nauutal niyang tanong.
''May nagbigay lang sakin. Swerte raw. Kinuha ko na, e mapilit 'yung ale.'' Kibit balikat nito.
Napaisip siya. Paanong nagkaroon rin ang kaibigan niya ng ganong purselas? At sinong ale kaya ang tinutukoy nito? Parte kaya ito ng control system ng kumpanyang pinuntahan niya kanina lang? Pero paano niya iyon malalaman? Anong gagawin niya sa bracelet niya? Paano niya mako-kontrol si Waren?
''Ayos ka lang, Chane? Bakit bigla kang natahimik diyan?''
''A-ah, oo. M-may iniisip lang ako.'' Ikaw. Sana isipin mo rin ako.
''Chane.'' Seryosong tawag ni Waren sa kanya.
''O?'' Biglang bumilis ang tibok na puso niya. Ito na ba iyon? Nag uumpisa na bang maapektuhan si Waren sa kanya?
Umiling ito. ''Wala. Weird, kasi for a moment.. Wala, kalimutan mo na 'yon.''
For a moment? Anong nangyari? Nawala agad 'yung bisa? Bakit ang bilis naman? Tanong niya sa sarili.
''S-sige. Sabi mo e.'' Sagot niya.
Then she started concentarting in her mind. 'Waren, look me in the eye.'
At nagulat siya kasi tinignan nga siya ni Waren sa mata. For a moment, naramdaman niya na mahal siya nito. Sa unang pagkakataon, tinignan siya nito ng higit pa sa kaibigan.
'Look down on my lips.' Isip niya ulit. At tumingin ulit si Waren sa labi niya. Ngunit pagkatapos ng sandali ay umiling ito. ''Nababaliw na yata ako.''
''Bakit?'' Kumunot ang noo niya.
''Wala. Sira lang siguro ang function ng utak ko ngayon. Sige, Boss. Pasok na ako sa amin.'' Aniya at tumalikod ito sa kanya.
'Look back.' Naisip niya at lumundag ang puso niya nang lumingon nga ito sa kanya. Alangan siyang ngumiti. Habang si Waren ay seryoso lang na nakatingin sa kanya. 'Smile at me.' Utos niya ulit and he smiled. His smile is so genuine that she got carried away.
Nang tanawin ulit niya ito ay umiiling na itong pumasok sa kanila.
'Make your mind audible to me.' Utos muli ni Chane.
And so she heard his voice. ''Hindi pwede 'to. Bumabalik yata feelings ko kay Chane.''
Napahawak siya sa naghuhuramentado niyang dibdib nang marinig niya iyon. Lumingon siya sa bahay nila Waren upang makakuha ng anumang bakas nito. She saw him close his window in his room. Ni hindi ito lumingon doon.
''Sorry, Chane pero kailangan kitang iwasan ulit.''
BINABASA MO ANG
God Reigns
RandomGod Reigns Even in the world where everyone can be taken in control, still, it is only God that reigns. God's love will always remain dominant and unchanged.