"Anak! Hali ka—" Napahinto si mama ng makita ako na hindi pa nakabihis. "Bakit hindi ka pa nakapagbihis?"
"Ma, nakalimutan ko kasing gawin 'yong homework ko, pwedeng ikaw nalang muna ang pupunta sa bahay ni tita," paliwanag ko sa kanya.
"Mamaya nalang 'yan," sabi niya sa akin.
"Pero ma, bukas na 'to ipa-pass at madami pa ito," ani ko.
"Anak, sige na para sa akin." Nagpuppy eyes naman ito dahilan para mapabuga nalang ako ng hangin.
"Hindi ako magtatagal doon," walang gana kong sabi sa kanya.
Napangiti naman siya, "Sige hihintayin nalang kita sa labas."
•••
Medyo kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit.
"Ma, bakit pala tayo pupunta doon?" tanong ko sa kanya.
Para siyang natigilan sa tanong ko. Nasa back seat ako habang siya ay nasa driver seat.
"Malalaman mo rin," sabi niya.
Hindi nalang ako nagtanong ulit at tumingin nalang sa bintana.
•••
Ng makapasok na kami sa bahay ni tita ay agad niya ako sinalubong ng yakap.
"Oh my! Leigh! Akala ko hindi ka na dadating!"
"Hi po, tita," mahinahon kong pagbati sa kanya. Kumalas na siya sa pagkakayakap at nginitian ako.
"Ang ganda mo pa rin. Sa tuwing nakikita kita, naalala ko 'yong mama mo nung bata pa siya," nakangiti niyang sabi sa akin.
Napatingin ako sa paligid, "Hindi pa rin po ba lumalabas si Zayn?"
"Hindi pa rin eh." 10 years na ang nakalipas ngunit hindi pa rin siya lumalabas sa kwarto niya.
Binibigyan lang siya ng pagkain ng mama niya.
"Subukan mong kausapin siya, Leigh," sabi ni mama.
"Bakit ako?"
"Nung huli mong kausap siya. Diba, lumabas siya ng kwarto? Baka lumabas na naman siya ulit ngayon. Hindi ko alam pero sa'yo lang siya nakikinig," sabi sa akin ni mama.
Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit hindi siya lumalabas sa kwarto niya.
Napabuntong hininga ako at pumunta sa itaas. Kumatok ako sa kwarto niya ngunit walang sumasagot parang walang tao.
"Zayn, ako 'to si Leigh." Hindi ko na alam kung ano ang mukha niya. 10 years na rin hindi kami nagkikita.
Last kung kita sa kanya noong 5 years old pa lamang ako.
"L-leigh, you're back." Napahinto ako ng marinig ko ang boses niya. He has a wonderful voice.
"Bakit hindi ka lumalabas ng kwarto mo?" tanong ko sa kanya.
"I-i'm scared." Nangunot ang noo ko. "Pagtatawanan lang nila ako. Kapag nakita nila ako. Ayaw kong tumitingin sila sa akin. I only want you to look at me."

BINABASA MO ANG
Red Lips (One Shot)
Romantik(One Shot) Nataleigh Reyes 15 year old. A girl who doesn't care about love. Sa sobrang manhid niya, hindi niya napansin na may lalaki palang nagkakagusto sa kanya. Naging baliw ang lalaki dahil sa kanya. He was afraid that Leigh will find another g...