Chapter 1

17 0 0
                                    

Harold's POV

Ako si Harold Pelimo isang simpleng binata noon, laki sa hirap pero hindi naman sobrang hirap tama lang na nakakakain pa naman ng tatlong beses sa isang araw. Nagmahal ako akala ko okay na kaso naduwag ako, natakot hindi pa siguro ako ganun kahanda pero kung may isang bagay man akong pinagsisisihan ay yung sinaktan ko ng sobra ung taong mahal ko at minahal lang din naman ako pero sabi nga nila nasa huli ang pagsisisi. Ito ang aming storya ng babaeng minahal ko noon, minamahal ko ngayon at mamahalin pa sa hinaharap.

*****

Year 2000

Third year high school ako nun nung una kong makilala si Janine humanga ako sa kanya matalino siya, masipag kahit na hindi siya yung tipo na pang diyosa talaga yung kagandahan o pwede mong isali sa mga pang Miss Universe pero masasabi mo din naman na may ganda siya simpleng ganda pero ang nagustuhan ko sa kanya ang pagiging matapang, mabait at matulungin niya sa kapwa panu ko nalaman kasi simula nung maging crush ko siya iniistalk ko na siya.

JS Prom namin nun naglakas ako nang loob na lapitan at ayain siyang sumayaw at sa wakas sa loob ng limang buwang pag iistalk ko sa kanya nagkalakas na din ako ng loob na lapitan siya.

A-ahm Janine p-pwe-de ba k-kitang mas-say-aw.nauutal ko pang sabi, eh sa kinakabahan kasi ako first time ko lang kasi lumapit sa crush ko.

Hanggang tingin lang ako sa kanila dati. Pero di ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na lumapit at ayain ang kamay niya. Nakayuko lang ako habang hinihintay ang sagot niya nahihiya kasi ako pero mas natatakot akong mareject hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin bahala na nga.

Sige. sabi niya at inabot yung kamay ko,napakurap kurap ako teka hindi ba ako nananaginip kurutin ko kaya sarili ko ay wag na pala baka magising pa ako susulitin ko na tong magandang panaginip na ito.

Dumating kami dun sa may gitna sa dance floor hinawakan ko siya sa kamay shete ka ang lambot ng kamay niya.

Alam kong pang gay  pero sh!t talagang kinikilig ako nagsimula na kaming sumayaw tahimik lang siya at tahimik din ako tinitingnan ko yung iba na sumasayaw din hindi ako makatingin sa kanya ang lakas ng tibok ng puso ko para na akong aatakihin.

Anong pangalan mo? tanong niya na nagpalipat sa mata ko patingin sa kanya. Niyaya mo kasi ako sumayaw wala naman siguro masama kung tanungin ko ang pangalan ng taong nagyaya sakin di ba. sabi niya na nakatitig sakin.

H-Harold, Harold ang name ko. sabi ko.

Uhm ok Harold nice to meet you ako nga pala si Janine.

Yeah I know.

Ha?

Ah I mean Alam ko ang name mo na-narinig ko kasi kanina nung tinatawag na yung name ng mga students hehe. wow nice reason Harold.

A-ahm Janine pwede ba ako magtanong sayo?

Sure ano ba yun?

Ah k-kasi kung ok lang b-ba sayo na ano ahm.. p-pwede ka bang maging k-kaibigan?

Of course bakit naman hindi.

T-talaga? pagtatanong ko hindi pa rin ako makapaniwala

Yes, talagang-talaga.

Sa sobrang tuwa ko nayakap ko siya hindi ko na napigilan pa.

Thank you, thank you talaga.

Ah hehe Harold...

Uhm?

Ah k-kasi h-hindi ako makahinga eh.

Oops sorry! nahihiya kong sabi napayuko na lang ako sa kakapalan ng mukha ko, sinilip ko siya wait parang namumula siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Foolish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon