"Wren Iris Kleo To- ay shuta ang haba! Kleo!!!" ang unang bagay na narinig ko pagkabukas ng pinto. Partida awang lang iyon ng kaunti ha, itong bunganga ng pinsan ko walang preno. Kaya sa susunod na may magreklamo na kesyo maingay daw kami, hindi na talaga ako magtataka.
"Ano na naman ba?!" pasinghal kong tanong habang itinatabi ang sapatos ko sa may rack section malapit sa pinto. Malamang diba? "Ang gulo gulo mo, mamaya mareklamo na tayo ng tulu-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kasi may nakita akong lalaki na nakaupo dun sa kabilang dulo ng sala.
Ginagawa nito dito?
"Hey Kleo!" Bati nito sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay habang naglalakad papalapit sa kanila. Naglalaro sila ni Hannah ng ML tapos nakaproject pa sa TV. Proud pa ata sila sa score nila e.
Nakatayo lang ako roon hanggang sa matapos yung game. Puro sigaw at hampas ang ginagawa ni insan kada mapapatay siya. Ayan, sige, one on one pa kayo ha.
"Madaya ka!!"
"Walang madaya doon, sadyang hindi ka lang marunong." Pagmamalaki ni Hendrix sabay irap. Ayy? Medyo makapal rin pala ang mukha ng depungal na to hano? Trashtalkan daw ba.
"Marunong ako boba!"
"Nga pala.." Pagpuputol ko para matigil na sila sa pag aaway, mamaya na nila ituloy pagkatapos nung tanong ko. I crossed my arms before raising an eyebrow to him. Napapadalas kasi e, baka lang naman nakalimutan niya na na hindi siya taga rito. "At ano naman ang ginagawa mo dito Hendrix Owen Lewis? Napapadalas ata pag tambay mo dito sa Condo namin?" Sige magsinungaling ka at bibigwasan kita bente.
"Ha? Bakit masama ba?" Nag iwas siya ng tingin at tinitigan nalang pansamantala ang pinsan ko. Tsk!
"Talaga lang ha?" Tas nag smirk ako sabay pa-simpleng tinignan si Hannah. Akala niya ha, akala niya lang yon!
Hindi naman na siya nagsalita kaya tumigil na rin ako. Mahirap na, baka maibulgar ko ang dapat ay ako lang ang nakakaalam. Shungaers din kasi ang mga kaibigan ko minsan so, hindi ko rin alam kung alam nila yung alam ko. Gets?
"Nasaan pala sila Maz at si Fur?" Halos masamid samid si Hendrix sa tubig na iniinom niya. Luh? May sinabi ba akong mali? Wala naman diba?
"Gaga!! Fleur yon, hindi Fur!" Sita ni Hannah sa akin. Yun lang? E bat ba? Gusto ko Fur nangingialam sila?
"O, edi nasaan na lang si Railene at Mazu??"
"Baka siguro nasa bahay nila?" Sabat ni Hendrix. Aba sabatero ang isang to' ah. Porket kababata niya si Maz gumaganon? Kung isumbong ko kaya to'? Gusto ko bigla makapanood ng live sabunutan e.
"May gagawin daw sila. Bukas nalang natin kitain sa school." Sabi ulit ni Hannah na nagliligpit na ng pinagkainan nila ng chocolates. Nakakapagtaka lang kasi na wala sila. Madalas din kasi yung mga yon dito, daig pa dito nakatira. Mga slapsoil lang ang peg, ganon.
Ay! Nga pala, bago ko makalimutan. Pakilala ko muna ang Tangaers Squad.
Si Hannah Brynlee Manansala ay pinsan ko, nakilala ko siya around 6 years old palang ako at hindi na kami napag hiwalay pagkatapos non. Bully yan promise, walang halong biro, puro legit lang. Parang magkamukha na nga kami, tas mukha akong ate kasi mas matangkad ako sa kanya, shhh lang kayo, ayoko pa masako.

YOU ARE READING
Broken Promise
أدب المراهقينWren Iris Kleo Torres, ang babaeng may kasabihang; "Maglalandi tayo pero study first pa rin. No to crush kasi walang forever." A/n: Diko knows ang specific dates ng update pero sisipagin kong madalas siya hahahaha.