Kabanata 2

32 32 0
                                    


Umupo ako sa isang hammock at nagmuni muni. Napatingin ako sa mga magbabarkadang nagtatawanan sa may bonfire. Ganyan ba talaga kasaya kapag may barkada o kaibigan? Gusto ko ring maranasan iyon. Sana magkaroon din ako ng kahit isang kaibigang tunay para hindi lang ako nakaasa sa mga bituin. Pero kung wala talagang darating, okay lang.

Buti na lang at nandito ako sa may madilim na parte kaya walang nakakapansin sa akin.

Humiga ako sa hammock para makita ang view ng langit. Hindi naman natatakpan ng makakapal na dahon dito sa parte ko dahil nasa ilalim ako ng palm trees kaya malaya kong mapagmamasdan ang kalangitan.

Maya maya pa ay nakaramdam na ako ng antok dahil na rin siguro sa malamyos na hangin at hampas ng alon, I didn't know that living by the beach can be this calming.

Tatayo na sana ako kaso may narinig akong konting mga ungol. What the f*ck?! Seriously? Nandito pa naman ako sa may dulong parte ng mga nakahilerang hammocks. What if madaanan ko sila?

Okay, calm down. If ever na madaanan ko sila, i'll ignore it. But my curiosity cannot.
F*ck this life.

Ayaw ko pa sanang tumayo pero I cannot stand hearing their moans. So I have no choice. Tumayo na ako at nagsimulang maglakad ng tahimik para hindi ko sila maabala. What?! Seriously, self? Who cares if I interrupt them? Sh*t, I'm going crazy.

Nakita ko na ang silhouettes nila, kaya lumapit pa ako ng tahimik. Oh gosh! Kilala ko yung guy, si Brian! What the! Akala ko ba may asawa na ito, bakit nakikipaghalikan sa halos kaedad kong babae? Uhh, maybe they're teenage parents.

Binilisan ko pa lalo ang paglalakad pero sa hindi inaasahang pangyayari, nang nasa tapat na nila ako ay may natapakan akong tuyong dahon na lumikha ng ingay, kaya lakad takbo na ang ginawa ko at hindi ko na sila nilingon pa.

Hingal na hingal ako pagkarating ko sa hotel kaya umupo muna ako saglit. Nakaharap ako sa may entrance ng hotel, nakita kong tumatakbo rin at papalapit sa hotel si Brian kaya agad akong pumunta sa elevator. Pasarado na ang elevator nang makita ako ni Brian kaya humugot ako ng malalim na hininga. Nakahinga lang ako ng maluwag nang hindi niya ako naabutan.

Pagkatunog ng elevator ay tumakbo agad ako sa hotel room ko, nanginginig pa ang kamay ko na para bang may ginawa akong kasalanan kaya hindi ko maitype ng maayos ang password. Sh*t ano bang nangyayari sa akin? Mas lalo pa akong kinabahan at napatingin nang marinig ko ang tunog ng elevator at nakatayo roon si Brian. Kaya kinalma ko ang sarili at mabilisang tinype ang password.

"Wait!" sigaw ni Brian. Kasabay noon ay ang pagbukas ko ng aking pinto at sinarado agad.
Napaupo ako sa may likod ng pinto habang patuloy na kinakalma ang sarili. Nakarinig ako ng mga katok ngunit hindi ko ito binuksan.

Nagtungo ako sa bathroom upang maghilamos para naman mahimasmasan ako.

"Ano bang nangyayari sa 'yo? Bakit ganoon ka na lang makatakbo at kabahan? Wala kang ginawang masama pero bakit ganoon ka magreact?" pagkausap ko sa salamin habang sinasampal sampal ko ng mahina ang aking pisngi. Nang tuluyan na akong kumalma ay lumabas na ako sa banyo at nagtungo sa may terrace. Nagpahangin lang ako saglit at agad ding pumasok sa loob dahil malamig na. Pumunta na ako sa aking kama para matulog.

Hihiga pa lamang ako ay may biglang kumatok, baka si Brian iyon. Ayoko lumabas baka mamaya patayin niya ako kase nakita kong may kahalikan siya, paano pala kapag hindi iyon ang asawa niya. Tapos patayin niya ako para hindi ko maisumbong.

Kung ano ano ang iniisip ko hanggang sa makatulugan ko na ito. Naalimpungatan ako ng mga bandang alas sais na ng umaga kaya bumangon na ako, balak kong magpicture sa may beach para naman may maipost ulit ako sa insta. Naligo na ako at nagpalit, naka-croptop at high-waisted short ako. Nag-ayos muna ako ng sarili, nang makuntento na ako ay lumabas na ako.

The Stars Witnessed It AllWhere stories live. Discover now