Prologue

295 8 0
                                    

He's the bad boy. The classic gang leader.

Yun mayabang, akala mo kung sino, pero kinatitilian ng mga babae.

Yun lalaking laging nagbabar, naglalasing at naninigarilyo pa.

Yun sinasagot sagot yun mga teacher at kinatatanda sakanya na walang kaprobleproblema. Yun, yun yun.

Isang lalaking nangngangalan na Jaypee Montereal.

Wala syang pake kung babae ka man, matanda or bata, kung sagabal ka sa kanya o naaalibadbaran sya sa presensya mo, pag iinitan ka nya.

At ako, isang simpleng babae, nasa average ang katalinuhqn, mayaman, at most of all nananahimik ay napaginitan nya.

SBOOOGSH

Sa galit ko, hindi ko na natiis na masuntok sya. "What the fvck?!"

"Serves you right, as*hole. Sa susunod higit pa dyan ang gagawin ko pag hindi mo pa ako nilubayan. Naintindihan mo?!" hinilot ko yun kamao kong sinuntok sa kanya.

Naginit naman yun aura nya. "Pasalamat ka babae ka kung hindi paga na yan mukha mo."

Lumapit ako hanggan sa sobrang lapit na ng mga mukha namin, medyo nagulat pa nga sya eh.

Ngumiti pa ako ng nakakaloko bago magsalita. "Hindi mo naman kaya, bakla."

"Anong sabi mo??"

"Bingi ka pala eh." sabi ko at tumalikod na. Hindi pa ako nakakahakbang, hinila na nya yun braso ko kaya napalingon ako. Laking gulat ko ng maramdaman ko na lamang yun labi nya sa.. labi KO??!

"HMMMMMMM!" tinulak ko sya at sinutok na naman.

Hinawakan nya naman yun gilid ng labi nyang dumudugo at ngumisi. "Bakla pala ah."

What? Hinawakan ko yun labi ko. I can't believe it, I just can't! He stole my first kisss!!

"Hayop ka talaga!-" susuntukin ko na naman sya ng may biglang sumigaw.

"Ms. Bernal! To my office! Now!"

"Pero ma'am-"

"No buts! To the office!" tumalikod na sya at naglakad papunta sa opisina nya.

Napanganga nalang ako. Bakit? Why?? Porque? First time kong mapatawag sa principal office.

"Tawag ka, pumunta ka na. Baka mas lalo ka pang mapagalitan." sabi nya sa tabi ng tenga ko kaya nilingon ko sya.

Kinuyom ko yun kamao ko sa galit. Matagal ko na syang gustong bugbugin pero hindi pwede eh, sikat kasi sya, baka mapaginitan pa ako ng mga fans nya. Kaya nag tyatyaga nalang ako sa isa isang suntok. Pero ngayon, wala na akong pake kung sugurin man ako ng fans nya, hell! He stole my first kiss at first time pa akong mapapunta sa principal office!

"Ikaw ang may kas-"

"Ms. Bernal!!"

"YES MA'AM!"

Tumakbo na ako kay ma'am.

Nakikita ko pa syang ngumingisi mula sa malayo.

May araw ka rin sakin Montereal.

***

This story is all fictional. Wala pong katotohanan, bunga lang po sya ng kakaiba kong imahinasyon. Places, characters and scenes are from my imagination. Kung meron man pong scenes na kagaya sa mga ibang kwento or scenes na kagaya sa mga nangyari na sa movies, casual lang po yun. Wag nyo po sanang gayahin kase bad po yun hehe . Marami pong typos and grammar errors, pasensya na po. Paki tama nalang po :)

Happy reading to all :)

** slow updateee, mga siguro twice a month or once a week, who knows ;)

His Possessive Love

All right reserved

Giulss3

10-03-2015

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Possessive LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon