Prologue
"I don't like her. She's ugly!"
"Akala mo ba gusto ko rin kita? Asa."
"I have taste, dude. No way, I'm gonna like her!"
"Malabo rin namang patulan kita."
"Just look at her. Kababaeng tao, hindi man lang marunong mag-ayos."
"Mukha bang may pakialam ako sa opinyon mo?"
"Tignan mo, mas lalaki pa ata sa'kin kumilos 'yan. Tsk."
"Oh?"
"I hate her! She should go to hell. Damn it!"
"Hate ba talaga? Baka iba na?"
"What did you do to me, you witch?!"
"Malay ko sa'yo?"
"Y-you're not even pretty. Why would I l-like you?!"
"Mama mo."
Hindi ko siya gusto. Ayaw ko sa kaniya. At mas lalong galit ako sa kaniya!
Pero bakit 'yong dating lalaki niyang pormahan. Ang astig na tignan?
Ang tawa niyang nakakapikon. Bakit ang ganda na?
Bakit sa t'wing titingin siya sa iba, naiinis ako?
Bakit na-mimiss ko siya 'pag hindi ko siya nakikita?
At bakit mas lalong ayokong mapunta siya sa iba?
Kapag nangyari 'yon. Hindi ko lang siya itatali pansamantala sa tabi ko. Kung hindi ay itatali ko siya habang buhay.
Papakasalan ko siya para hindi na mapunta sa iba.