MECHANICS

173 27 6
                                    

FOLLOW TO FOLLOW

Ang mechanics ng seksiyong ito ay simple lamang. Ang kailangan niyo lamang gawin ay i-follow ang LAHAT na mga participants na nakalagay sa Official Angels Participants ng Follow to Follow. At ang maganda rito sa F to F, hindi limitado ang participants dito. Kaya kung umabot man sa 100 participants ang F to F, kailangan niyong i-follow 'yon lahat. Walang labis, walang kulang.

NOTE: Huwag na huwag lang kayo mag-follow ng isang username na hindi pa included sa Official Angels Participants. Dahil baka hindi pa nila nagagawa ang payments ng Book Club.

VOMMENTS TO VOMMENTS

Ang mechanics naman ng seksiyong ito, magbibigay ako ng task every week. But every task, I'll give you 14 days (2 weeks) to complete it. Compared to Follow to Follow section, ang Vomments to Vomments ay limitado lamang ang participants na makakasali rito. Paunahan sa pag-fill out ng form ang kailangan dito.

Ipapares ko ang dalawang miyembro kapag napuno na ang slot sa vomments to vomments. Hindi lang vomments to vomments ang mangyayari sa seksiyong ito kung 'yan ang iniisip niyo. Included din kayo sa Follow to Follow section kapag accepted kayo sa vomments to vomments. May feedback ang bawat miyembro sa binasa nilang akda ng kanilang kapares.

Ang feedback naman na dapat niyong gawin ay kung ano ba ang naging reaksyon niyo habang nagbabasa kayo ng akda ng kapares niyo. Kung may kamalian ba pagdating sa Writing Style ng kapares nito na kailangan nilang ayusin.

Note: Huwag niyo lang husgahan ang akda ng kapares niyo na pangit ito, walang potential sa pagsusulat, at hindi maganda. Please lang, huwag niyo namang hilahin pababa ang mga co-aspiring writers niyo. Lahat naman tayo ay gusto matuto, kaya sumasali tayo sa mga ganitong BC. Just cheer them up, Angels. Dahil kapag tinulungan mo ang iyong kapwa, balang araw siya rin ang tutulong sa 'yo pataas.

Hangad ko lang dito sa vomments to vomments ay may matutunan kayo sa bawat tasks na gagawin niyo. Ang puwede lang sumali dito sa Vomments to Vomments ay kapag may Chapter 3 pataas na ang story mo, 10K pababa ang Reads, at Tagalog o Taglish ang iyong story.

Ito lamang ang mechanics ng Follow to Follow at Vomments to Vomments.  Huwag niyong kalimutan ang mag-enjoy dito sa Angels Book Club, Angels. ❤

Kung may katanungan pa kayo tungkol sa mechanics ng bawat seksyon, just comment here=>>

Still interested? Just scroll/swipe to the next page for the Forms of each sections. 😊

Angel's Book Club (CLOSED)Where stories live. Discover now