Chapter 20

227 7 0
                                    

Dumaan ang ilang araw. Mas nanghina si Isaac. Hindi na rin siya basta-basta makalabas. Naririnig ko na lang sa labas ng room niya ang mahihina niyang daing kapag on going ang treatment niya.

May isang beses ko siyang napanood habang nag-aayos ng sarili. Nakita ko kung paano siya dahan-dahang magtoothbrush. Naalarma pa ako nang makita ang pagdurugo ng gums niya. Mabilis niya iyong binuhusan ng tubig kaya bumalik na ako sa kama niya.

Nakasuot na rin siya ng beanie, ayaw niyang ipakita sa akin ang halos nanlalagas niya ng mga buhok dahil sa pagch-chemo niya.

Sa kanila pa rin ako umuuwi. Medyo nahihiya na rin ako pero hindi ako hinayaan ni Tita Bella na umuwi sa apartment namin ni Bethany.

Nakausap ko na rin si Bethany tungkol dito. Nag iyakan pa kaming dalawa sa tawag. Hindi siya makapaniwala na ang nakikita niyang bebe ko na sumusundo sa akin noon, ay nakahiga na lang sa kama ngayon.

Hanggang ngayon, bebe ko pa rin ang tawag niya kay Isaac.

May isang beses kong narinig na nag uusap sila Isaac at ang mama niya.

"Can I go home, Ma?" Mahinang tanong nito.

"Isaac, alam mong hindi puwede." Inabot niya rito ang prutas.

Ngumuso ang anak. "Please? Ayokong igugol ang kaunti kong oras dito.."

"Isaac!" Suway nito sa kaniya. Maya-maya pa'y narinig ko na lang ang paghagulhol ng Ina.

"I don't want to die here, M-Ma.." basag na basag ang boses niya kaya natakpan ko ang bibig habang nanonood sa kanilang dalawa.

Kitang-kita ko ang panghihina ni Tita Bella at niyapos ang nag-iisang anak na ngayon ay lumuluha na rin.

Nagulat na lang ako nang isang umaga galing ako sa apartment namin ni Bethany. Minabuti ko munang umuwi habang tulog si Isaac. Pinayagan naman nila ako.

Nag aayos ng gamit sina Tita Bella at ang daddy niya. Naroon din si Isaghani. Mahimbing naman na natutulog si Isaac.

Nakita ako ni Tita Bella kaya agad siyang ngumiti. Bumulong muna siya sa asawa bago lumapit sa akin.

"Bakit po kayo nag-aayos ng gamit?" Ngumiti ako sa kaniya.

Her chest heaved. "Gusto niyang umuwi.."

"Po?" Ikinagulat ko na pinagbigyan nila ang gusto ni Isaac gayong isang araw ay ayaw niya itong payagan.

She looked at me. "Vivien, he's in the end stage of cancer."

Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya hanggang sa sabay kaming lumuha ng mama niya.

Ano nga ba ang nakakatakot sa katapusan?

Hindi ba't masaya tayo kapag tapos na ang hapon? Kapag tapos na ang klase? Kapag palubog na ang araw? Kapag tapos na tayong pagalitan ng ating mga magulang?

Kapag tapos na tayong masaktan mula sa mga taong hindi natin inaasahan.

Pero iba pala kapag sinabi sa 'yo na tapos na ang oras mo. Na hanggang dito ka na lang, na may limitasyon ka na. Hindi na puwede. Hindi na puwedeng humiling kahit isang araw.

Kahit isa lang.

Nagkaroon ng salo-salo kina Isaac nang makauwi kami. Nagulat pa ako na naroon ang mga kamag-anak niya at lalo akong nagulat nang mainit nila akong tinanggap.

Parehas kaming nakaupo habang nakatingin sa labas ng bahay nila. Ayaw niyang gamitin ang wheelchair. Nagmumukha raw siyang matanda roon.

Hinanap niya ang kamay ko kaya agad ko iyong inabot sa kaniya.

How To Save A Life (Life Series #1)Where stories live. Discover now