Chapter 7

898 36 0
                                    


Nakapalumbaba akong nakatingin sa lalaking nasa harapan ko na kanina pa kumakain ng leche flan. Napatingin ako sa orasan.

"Anong oras na, baka may balak kang umuwi." Napasandal ako sa kinauupuan ko. Maglilinis pa pala ako dito. Ang tagal naman kasi umalis nito.

"But I am already home." He said as he look intensely in my eyes. Nag-iwas ako ng tingin sa sinabi niya.

Tumayo ako ng hindi tumitingin sa kaniya. "Kung tapos ka na kumain, sisimulan ko na kasi ang maglinis dito para maka-uwi na ako." Inabot ko ang floor mop na malapit sa akin na kanina pa naka-ready.

"Stop." He said as he stood up. I frowned at him. Tinignan ko lang siya at inayos ko ang hawak sa floor mop.


"Ano na naman?" Inis kong tanong sa kaniya. Nagtaka naman ako ng mabilis niyang pinunasan ang bibig niya gamit ang tissue paper. Tinanggal niya ang pagka-tuck-in ng polo niya at tinanggal ang ilang butones sa itaas nito.


"A-anong ginagawa mo?" Natataranta kong tanong sa kaniya. Instead of answering me, he snatched the floor mop from my hand.

"Let me." Nagsimula na siyang mag-mop ng floor. Sinusundan ko lang ang galaw niya. What is he doing?


"Lucifer." I said in my warning tone, not hiding the tiredness in my voice. I wanna go home, I don't want to argue anymore with him for now. He stopped from what he's doing and he look at me.


"Rosangel." He sighed in defeat. Inabot niya ang kamay ko at hinila sa kinauupuan niya kanina. "For once, just listen to me. You sit here." Dahan-dahan niya akong pinaupo sa pwesto niya kanina. "Kalahati lang ang kinain ko." Nilapit niya sa akin ang plato niya. "Hati tayo. It's your favorite, right?" He asked genuinely as I felt his finger tucking some strands of hair behind my ear.


"Papakain mo sakin ang tira-tira mo?" Iniwas ko ang mukha ko sa kaniya. I look at him with no emotion in my face.


"Stupid. Why would I do that? Hati nga tayo diba?" Pagtataray niya sa akin as he fixing the plate and utensils in front of me. Di ko napigilang hampasin siya sa tinawag niya sa akin. Pabulong iyon pero rinig ko pa din.

I glared at him when our eyes met. "Don't call me stupid." May diin kong sabi sa kaniya.

"I'm not." Tinaasan niya ako ng kilay. "Magiging asawa ba kita kung stupid ka?"

"I heard you." Pinanliitan ko siya ng mata.

"I am referring your question. Ang stupid ng tanong mo. Not you." Napapikit na lang ako sa sagot niya. Ayoko na. Pakiramdam ko ang stupid ko nga talaga pag kausap ko siya.


Tatayo na sana ako ng bigla niyang hinarang sa harapan ko ang malapad niyang balikat. "Excuse me." I asked calmly.

"No, you're not excuse."

"Pero maglilinis pa ako."

"Ako na ang maglilinis." Disbelief is evident in my face when he said that. Napansin niya yata ang naging reaction ko. "Don't look at me like that. Just sit here and stay still. Panuorin mo na lang ako maglinis gaya ng lagi mong ginagawa dati."


Napalunok ako sa sinabi niya. Dati. I pressed my lips into a thin line. Realization hits me. What am I doing? Bakit ko ba siya pinapalapit sa akin? Hindi ako umalis tapos ganito lang din mangyayari? Eh di balewala din?

Hiding from LuciferWhere stories live. Discover now