Glasss POV
Kasalukuyan akong nasa loob ng opisina ko at malalim ang iniisip habang nakatalikod at nakatingin sa may glass window at malayang tinatanaw ang nag tataasang building mula sa ika tatlumpot palapag ng aking building, muli ko nanaman naalala ang mapapait na karanasan ko sa kamay ng iilang tao, sa mga tao na sa pag kakaalam ko ay wala naman akong naging kasalanan sa kanila para gawin nila ang bagay na iyon.
Bagkus naging mabait at masunurin pa nga ako eh, pero iba ang iginanti nila.
Pero kong iisipin, it was actually a blessing kasi dahil sa kanila din at sa mga ginawa nila sakin ay sinigurado kong aahon ako sa hirap upang makapag higante sa kanila.
Nasapo ko naman ang aking kamao at bahagyang namuo ang mga luha sa mata ko dahil sa naalala ko ang sakit at hirap na pinagdaanan ko sa kamay ng mga taong yun, hindi ko makakalimutan lahat ng yun lalo nat mag tamo ako ng mga buhay na pasa dahil sakanila.
Acutally kasalukoyan ko nang pinapahirapan ang isa sa nga taong nanakit sa akin noon...
Napatigil ako sa pag iisip ng biglang magsalita ang secritary ko.
"Sir remind lang po kita sa Upcoming meeting mo it will be in 15 minutes" ani ng secritary kong nakangiti, ngiting alam mong hindi totoo at pakitang tao lang.
Ewan ko ba mula ng mangyari yun mas naging mapanuri at makilatis na ako sa mga taong kikilalanin at kakaibiganin ko."I know about that, you don't have to remind me!" pasigaw kong sabi.
"At di kaba marunong kumatok huh?" iritado ko pang sabi.
"Ah Sir kumatok naman po ak--" sinusubukan nyang depensahan ang sarili nya pero pinutol ko naman agad ito.
"And you really have the audacity to reason out huh?" malakas na sabi ko dito, kita ko naman ang kaba sa mukha nya na ikinangiti ko."Actually di ko nga alam bat pa kita tinanggap dito eh wala ka namang silbi, dilaan mo kaya tong sapatos ko para kumintab para mag ka roon ka naman ng silbi" galit at nang iinsulto kong sabi.
Di naman ito nakapag salita sa huli kong tinuran dahil sa pagkabigla.
"Now get the hell out of my office kong wala ka nang sasabihin" bulyaw ko.
Agad naman itong umalis na parang maiiyak na.
Ang sarap sa feeling makita syang ganyan di na ako makapaghintay na magawa ko din ang ganun sa iba pa because I really like seing them like that, I like seing the terror on their faces.
Di naman ako ganito dati pero dahil sa mga taong walang magawa sa buhay kundi man trip ng walang kalaban laban palibhasa mga anak mayaman kaya kinakaya kaya ang kagaya ko dati kagaya kong wala namang nagawang masama sa kanila, pinaglaruan at dinurog nila ako, actually mapapalagpas ko pa kong ako lang eh pero dinamay nila si Mama ko kaya they have to pay for all of the things na nagawa nila sakin.
Sumilay ang mala demonyong ngiti sa labi ko, inisip ko palang kong ano gagawin sa kanila mapapangiti na ako.
Inayos ko na ang sarili ko bago pumuntang conference room.
Sinigurado kong walang gusot ang suot kong pink sleeves na may black print ng rosas sa may bandang chest part habang nakaharap ako sa malaking salamin sa office ko, di ko mapigilang mamangha sa laki ng pinag bago ko nagka laman na ako mejo may muscle kaunti, nag pa tattoo din ako sa may bandang leeg ko ng rosas na item at masasabi kong hot naman ako tignan, kaya nga mapa bakla at babae nag kakagusto sakin eh.Pagkatapos kong masigurado na okay na ako at handa ko nang harapin ang isa sa mga taong yumurak sa pagkato ko ay agad ko tinungo ang conference room kong saan gahanapin ang meeting dito sa sarili kong kompanya, ngayong araw na din malalaman ang desisyon ko kong tatanggapin ko ang proposal ng nasabing kameeting ko o hindi.
Masusi kong pina imbistigahan ang kompanyang nakikipag deal sakin at ayon sa informant ko ay ama ng isa sa mga taong nagpahirap at nang alipusta sakin noon.
*********
Kasalukuyan akong nasa isang bar ngayon at umiinom habang hinihithit ang isang mamahaling yose, nakakailang shot na ako ng whiskey pero para wala lang sakin di na tumatalab ang inumin sa katawan ko mejo tipsy ng unti pero di ganun kalakas ng tama ng alak sakin.Pagkatapos kong tunggain ang isang shot ng whiskey napalingon naman ako sa may bandang right side ko at isang tao ang nakita kong nakatitig sakin, naka pwesto ito sa isang table at di ako pweding magkamali sya yun, pumintig ng malakas ang aking puso at nanuyot ang lalamunan ko at di ako makagalaw ng makita ko itong papalapit sakin, pero agad ko namang nabawi ang katinuan ko mula sa pagkagulat, agad akong nag labas ng pera upang bayaran ang mga nainom ko.
"Kuya ito po bayad" sabay abot ng pera sa bartender at madaling tumayo at naglakad palabas.
"Sir! sukli nyo po!!" rinig ko sigaw ng bartender dahil nakalayu ba ako sa kinauupoan ko.Di ko na ito pinansin at napatuloy ako sa palalakad palabas ng bar.
Nang makasakay ako sa kotse ko ay agad ko itong pinaharorot paalis ng bar at tinungo ang daan pauwi ng aking mansion.
Pagkarating ko ng bahay ay agad akong sinalubong ng nag iisa kong katiwala siya rin ang tumulong sakin noong ako ay nag sisimula palang.
Bakas sa mukha nito ang pag aalala.
"Nag inom kananaman?" salubong na tanong nito."Opo Nay, nag libang lang po" nakangiti kong sagot dito.
"Ikaw talagang bata ka di kanaman dating gan-.." habang pinapahid ang mga butil ng pawis saking mukha at marahang hinahagod ang aking likod, di parin nag babago si Nay mula ng kupkupin niya ako, napaka maalalahanin.
"Nay di na po ako ang dating Glass na mahina, malakas na po ang anak nyo, patay na po ang dating Glass wala na po iyong katauhan kong iyon matagal ko nang ibinaon sa hukay!" pag putol ko sa sinasabi ni Nay.
Bumuntong hininga na lamang ito.
"Sana mahanap mo na ang pagpapatawad jan sa puso mo anak." sabi nya bago tapusin ang pag pupunas sa likod ko.
"Nay wala po akong papatawarin ni isa man sa kanila!" matigas kong sabi sabay ng pag dausdus ng mga luha ko.
Niyakap naman ako nito, "Alam kong darating din ang oras at panahon na yon, maaaring di pa ngayon pero alam kong darating din yun"
"Sige na umakyat kana at magpahinga alam kong pagod ka"
"Opo Nay."
Hindi pa ngayon, hindi pa kita handang makaharap, paghahandaan ko ang araw na iyon at sisiguradohin kong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko.
"Fuck!"
YOU ARE READING
Good Boy Gone Wild
Romance"REVENGE IS THE DISH THAT SERVES COLD" Glass Montivala, may ari ng malaking kompanya 25 years old, maputi, gwapo at hot. Inapi ng mga taong akala nya karamay at kakampi nya, kaya naman puno ng poot at galit ang puso nya nangakong mag hihiganti sa mg...