2 (Flashback)

7 0 0
                                    

Sa wakas  4th year college na ako, konting tiis nalang at makakamit ko na ang deplomang matagal kong pinagtiisan at inaasam, ito lang kasi ang nakikita kong solusyon para makaangat o guminhawa ang buhay mamin ni mama at ng kapatid ko kaya kahit ano gagawin ko makapagtapos lang, di din biro ang sakripisyo ni mama makapagpadala lang ng pang allowance ko kada buwan, limang libo ang pinapadala nya kada kataposan maliban pa kong may mga projects akong kailangang taposin  sa school na kailangan ng budget para dun, HRM ang kinuha kong kurso kaya mejo mahal ang budget ko buti na ngalang at scholar ako at libre ang twesyon ko kaya boarding house at allowance nalang ang poproblemahin ko namin ni mama.

Maliit lamang an kwarto kong napili dahil bukod sa mura ay kaya ko namang tumira sa ganitong kwarto, kong sa bahay nga tabi tabi kami matulog eh, may lababo at cr ang kwarto at may papag na higaan banig lang ang higaan ko di ko kaya mag kutson dahil walang budget para dun. Pinilit ko nalang ngumiti at pinangako sa sarili na kapag makakuha ako ng magandang trabaho ay saka ako babawi bibilhin ko ang mga bagay na di ko mabili sa ngayong hirap pa kami...

Naputol ang pag iisip ko ng biglang tumunog ang alarm ng cellphone (Cherry mobile na touch screen at basag ang screen) ko hudyat para magsimula akong bumangon mula sa higaan ko at mag ayos para makapasok na.

Nagluto ako ng almusal at gaya ng dati kanin tuyo at itlog nanaman ang agahan ko nag timpla din ako ng kape, matapos kumain ay tinungo ka namamn ang cr para maligo at katapos maligo ay madaling nag bihis. Sinoot ko ang aking sapatos na 1 year na sakin dahil di ko mapalitan dahil nga sa kulang sa pera pambili, napangiwi naman ako ng makita kong natutuklap na ang swelas nito,

"Pleas wag ka munang bumigay marami pa tayong lalakarin" sambit ko.

Minadali kong isuot ang aking unipormi at chineck ko ang bag ko baka may nakalimutan ako, nang makumperma kong wala namang nakalimutan ay agad kong kinuha ang susi at mabilis na lumabas saka nilock ang pinto.

30 minutes lang kong lalakarin mula sa tinutuluyan ko papuntang school kaya naman ito na ang naging routine ko kada papasok ako, sa nakalipas na 3 taon.

Nakatutok ako sa pag lalakad ng matanaw ko sa di kalayun ang kumpulan ng tatlong lalaki at isapang lalaking naka upo sa lupa dahan dahan naman akong lumapit sa kinaruruonan ng kumpulan nung makalapit ako aya nakumperma kong si Anton na kilalang bully pala kasama ang mga asungot nya, palibhasa mayaman kaya ganun nalang ang kumpyansang malulusotan lahat ng kalokohan nya, minsan narin akong nabiktima nitong gagong to..

Napatingin naman ako sa nakaupong lalaki mataba ito pero di ko masyadong makita ang mukha kasi napapalibutan nga ng tatlong bully na to.

*Babanatan mo naba boss?* rinig kong sabi ng isa sa mga kasama nitong si Anton habang hawak ang isang braso nito sa kabila naman ang isa pang kasama nito matapos sapilitan nilang itayo ito.

*Oo* maikling sabi ni Anton.

Akmang aambahan na nito ng suntok ang lalaki pero dali dali ko namang tinulak si Anton dahilan para matumba ito.

Di ko alam ano pumasok sa kukuti ko bat ko nagawa yun alam kong wala akong laban sa tatlong iyon.

Agad namang binitawan ng dalawang lalaki ang hawak nilang  lalaki at lumapit sa lider nila.

"Sige na tumakbo kana ako na bahala" sambit ko sa lalaki habang nakaharap ako sa mga bully agad namang sinunod nito ang aking utos di ko na tinignan ang lalaki kasi nakaharap ako sa mga bully na to.

"Salamat" sabi ng lalaki at narining ko tumakbo na ito.

Sa muka ni  Anton ngayon halata ang galit at inis ay batid kong ako ang pag babalingan nito, kaagad naman akong hinawakan ng mga kasamahan nya.

Limang suntok sa tyan ang natamo ko at isang sapak sa mukha ko na ngayon ay pulang pula.

*****************************************************************
Kasalukuyan kong binabagtas an daan sa school habang hawak ang akin tyan sobrang sakit matapos kong mabugbug.

Pagdating ko ng school ay agad ko namang tinungo ang una kong klase.

"Oh Glass anyari sayo?" tanong ng kaibigan kong si Shane nang makapsok ako sa silid.
"Wala naman masakit lang tyan ko, kanina pa nga to eh bago ako umalis ng bahay" pag sisinungaling ko.

Si Shane Feredestova ang nag iisa kong ka close sa school na to, gwapo din ito at galing sa mayamang pamilya dahil nga sa puro naman mayayaman ang nag aaral sa paaralang ito liban nalang sa mga schoolar na kagaya ko.

"Sigurado ka?" takang tanong parin nya.
"Oo nga okay lang ako" muli kong pag sisinungaling.
"Eh bat ang pula ng kabila mong pisngi?" bigla nya kasi itong napansin.
"Ah ito ba ?"
"Oo yan nga." sabay tingin na parang nag aalala.
"Kanina kasi may dumapong lamok dito kaya parang nasapak ko narin muka kong kasi mejo napalakas ng subukan kong patayin yung lamok" muli kong pag sisinungaling.

"Ah ganun ba? kala ko kasi na biktima kanaman nung gagong Anton na yun eh" alala nyang sambit habang nakatingin sa namumula kong mukha.

"Oo nga wala nga to." ang nasabi ko nalang.

Maya maya pa ay dumating na ang prof namin.

Nag intoduction lang naman at unting  orientation sa mga gagawin para sa buong semester kasi unang araw palang naman ng klasi.

Iniinda ko parin ang bug bug sa aking tyan ng kinalabit ako ni Shane at sinisyasang tumingin sa prof namin na kasalukoyang nakatingin na pala sakin.

Kita kong ang tingin nitong parang nagsasabing makining ako sa mga sinasabi nya.

"Nga pala may tranferee tayo galing sa ibang bansa."
"Nasa deans office lang sya may inaasikasong papers. pagpapatuloy naman ng prof namin, maya maya pa ay biglang dumating ang transferee
"Oh andito na pala sya come in Hijo."

Sabay namang pag pasok ng bagong estudyante.
"Oh introduce yourself hijo."
nakatingin lang naman ako sa bagong estudyante, mukang familiar sya, maputi mapungay na mata at matangos na ilong at mataba parang nakita ko na sya.

"Hi I'm June Defal Co 19 years old, I hope maging close ko kayo." magalang nya namang sabi.

Nakatingin sya sakin habang nakangiti.

Kita ko naman si Shane na nakatingin sakin na nakakunot ang noo.

Parang familiar talaga tong transferee na to.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 06, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Good Boy Gone WildWhere stories live. Discover now