Kabanata 1

377 8 1
                                    

I inhaled the cold morning breeze. Tanaw ko ang kabuoan ng hacienda La Carmela. Kahit saan ako lumingon, wala kang makikitang ibang bahay. Malawak na kalupaan lang iyong makikita na may iba't ibang uri ng pananim. And all of that...will be mine. Sa future pa nga lang.

I prepared my exercise equipment before I start my day. Gumigising talaga ako ng maaga for my daily exercise routine. I'm a health-conscious dahil ayokong may pagsisihan ako sa pagtanda ko. Isa pa, gano'n din ang mga magulang ko. Mapili kami sa pagkain, especially my mom. Kasuklam-suklam para sa kanya ang kumain ng greasy foods. Kaya, never kaming kumain ng fast food.

I checked my watch. I got thirty minutes to exercise bago maligo at kumain. Alas siyete pa naman ang klase ko. I warmed up a bit and started bicycle crunching and so on.

Tagaktak ang pawis ko matapos mag ehersisyo. Honestly, nakakapagod gumising ng maaga araw araw kahit pagod na pagod ako sa school at sa kaka aral para lang mag ehersisyo. Hindi ko alam kung gusto ko ba talaga 'tong ginagawa ko o... dahil kay mommy.

"Hija, I subscribed you to a new nutritionist. Para hindi ka mahirapang kumain sa school. You know how unhealthy school canteen foods are," bati niya sa akin ng magandang umaga bago ako naupo.

I glanced at dad reading a newspaper. "Good morning mom, dad." Sabi ko saka pa ako tiningnan ni daddy saglit at nagpatuloy ulit sa binabasa. Napabaling ako kay mommy.

"Why transfer to a new nutritionist?" tanong ko. Okay, lang naman ang mga pagkain last year. Bakit kailangang lumipat?

Ngumiti si mommy. "My amega told me last week na that nutritionist is also selling unhealthy foods for celebrities." She fanned herself. "Like a combination of a healthy one and a proportion of unhealthy one. Paano kung magkamali siya ng ma-deliver? Base sa nakita ko, walang masyadong kaibahan ang food. Kung hindi mo pa tititigan, hindi mo makikita ang tiny bits of bacon! Jesus."

This how health-conscious she is. Sa tingin ko nga minsan, nag-eexaggerate na si mommy. But dad supports her on all of her decisions since dietitian naman siya.

Tumango ako at hindi na nagtanong pa.

Nakasakay na ako sa sasakyan, hinahatid ni manong papuntang school. Napapikit ako at hinayaan ang ulo kong mahulog sa backrest. Nagugutom pa 'ko.

Umiling iling ako at kinontrol ang paghinga. I diverted my mind. Trying to forget my rumbling stomach. Ganito palagi ako sa umaga kaya I always looked forward to lunch. Ibinaling ko na lang ang mga mata ko sa tanawin ng La Carmela.

I saw some of my schoolmates walking on their way to school. Nasa malayong unahan pa ng hacienda namin ang may maraming kabahayan. This is the northern part of Cebu. Malayo kami sa mismong siyudad kaya walang masyadong sasakyan. Kung meron man, kadalasang motorsiklo o kung sasakyan man, baka turista. May kabilang hacienda rin naman pero medyo malayo pa ito sa amin kaya imposibleng mapunta sila dito banda sa amin.

Napansin ko sa unahan ang likod ng isang lalaki at babae na naglalakad din. Dala ng lalaki ang bag ng babae. How cheap. Sa daan pa talaga naglalandian.

When we passed them, Jilian playfully nudged Kelvin. That Kelvin is working in our hacienda. Mula sa lolo niya hanggang sa papa niya doon na nagtatrabaho at nagka pamilya. May mga bahay naman sa likod ng mansiyon namin para sa mga trabahante ng hacienda. Kung hindi niya pa sinabi kung saan siya nagta trabaho noong first-year kami, hindi ko malalamang doon pala siya nakatira sa likuran namin. Of course, how would I know? Hindi naman ako nagpupunta do'n kahit minsan.

People described me as...spoiled brat. Why? Let's say, I complain more than I enjoy. Kahit sa kunting inconveniences sa buhay. It's always the "I want" rather than "I need". I couldn't distinguish the two. I also hate spending money. Like paying my side of the bill? I never had to spend my money because I never needed to. I don't usually offer help simply because, I don't need anyone's help either. I also strongly react to minor disappointments and flaws. And lastly, I'm not independent or I couldn't. I am used to things being done for me. I'm bad at organizing and planning my life together just because someone's already doing it for me. At iyon ang mga magulang ko. All I have to do is follow the path where they want me to walk.

Endless BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon