I was in the middle of reading when I glanced down there...at them. Kung kanina kumakain si Jilian at nagbabasa naman si Kelvin, ngayon ay magkatabi na sila at parang seryosong nag-uusap.
Tumunog ang bell kaya agad akong napatayo at nagtungo na sa classroom. Kelvin came, pinakahuli siya. Nilagay niya ang bag niyang luma at inayos ang damit. Napasulyap siya sa akin. I equaled his bored and uninterested stare at siya ang unang pumutol no'n.
"From our last discussion, naputol tayo sa," sabay sulat ng teacher namin sa blackboard. "Budgeting..." at lumingon sa amin. "Knowing how to handle our money is very important. Lalo na kapag hindi tayo gano'n kayaman..."
I rolled my eyes when some...or every one of my classmates looked at me. I get it, okay? Mayaman kami at hindi kailangang mag budget. Huling napatingin sa akin ang trabahador namin. It somehow annoys me to see him so bored. Hindi nga siya mukhang matalino kung titingnan. Mas matalino pa kung tingnan iyong maingay sa likuran na si Clint.
"May hindi makaka relate sa topic," may nagsalita at hindi ako nag abala sa paglingon. Again, not worth my time. I'm here to study and to study alone.
"Quintin!" awat ni sir bago napatingin sa akin.
"This lesson is for everyone. Isang ulit pa na may magsalita nang gano'n ay palalabasin ko!" galit na sabi ng teacher namin.
Nagpatuloy siya nang natahimik na. "This applies to poor and wealthy people. Sa mahirap, obvious na kung bakit hindi ba?" tumango ang iba. "Most especially if the source of income is unstable. Kagaya na lang ng on-call janitors? Waiters? At maraming pang iba dahil natatakot sila sa kinabukasan..." naglakad sa gitna si sir at humarap sa kabila. "As for the wealthy people, nagwo-wonder siguro kayo kung bakit kailangan din nila itong budgeting? Kung marami naman silang pera? Now, tell me your idea about why this also applies to them. Anyone?" Umikot ang ulo ni sir.
Honestly, I don't know. Why would wealthy people budget their money when...they got a business that provides a stable income? Nabobo akong bigla sa topic.
And to my horror.
"Miss Uy? Any idea?"
Napamura ako sa isipan ko. I stood up confidently, not having anything in mind. But still, I answered.
"I'm sorry but," biglang lumagpas ang tingin ko sa likuran ni sir. Nakatingin sa akin si Kelvin at mukhang hinihintay ang sagot ko. "In our household...we don't budget." It earned an immediate gasp. "Our source of income is stable...infinite. Hindi namamatay ang isang puno ng mangga kung kukuhanan ito ng bunga. Bubunga lang ito nang bubunga hanggang sa mamatay. But before that happens, siguradong nakatanim na kami ng bago."
"Hmmm." Tumango tango si sir at mukhang nag-isip.
"Paano kung may bagyo at trahedya sa pamilya mo. Lahat 'yon sabay-sabay. So many possibilities para hindi na makatanim ulit," biglang sagot ni Kelvin na nagpagulat sa aming lahat.
Namangha pa pati si sir!
Since then, hindi na kami nagkakasundo sa mga sagot at hindi na rin ako masyadong nasurpresa na binara niya ako agad! I looked at him, at matalim siyang tiningnan.
"We got people for that," sagot ko. Hindi ako papatalo.
Our teacher smiled, getting amazed by the discussion. He went to his table at naupo sa mesa.
Kelvin stood up, humarap siya sa akin.
"Tagisan ng talino na! Lalabas na lang kami sir nang makapag-aral para sa next period!" sabay tawa ng classmate namin.
"Gusto mong sumali?" si sir at natahimik siya agad.
"Kelvin?" Tawag ni sir sa kanya. Hinihintay ang sagot. Kelvin put his weight to the other side while his right hand was in his pocket.

BINABASA MO ANG
Endless Beauty
RomanceLa Carmela Series #1 Hexara Uy, kilalang spoiled brat ng La Carmela. Pero kahit gano'n, lahat luluhod sa ganda niya. Hindi pa man naisisilang ay handa na ang isang magandang bukas para sa kanya. Kaya niyang makuha ang lahat ng bagay sa mundo sa isan...