The Incident

1 0 0
                                    




Mercy's POV


Nasa clothing store kami ngayon at tapos na kaming mamili kaya magbabayad na ako. It's ok lang naman na ako ang magbayad kasi matagal na din akong hindi nakakalibre sa pinsan ko.


"Magkano po lahat?" Tanong ko sa cashier habang hinahanap ang wallet
"P4,785 po lahat ma'am" sa wakas na hanap ko na din ang wallet ko at inilabas ko ito upang kunin ang pambayad
"Ma'am di ba kayo po si Ms. Mikylle at Ms. Mercy?" tanong ng cashier. Oh! nice she recognize me, oh i mean us.
"Opo kami nga po iyon" sagot ni Ly ng nakangiti
"Miss i'll pay" sabay abot ng bayad sa cashier
"Ok po, pwedeng magpapicture Ms. Mikylle?" What!! si Mikylle talaga ang nauna hindi ako?! I can't be ako ang sikat bakit sya ang nauna!!
"O-ok po" Nauutal na sagot ni Ly. See sya din nagulat.


Nagpapicture na nga ang cashier kay Mikylle
And after nyang magpapicture kay Ly ay lumapit sya sakin


"Ma'am pwede po bang...." hindi sya natuloy ng biglang mag-ring ang phone ko kaya dali-dali ko itong kinuha mula sa aking bulsa.
"Hello" Pabungad ko sabay nagwait sign sa cashier sabay talikod.
"Ms. Mercy you're mom is here in your hospital. Hindi ko na namalayan na biglang namutla na pala ako pagkatapos ay agad ko ng binaba ang phone ko at biglang lumapit sa akin si Ly.

"Ry, What's happening? Is there a problem?" Hinawakan nya ako sa magkabilang braso ko at iniharap sa kanya

"My mom...." at nag-uunahan na ang aking mga luha mula sa aking mata
"Nasaan sya at anong nangyare" nag-aalalang tanong nito pero bago pa ako makasagot ay niyaya na nya ang lahat ng mga kasama namin na umalis na


At agad-agad kaming pumunta sa Parking Lot. Para na akong mababaliw dahil kung ano ano na ang pumapasok sa utak ko tulad ng: Sana umuwi na ako agad para hindi na ito mangyari, Sana nalaman ko agad ang sakit ni mom, Sana... sana.. sana...
Maraming sana ang gumugulo sa akin at sa dami ng aking iniisip ay hindi ko na namalayan na nasa loob na pala ako ng Kotse ni Ly at nakatulala bigla nalang nagtanong si Ly


"Saan ba ang hospital para sabay na tayong pumunta doon?" narinig ko ang tanong ng kasama ni Ly kahit na nakatulala ako
"Sa Villanola Hospital" wala padin ako sa sarili ko ng sagutin ko iyon dahil nya kay mom. Sana ok lang sya.


Maya-maya pa ay nakarating na kami sa Hospital at dali-dali kaming bumaba tsaka pumunta sa Nurse desk.


"Nurse nasaan po si Mrs. Roselle Villanola" Tanong ko sa nurse kahit na parang nahihirapan na akong magsalita dahil sa kaba
"Ms. Mercy nasa ER po" sagot ng nurse sabay turo sa ER.


Kaya dali-dali na kaming kay Mom at nakita ko naman si Dad sa labas ng ER at agad ko syang nilapitan upang yakapin hindi ko na napigilan ang pag-iyak habang nakayakap kay Dad at agad namang pinahinahon ako nito. At nang huminahon ako ay pinaupo kami ni Dad sa waiting area.


"Dad, What happen? anong sakit ni Mom? Answer me!" Hinawakan ko sya sa kabilang braso nya.
"May Sakit sa Dugo ang Mom mo" at yumuko si dad
"Kailan pa ito? nagpapagamot ba sya? at bakit hindi nyo sinabi ito sa akin?" Yumuko ako at hinawakan ang sintido ko dahil bakit pa nila nilihim ito sa akin eh ako lang naman ang kaisa-isa nilang anak
"The year before you left, May gamot sya anak at hindi iyon pumapalya kaya hindi namin ito sinabi sayo para hindi ka na mag-alala sa amin" Tumingin ito sa akin at bahagyang ngumiti

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 18, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MAYBE MY LOVE WILL NEVER FADE AWAYWhere stories live. Discover now