Chapter 1: Four Years Later

141 30 9
                                    

Character Theme Song ‘Anika’Halsey - Control

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Character Theme Song ‘Anika’
Halsey - Control

People tell you promises they can’t even promise to themselves.

➖➖

“Isang preso ang nakatakas mula sa Eisenwald Central Prison kanina lang pong alas tres ng madaling araw. Ang nasabing preso ay walang iba kundi si Hiro Matias, isa sa pitong criminals na hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin dahil sa salang paggahasa sa dalagang si Anika Guevarra, apat na taon na ang nakalilipas.”

Napatigil si Tristan sa pagnguya ng kanyang kinakain nang marinig niyang sinambit ng news reporter na nasa TV ang mga pangalang sobrang pamilyar sa kanya.

Hiro Matias. Anika Guevarra.

“Oh, Eisenwald daw. Hindi ba, doon ka nakatira dati?” inosenteng tanong sa kanya ng kanyang Nanay Delia na kasalukuyang naghihimay ng ulam nilang adobong hipon.

Hindi sumagot si Tristan, nakatutok lang ang kanyang atensyon sa balita. Maliit lang ang bahay kaya nakikita niya mula sa hapag-kainan ang lumang TV na nasa sala.

“Nakuhanan ng CCTV footage ang tatlong mga armado ngunit hindi pa nakikilalang mga lalaking naglabas kay Matias sa kulungan. Ayon sa Bureau of Corrections, apat na pulis ang nasugatan at sa kasamaang palad ay dalawa ang nasawi. Kasalukuyang iniimbestigahan at pinaghahanap ang mga tao sa likod ng pangyayaring ito.”

Napailing si Nanay Delia dahil sa narinig. “Naku, kalat na talaga ang mga masasamang tao sa panahon ngayon. Mabuti na lang at matagal ka nang umalis sa lugar na ‘yon, Tantan.”

Napayuko si Tristan at napatitig sa kanyang plato. “Sina Neon kaya ang may gawa nito?”

“Ha? Sinong Neon?”

“Po?” Bigla siyang napaangat ng tingin dahil sa tanong ni Nanay Delia. “Ah, si Neon Celestia po. Isa ‘yon sa kasama no’ng Hiro Matias. Sikat kasi ‘yang kaso na ‘yan sa Eisenwald kaya maraming nakakakilala sa kanila.”

“Ahh,” sagot ni Nanay Delia, pahiwatig na naintindihan niya ang sinabi ng kanyang inaanak. “Grabe, ano? Hindi pa rin sila nahuhuli. Diyos na lang ang bahala sa kanila.”

Hindi nagsalita si Tristan. Umugong sa buong bahay ang patalastas na nasa TV pero hindi na niya halos maintindihan kung ano iyon. Tuluyan nang ginulo ng balita ang kanyang isip.

Maya-maya pa ay tumayo si Tristan at kinuha ang mga platong nasa mesa. Lumikha ng ingay sa kahoy na sahig ang mga paa ng kanyang upuan nang iniusog niya ito.

“Nay, mabuti pa ay simulan ko nang maghugas ng mga pinggan. Tapos naman na po akong kumain.”

“Sige, Tantan.”

Walang imik na dinala niya ang mga plato sa lababo. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin kayang sabihin sa kanyang Nanay Delia ang totoo—na isa siya sa pitong mga kriminal na pinaghahanap sa Eisenwald.

ET TU, BRUTE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon